Chapter 15

471 5 1
                                    

Nakasaksak sa teynga ko ang headphone na naka full volume habang sinasabayan ang kanta na pinapakinggan mula sa phone ko, nakapamulsa ang dalawa kong kamay sa coat ko, at kung minsan ay pinapaputok sa bibig ang chewing gum na kanina pa nawalan ng lasa pero patuloy pa ring nginunguya.




Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa locker room para magpalit ng P.E. uniform dahil yun ang susunod na subject namin.




Mangilan-ngilan ang estudyanteng nadadaanan ko na kumukuha ng mga gamit mula sa kani-kanilang locker. Ang iba ay nagkukwentuhan lamang na nakatayo sa gilid.




Nanlaki ang mga mata ko ng mapatapat ako sa'king locker. Maraming nagkukumpulang estudyante ang naroon at lahat sila'y nakatingin sa nakapaskil na larawan ng isang batang babae na halos hubo't hubad na nakasalampak sa sahig habang nilalantankan ang malaking cake katabi ng icecream. Wala itong gamit na kutsara o tinidor, bagkus ang mga kamay nito ang nakahawak sa mismong cake.




Hindi lang iisa ang larawan na nandun, may isa pa na kaparehas ng naunang larawan na naka-panty lang ang batang babae pero sa pagkakataong 'yon nakahawak na ito ng kutsara habang sumusubo ng ice-cream. Kalat sa buong mukha at ilang parte sa katawan nito ang mga kinain kaya nagmukha itong madungis. Stolen shots ang mga larawan o kaya'y sadyang hindi tumingin ang bata sa camera.




Of course, it's a stolen shots. The child in the photos were me. I didn't look straight at the camera because I never once liked taking pictures of myself and plastered it on our album, or in the wall of our house. It was my mother's wicked ideas that put me into this situation right now. She loves taking pictures of me, to my chagrin, she still does. Look where does got me now. I could've shout my mother for this. Ugh. This is so embarrassing!




Those pictures were taken when I was six years of age. I like chocolate cake so much and ice-cream. As for my costume, I didn't, don't know why I was barely clothed that time, maybe because of excitement that I didn't even bother putting dress on or it was just normal. Kids are always bare or so I thought.



" Tumabi nga kayo!", namumula ang mukha ko habang hinahawi ang mga tao, pagkainis at pagkahiya ang nararamdaman ko. Kung sinuman ang gumawa nito wala siyang puso.



" Ikaw ba 'yan Yanna?"



Hindi ko siya pinansin at tinanggal nalang ang mga picture.


" Ang taba mo pala nung bata ka pa", alam ko.




" Nakita niyo ang chubby ng pisngi niya. Tapos astroboy yong naka-print sa panty niya", tumawa ang nagsabi nun na sinigundahan ng iba.

" Tapos na kayo?, pinukol ko ng masamang tingin isa-isa ang mga 'to. " Kung tapos na then layas na kayo marami akong gagawin, inaabala niyo ako. Isa pa, baka late na kayo sa mga lectures niyo. Kayo rin", pananakot ko at saka nagkibit-balikat, kinapkap ko ang susi sa palda ko at saka nginitian ang mga ito. " 'Nga pala, about dito sa picture paiimbestigahan ko ito", sabay pitik sa larawan na nakaladlad sa harap nila. " Kapag isa sa inyo ang naglagay dito lagot kayo sa akin. Invade of privacy ang ginawa niyo, hindi kayo dapat nagpapaskil ng mga bagay na hindi inyo. Understood?", tumalikod ako sa kanila at akmang bubuksan ang locker nang may malutong na palakpak ang pumutol sa ginagawa ko.



Lahat kami ay napalingon sa pinagmulan ng tunog na nasa likod ko, katapat ng locker ko.




May lalaking nakatalikod sa amin at nakaharap sa locker niyang nakabukas kaya hindi ko mapagtanto kung sino siya. Base sa hitsura nito ay tumatawa siya dahil yumuyugyog ang mga balikat niya.








" What a brave girl", said the familiar voice. Humarap ito sa kanila.




" Ikaw na naman!", gimbal kong naibulalas.



"Finally to see you again, Pigty. 'Missed me?", he smirked. " 'Coz I've missed you", the smirk on his face tells her otherwise.




But of course, after many years without bullying, talagang mami-miss niya ako. O kaya ang mas tamang sabihin ay na-miss niya ang pambu-bully sa akin. I know better to trust this guy. " Mami-miss kita kung hindi ka lang sana nagpakita uli. Kung nagtagal ka pa ng thirty years dun baka sakaling ma-miss pa kita. Kakakita ko lang sayo pero nagsasawa na ako sa hilatsa ng pagmumukha mo", pambabara ko na tinawanan lang niya.



" It warms my heart to know that. I adored your truthfulness. I still do. You have way with words, Pigty. Your honesty was overwhelming, atleast that didn't change from you", lumapit ito sa akin.



" Why'd you say so?"




Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang hakbang, niyakap niya ako ng mahigpit na halos ikapugto ng paghinga ko.

" Get off of me!", kinakalas ko ang mga braso niya mula sa akin pero para lang akong nagtulak ng pader. Di hamak na mas malaki siya kesa sa akin.






















My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon