Chapter 9

473 9 2
                                    

" Nikos, hindi ba naging kayo ni Ella?", no response. Naka concentrate lang siya sa pagmamaneho.



" Akala ko naging girlfriend mo siya", napakatahimik kasi ng paligid kaya ayun, ako lang ang dumadaldal kesa naman pareho kaming mapanisan ng laway.



" Liam pala ang tawag sayo ni Kevin? Close ba kayo?"



Nang sa tingin ko hindi na siya magsasalita tumahimik narin ako. Dumungaw sa kotse at pinagkasya na lang ang sarili sa pagtanaw tanaw sa labas kahit wala naman akong masyadong makita dahil gabi na.



" Since when did you start calling him Kevin? First name basis, huh?", bigla ay putol nito sa pagmumuni-muni niya.



"Kanina lang. Don't worry kapag kami lang dalawa o kapag tayong tatlo saka ko lang siya tatawagin sa pangalan niya. Kapag nasa work na, Mr. Brillones uli.", Kevin Brillones ang buong name ni Kevin.



" So, bakit nga Liam ang tawag niya sayo? Magkaibigan ba kayo ni Kevin, Nikos? "



" It's none of your damn business"



" Tingin ko bakla si Kev............ "



" What the fuck are you talking about?!", muntik na akong mapasubsob sa headboard ng kotse sa lakas ng impact ng biglaan niyang pagpreno at inilihis sa kalsada ang kotse. Buti nakaseatbelt ako kung hindi baka napaano na ako.



" Anu ka ba papatayin mo ba ako?!", singhal ko sa kanya.



" Who the hell fed you that shit?! "



" Wala, ak......... "



" You?!"



" Yes, at pwede ba patapusin mo muna ako magsalita bago ka sumabat. Nakakarami ka na."


" The fuck I care!"



" You always cursing, that's bad for health you know. Buti walang bata dito, magiging bad example ka pa sa kanila."



" The fuc........ "



"Fuck I care. Yeah I know", putol ko sa kanya.



" Kaya ka ba komportableng komportable sa kanya dahil iniisip mong bakla siya?"



" Yes and no?"


Kumunot lang ang noo niya sa sagot ko.



" What I mean is, hindi lang dahil sa iniisip kong bakla siya kaya ako komportable sa kanya. Haka-haka ko lang naman yon, hindi ako sigurado kung totoo nga."


" Paano mo naman naisip na bakla siya?"



" Kapag kasi may nagpapapansin sa kanya sa office wala siyang pakialam, marami pa nga ang nag-invite sa kanya ng date pero tinurn-down niya lahat. At hindi basta basta ang mga yon dahil lahat sila magaganda at sexy. Halos hubad na nga ang mga yon pero walang epekto sa kanya. Kaya nagtataka ako sa sexual preference niya", mahaba kong sagot.





" Bakit akala mo ba lahat ng lalaki makakita lang ng bagay na nakapalda susunggaban niya agad? He's not like us, Tatianna. Nagkataon lang na hindi sila gusto ni Kevin at hindi dahil bakla siya as you put it. Like Kevin, before, I stick with one woman, not screwing two or more women at a time. I am giving my 100 percent loyalty to my girlfriend, I mean to you, alam naman natin pareho na ikaw lang ang naging girlfriend ko noon." nakatingin lang siya sa akin ng mataman. Parang may kung anong hinahanap sa mga mata ko.




Noon hindi na ngayon.




His statement silenced me for awhile. Ang ibig sabihin lang nun ay may mga babae na siya ngayon at hindi siya kontento sa iisang babae lang.



" Umuwi na tayo", nawalan na ako ng ganang makipag usap.




Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago pinaandar ulit ang kotse.



Nang malapit na kaming dumating sa bahay biglang kumalam ang tiyan ko. Tsaka ko lang natandaan na hindi pala ako nakapag-lunch dahil nung yayain ako ni Phoebe, ang bukod-tanging maituturing kong kaibigan sa office, kumain ay tinanggihan ko. Busog pa kasi ako nang mga oras na yun.



" Anong oras ka ba kumain kanina?", yong boses niya parang concern.



" Busog ako kaninang tanghali kaya hindi na ako bumaba sa canteen para kumain."




" You only had your breakfast?! Alam mo bang maaari kang magka-ulcer kapag hindi ka kumain ng tatlong beses sa isang araw?"




" Look who's talking. Ikaw din naman ah lagi kang nalilipasan ng gutom. Atleast ako ngayon lang ako nag-skip."



" Malakas ang tolerance ko sa gutom. Sanay na ako", sagot niya.



" Kahit na. Tao ka rin, pwede ka din magkasakit.", hindi nagpapatalong sagot ko.




Ilang minuto pa at dumating na kami sa bahay. Nagtaka pa nga ang mga kasambahay namin dahil ngayon lang siya sumabay kumain sa amin at sabay pa kaming dumating galing trabaho. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami sa kanya kanyang silid. Magkaiba ang kwarto namin dahil nga, we're married but not in heart.




























My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon