Chapter 8

454 7 0
                                    

Shit. Shit. Shit.



Damn this car.



Pauwi na ako pero noong pinapaandar ko na ang sasakyan ayaw makiayon kaya no choice kung hindi ang magcommute.



Naglalakad na ako sa labas para mag abang ng taxi at nakita kong marami ring nag aabang. Tiyak na matatagalan akong makauwi.



Kaysa naman sa maghintay pinili ko nalang bumalik sa loob. Pagkakataon ko narin ito para gawin ang mga binabalak ko.



Napangiti ako sa naisip. Syempre kung paiibigin ko siyang muli kailangan kong maging malapit sa kanya.



Dirediretso lang ako sa taas nang makalabas ng elevator.



" Hi Kevin! Nandyan paba si Nikos? " lalaki yong secretary niya. Kung anong dahilan hindi ko alam. Halos lahat ng lalaking boss na kilala ko
babae ang secretarya pero siya,lalaki. Iba rin ang taste ng lalaking yon.



" Nasa loob parin siya, Mrs. Moretti" magalang na sagot nito. Seryoso rin ito tulad ng boss nito. Hindi ko rin yata ito nakitang ngumiti ni minsan.



Lukaret, syempre hindi sila magkakasundo kung hindi sila pareho ng ugali.



Sayang pareho pa naman silang guwapo. Pero nakakalamang parin ang gandang lalaki ni Nikos. Haha.



" Tatianna or Tati nalang, Kevin." tumango lang ito bilang sagot.



I knocked thrice before I heard a response from him. Just as I rolled my eyes.



Kailangan pala talaga tatlong beses kumatok bago magpapasok?



" What are you doing here?" nagtatakang tanong nito at tiningnan ang pambisig na relo." I thought you left already. It's past 6pm, shouldn't you be home by now?" nakakunoot noo niyang tanong.



" Yong sasakyan ko kasi ayaw umandar. Wala narin akong masakyan na taxi dahil marami din ang nag aabang. Kaya sayo nalang ako makikisakay kung pwede...........?" bitin ko sa tanong ko. Malay ko ba kung ayaw niya akong kasabay.



Tiningnan lang niya ako mula sa kinauupuan niya.



Ayaw niya ata akong isabay. May hangganan din ang hiya ko noh?



" Pero kung marami ka pang gagawin, mag aabang nalang ako uli marami pa naman sigur..........." nagtaka ako ng bigla nalang siyang tumayo at hinatak ang coat niyang nakasampay sa swivel chair niya.



" Tayo na. " yon lang ang narinig ko at binitbit niya sa isang kamay ang isang attache case.



" Tapos ka na? Wala ka ng trabaho?" hindi na ito sumagot. Tuloy tuloy lang ito sa paglabas.



Tingnan mo'to ni hindi man lang nagawang sumagot ng Oo at Hindi?



" Iuwi mo nalang yong hindi mo pa natapos. Give it to me when it's done. You can go home now." naabutan kong sabi niya kay Kevin.



" Uuwi rin ako pagkatapos kong ayusin ito."



"Oo nga pala Liam, si miss Ella lagi niyang tinatanong kung nandito ka sa office." pag iimporma nito kay Nikos.



" Tell her I'm busy. And if she kept calling then tell her I'm busy doing my wife." pagtatapos niya.



" Of course not. You pervert!" namumula ako sa sinabi niya.



"Let's go Yanna."parang wala lang na sabi niya.



" Bawiin mo kay Kevin ang sinabi mo." Gosh. Kahit gustung gusto kong ilampaso sa sahig ang Barbie-ng mukha ng babaeng yon ayaw kong isipin ng mga taong kahit sa office gumagawa kami ng 'kababalaghan'.



" No. Kailangan din magising ng babaeng yon. Nakakasawa na ang pagsunud sunod sa akin. She's too leechy for my taste." ang harsh niya. Sobra.



" Sige Kevin mauna na kami sayo." paalam ko kay Kevin.



"Mag iingat rin po kayo sa daan miss Tatianna" tingnan mo'to sabi ko Tatianna, walang 'miss'.




Yong Jung Hwa as Kevin the 'secretary'.












My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon