Chapter twenty five

11 0 0
                                    

Chapter twenty five

Hay ngayon pala ako magsisimula sa trabaho ko. Ngayon na kasi ako babalik sa trabaho sa starbucks. Si manager nga text ng text sakin. Kaplastikan! Gusto lang ako dun para dumami yung customer niya. Mga tao talaga nuh.

So eto ako nagbibihis na. Well maaga pa naman pero gusto ko na din umalis dito paano ba naman si lucas at katie sobrang sweet nilalanggam na nga eh! Kakainggit ako walang Lovelife walang kaganyanan kasalanan nung trevor na yun kung sana nililigawan na ko edi sana may ganyang moment kami. Chos. Assumera na naman ako.

Umalis na ko ng bahay at pumunta na ko ng starbucks buti na lang mahangin ngayon. Kailan kaya uulan ng snow dito para naman sosyal ang pilipinas. Minsan kasi tagaktak na yung pawis ng mga tao dito sa sobrang init. Kainis kasi si noynoy! Padate date lang ang dami na nga naghihirap nagpapakabagets pa. Tss!

Nakadating na ko sa starbucks at wala pang customer. Salamat naman makakapagpahinga ako. Pumunta muna ko kay manager.

"Manager." sabi ko. Nakatalikod kasi siya.

"Oh you're here." ayy wala pa ko nasa bahay pa ko.

"Ah yes sir." sagot ko.

"So ano pala gusto mong trabaho?" tanong niya.

"Sir yung dati na lang po. Pwede ho ba?" tanong ko. Baka kasi may nakakuha na.

"Syempre naman. Malakas ka sakin!" sabi niya. Sige nga dagdagin mo nga yung sweldo ko. Chos.

"Okay po punta na po ako dun." sabi ko.

"Oh sige." sabi niya.

Paalis na sana ako ng may bigla akong naalala.

"Ah sir. Para saan po yung piano dun sa may mini stage?" tanong ko pagkapasok ko nakita ko agad yun.

"Ah yun ba? Naghahanap ako ng tutugtog dun. Para naman sosyal diba? May kakilala ka ba?" tanong niya

Kung ako kaya? Magaling naman ako kumanta at gumamit ng piano. Para dagdag sweldo din.

"Sir ako na lang po. Marunong po ako." alok ko. Sana pumayag!

"Hmm? Osige pero aayusin ko muna yung sched mo. Okay na?" tanong niya

"Opo! Thank you talaga!" sabi ko at umalis na pumunta na ko sa pwesto ko.

"Oh look who's here!" sabi na naman niya.

"Seryoso? Yan lang ba alam mong english? Kapag nakikita mo ko yan na lang lagi mong sinasabi para kang sirang plaka." sabi ko. Sinamaan naman niya ko ng tingin.

"Inggit ka lang!" sigaw niya.

"Nako! Wala naman dapat ikainggit sayo. Kung meron man bumalik ka na lang sa ibang araw at ipagmalaki mo ng bongga ha?" sabi ko. Impakta talaga to.

"Humanda ka!" pagbabanta niya.

"Nako! Hindi ko naman birthday ngayon para mag handa. Pero sa wednesday birthday ko at don't worry hindi ka invited." sabi ko at nagsmile na parang anghel.

"Ugh!" inis niyang sabi at nagwalkout.

"Sige ingat!" sabi ko at bigla naman siya nabangga dun sa isang customer at natapunan siya ng kape. Kakasabi lang ng ingat eh!

"Excuse me. How much is this?" sabi nung lalaki.

"75 pesos sir." sagot ko. Pagkatapos niyang magbayad. Kinindatan ako. Tss ang landi ah.

"Gustong gusto mo naman!" nagulat ako sa nagsalita at si trevor pala.

"Hindi. Bakit ikaw? Nagustuhan mo?" tanong ko.

I'm Loosing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon