Chapter 14

393 3 0
                                    

" Eww! Yuuuuuuck! ", napabuntong-hininga nalang ako sa matinis na tinig na narinig ko. Kanina pa siya tili ng tili tuwing makakakita siya ng mga daga, gagamba, ipis at butiki. Halos mabutas na ang eardrums ko sa kakasigaw niya. She's screaming there and then like a madwoman. I mean seriously, didn't she saw one in their house? Or somewhere?





" Ella, stop screaming. My god your voice waking the dead fom their graves! ", I stated irritably. My ears couldn't endure another screeching from her.





" I can't help it. This is worse than cleaning a comfort room", maarte niyang saad. " I've just gotten my nail polish yesterday, and now this", looking at her new polished nails.


" Yes it is", konting pasensya pa. " If you want to end your suffering you might as well get a broom of your own and start cleaning. The more the faster ", I added, pointing my finger at the near broom box on the side.




Naglilinis kami sa isa sa mga room na nakabakante at walang gumagamit. Marumi ang loob at nawala ang pintura sa mga pader tanda na matagal itong nakatingga at hindi pinansin ng ilang taon. Ang sabi ng principal ipapa-renovate daw at gagawing bodega o kaya'y laboratory.



Ito ang punishment namin, ang kay Ella dahil sa nakatulog siya habang nag-eexplain ang teacher namin sa AP at ako, dahil sa nakadungaw ako sa labas ng room. It's an absurd reason really. Sobrang terror ng AP teacher namin pati paglinga bawal, malingat ka lang sa kabila mo pagharap meron ng lumilipad na chalk.




" Bakit ba lahat ng teacher dito terror? Ano naman kung hindi ako makinig, wala namang kwenta yang social studies na'yan ", dabog niya habang kinukuha ang walis. " Anong pakialam ko sa mga nangyari noong unang panahon, hindi naman mahalaga ang mga 'yon", she muttered, her voice tainted with disgust.




" Hindi lang naman lahat tungkol sa history ang AP. Isa pa interesting din ang subject na'yon kung makikinig ka lang ng maayos", depensa ko sa nabanggit na subject.



" Ganun? So tell me, ano naman ang dahilan at kasama kita dito kung ' interesting ' nga 'yang lintik na AP na'yan,aber?", nakataas ang kilay na tanong niya.



" Pahinain mo nga yang bibig mo baka may makarinig sayo madoble pa ang trabaho natin", sawata ko sa kanya.




" Kung bakit pa kasi dito tayo nag-aral pwede naman sa ibang school. Mas masaya sana kung dun rin tayo sa school nina Kiara", aniya,sabay buntong-hininga. Pinsan niya ang tinukoy.





" Nandito na tayo kaya ikaw mag-aral ka nalang ng maayos, wala na ang pinsan mong tagasulat mo at kopyahan mo", paalala ko. "Baka pag nakita nina Tita ang grades mo na puno ng red mark baka ipadala kana nila ng tuluyan sa america at doon pag-aralin. Kung mahirap dito mas mahirap dun alam mo yan", litanya ko at baka nakakalimutan niya ang balak ng mga magulang niyang pag-aralin siya sa america kapag hindi siya nagtino.





" Grabe ka. Hindi pa naman ako na-failed ni minsan. At hindi lahat kinokopya ko kay Kia may alam din ako, noh! Alam mong kuripot din yun sa sagot kapag exam", depensa niya sa sarili.






" Hindi nga failed pero pulos pasang-awa naman", pang-iinis ko. Sabay lapit sa upuang nasa pinakagilid ng room para sana walisan.





" It's not that bad. Baby steps. Next time malay mo tumaas ang grades ko mula seventy-fiv........ ", hindi siya natapos magsalita ng mapasigaw ako.





" Haaaaaaaaaaa!", halos mapitid ang ugat sa leeg ko sa pagsigaw ng akmang hahawakan ko ang upuan para hilain ng mahagip ng mga mata ko ang malaking bagay.... o tao?






" What the!.....", mula sa pagkakahiga sa upuan ay biglang napaupo ang isang lalaking nagulat sa pagsigaw ko.














































My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon