Chapter 2

802 10 0
                                    

"Talaga bang nag aalala ka Kay Mr. Buenaventura o dahil sa babaeng yon?",alam ko naman na may namamagitan sa dalawa.I have eyes and ears. Hindi pa niya diretsahin na yon ang dahilan,sinaktan ko ang babae niya, kaya siya nagagalit.


Ang babaeng tinutukoy ko ay si Elladie Breigh na unica hija ni Mr. Buenaventura at isa rin itong kilalang modelo.Nakaaway ko kasi ito kanina pagdating palang namin sa party.Birthday kasi nito at imbitado ang aking asawa.Ayaw ko sanang sumama pero pinilit niya ako kesyo daw asawa niya ako at kung saan siya ay dapat naroon rin ako parang tuta at aso na dapat sunod-sunuran sa lahat ng gustuhin niya.


Hinding hindi ko panghihintulutan na mangyari yon gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi ito maging panghabangbuhay na pagsasama gaano ko man siya kamahal.Anong silbi na magkasama kami bilang mag asawa kung nakikita ko sa bawat araw kung gaano niya ako kinamumuhian masasaktan lang namin ang isa't isa at ayaw kong dumating ang panahon na pati respeto ko sa kanya mawala rin.Sapat na ang mahalin ko siya mula sa malayo tulad ng ginawa ko noon.Ayaw kong maging martyr.


"What do you mean?"


"Wala",sabay talikod ko dahil wala rin namang pupuntahan ang argumentong ito mas mainam na matulog kesa makipag away buong magdamag maaga pa naman ang pasok ko bukas.


"Huwag mo akong tinatalikuran pag kinakausap pa kita,Tatianna",may diin ang mga katagang sabi niya."I won't tolerate your behavior anymore not in my own house.Hanggat hindi kita pinapaalis huwag kang umalis",nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa akin. Pati boses niya pigil na pigil ang pagtaas mahihita mo talagang galit na siya.Iilang beses ko rin siyang nakitang magalit at magtaas ng boses and trust me manginginig ang iba sa ibang pagkakataon pero hindi ako.


"Look, I'm tired already Nikos. I want to rest. Good night",umakyat na ako sa hagdan sa ikalawang palapag.


Hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin siya habang paakyat dahil wala na akong narinig pa na pagtutol mula sa kanya. That's a first. Himalang tumigil siya. Nahuli ko siyang nakatingin sa direksyon ko at bigla nalang siyang umiwas ng tingin.Sus nahuli na nga umiwas pa.


"What?Diba pagod ka bat hindi ka pa umakyat?",angil nito habang nakatanaw parin sa labas.



"Ikaw?Hindi karin ba matutulog?",see? Ayos na kami parang hindi nag away kani kanina lang.


Pero nag aalala talaga ako sa kanya nakikita ko kasing sobra niyang pinapagod ang sarili sa pagtatrabaho.Bihira nga ko rin siyang maabutan ng umaga at gabing gabi na kung umuwi .Kung makakayod akala mo isang batalyon ang binubuhay pero okay na ako sa ganun kesa naman gugulin sa pambababae at pag inom sa trabaho nalang may kwenta pa.


"I don't need your permission in everything I do", sabay tingin sa akin at tumalikod na.Hmmp.Suplado.Nang patalikod na ako ay muli itong nagsalita habang nakatalikod parin sa akin"One more thing. Huwag kang tumatalikod habang umaakyat sa hagdan o naglalakad,lampa ka pa naman",at nagtuloy tuloy ng maglakad papunta sa office niya.May office kasi siya dito sa bahay.













My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon