Chapter 12

437 5 0
                                    

BEFORE TEN YEARS AGO

" Ma, papasok na po ako! ", sigaw ko mula sa pintuan.

" Hindi ba't pinagbawalan kitang huwag sumigaw ng malakas, Tia. Hindi ka ba pwedeng lumapit sa akin at saka mo sabihin ang sasabihin mo hindi yung sumisigaw ka pati sa kabilang bahay naririnig yang boses mo", pagpapaalala niya sa akin. " Dalaga ka na hindi ka dapat umaasta ng ganyan. ", nakalapit na ito sa akin mula sa kusina. "Hanggang kelan ka ba magbabago? My god wala na yata akong hindi ginawa para matuwid yang pag-uugali mo!", sermon pa niya.

Ganito talaga si mama lagi niya akong sinisermonan dahil daw sa ugali kong asal-kalye halos kabisado ko nga ang linya niya sa tuwing pinupuna niya ako.

Since nang lumago ang negosyo ni papa naging trabaho din ni mama ang gawin akong 'prim and proper ' lady ayon sa kanya. Sa mundong ginagalawan ng mga mayayamang angkan big deal sa kanila ang umaktong parang di-makabasag pinggan ang mga kababaihan sa harap ng ibang tao, naging kalbaryo din ni mama na baguhin ang pag-ugali at kilos ko kahit anong protesta ko sa kanya na ganito na talaga ako, na hindi niya ako mababago dahil parte yun ng personality ko. Isa pa ayokong makipagplastikan dahil lang para maging maganda ang impression sa akin ng tao.

Hindi kami nagmula sa mayamang angkan pero hindi rin mahirap, middle class lang. Si mama, nagtatatrabaho sa isang bangko at si papa naman isang simpleng negosyante, at dahil sa pagsisikap lumago ang business nito hanggang sa magkaroon ng sariling kompanya. Simula nun tumigil na si mama magtrabaho at naging plain housewife nalang siya, minsan tumutulong siya kay papa.

Isang taon narin mula ng maisipan ni mama na magtayo ng business niya dahil wala rin naman siyang gaanong ginagawa sa bahay. Mas mabuti daw na magtrabaho nalang siya kesa nakatunganga lang. Kahit may pera na sila hindi naging priority ni mama ang maggasta ng pera tulad ng ginagawa ng mga amiga niya. Bihira lang siya magshopping kapag kailangan lang talaga. Wala rin naman masyadong nababawas sa income ng mga magulang ko dahil only child ako, walang tinutustusan na marami. Dalawang maid ang meron kami sa kagustuhan ni mama na maging full-time sa pag-aasikaso sa amin ni papa, kaya trabaho lang sa bahay ang dahilan kung bakit siya kumuha ng mga katulong, pati pagluluto siya rin ang gumagawa nagpapa-assist lang sa mga kasambahay namin. Nag-hire din sila ng driver/bodyguard para sa akin. Si mama at papa sila mismo ang nagmamaneho sa sarili nila. Kanya kanya kami ng sasakyan para mas aberya.

" I know. I love you 'ma", hinalikan ko siya sa pisngi. Magic words ko kay mama ang mga katagang yun, automatic kasi siyang tumitigil kapag sinasabi ko yun. Nakita kong bumababa sa hagdan si papa kaya kinawayan at nag-flying kiss ako sa kanya. " Sige, alis na ako at baka ma-late pa ako. Bye ", paalam ko ulit. " I love you 'pa! ", sigaw ko at saka napahalakhak ng marinig si mama na tinatawag ang pangalan ko.

Hay. Sana ganito nalang palagi, masaya at walang problema. Kahit ganun si mama sobrang mahal na mahal ko siya sila ni papa.

" Manong ihinto niyo po sa tindahan bibili ako ng mineral water nauuhaw ako", utos ko kay manong ng makita ko ang madadaanan namin na store sa gilid ng kalsada.

" Ako nalang ang bababa, iha ", boluntaryo nito. Hindi tataas sa singkuwenta ang edad nito kung hindi siya nagkakamali.

" Ako na po. Kaya ko naman. ", patalon pa akong bumaba sa kotse na isa sa ipinagbabawal ni mama na gawain ko. Bakit daw hindi ako bumaba sa sasakyan ng may pag-iingat at walang pagmamadali hindi yung tumatalun-talon pa ako, paano kung madisgrasya ako at hindi daw yun ugali ng isang babae. Gusto kasi ni mama yung mahinhin kasi ganun siya pinalaki ng mga magulang niya na sa kasamaang-palad ay hindi ko nagisnan simula ng ipanganak ako.

Bumalik din ako kaagad sa kotse ng makabili ng softdrinks at mga sitserya. Natukso ako sa softdrink kaya bumili narin ako.

" Manong, gusto niyo po ba ng royal?", alok ko kay manong ng softdrink. Hindi ko na inalok ng junkfoods kasi hindi naman mahilig ang matatanda sa mga pagkain na ganun.

" Salamat nalang iha pero busog pa ako, kakakain ko lang kanina", tanggi niya. " Ang aga mo naman uminom ng ganyan iha, masama yan sa kalusugan dapat tubig ang iniinom mo kapag umaga", payo niya na nakatingin sa akin mula sa rearview mirror.

Nang makarating kami sa school umalis narin si manong pabalik sa bahay.

My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon