Chapter 11

462 7 0
                                    

Dito ako dinala ng mga paa ko nang iwan ko ang tatlo. Napakapresko ng hangin na humahaplos sa balat ko. Sa tuwing tumatama sa mukha ko ay napapapikit ako at nilalanghap na para bang sa paraang iyon ay maiibsan ang paninikip ng dibdib ko.



Nakakawala ng problema ang sariwang hangin. Namiss ko tuloy ang dagat, doon kasi mas malakas ang hangin kaya nakakagaan ng loob lalo na kapag tahimik dahil makakapag isip ka ng maayos.



Inilibot ko ang mata sa mga building na katabi ng kinatatayuan ko ngayon.



Dito sa rooftop makikita mo mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na building na nakatayo sa area-ng iyon. Ito kasi ang pinakamataas sa lahat ng building na naroroon. Nagmistulang langgam sa paningin ang mga bahay na nakapalibot sa paligid.



Lumapit ako ng konti sa railings para mapagmasdan pa ang nasa ibaba. Pero dahil takot ako sa height hindi ko na itinuloy ang pagyuko dahil baka malula ako at mahimatay sa takot. Last time na nangyari yon namutla ako sa sobrang takot.



Pero sadyang matigas ang ulo ko dahil hindi ko napigilan ang sariling bumalik uli at subukan kung kakayanin ko bang tumingin mula dito hanggang sa baba.



" What the fuck are you trying to do?!", sigaw ng isang boses.



Hindi ko na kailangan tingnan ito dahil kilala ko ang boses na'yon.




" Nagpapahangin.", kaswal kong sagot. Hindi parin ako tumingin dito bagkus lumayo nalang ako sa railings at tumanaw mula sa malayo.



" It doesn't seemed like that"



" Whatever ", sabay harap dito.



" Akala ko hindi matatapos ang yakapan niyo kaya kesa tumunganga at manood sa sad moment nyong dalawa mas mabuti pang dito ako manood ", mapait kong saad dito.



Tumingin lang ito sa akin kapagkuwan ay lumapit tatlong dipa ang layo sa akin.



" You're jealous ", nakangisi pa siya ng sabihin yon.



" Of course not!," medyo napalakas pa ang boses na tanggi niya.



" You're too obvious. Don't deny it, Yanna."



" I am not. Wala akong pakialam maski maghalikan pa kayo wag lang sa harapan ko o sa ibang tao. Ako ang lalabas na kaawa awa sa mga tao kapag nalaman nilang ang asawa ko harap harapan akong niloloko.", nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Pinatigas ko ang ekspresyon para mas kapani-paniwala na hindi ako naapektuhan kanina.



I won't give him satisfaction seeing me hurt by what he did. At hindi ko aaminin ang tunay kong nararamdaman sa kanya hanggat walang kasiguraduhan na mahal niya rin ako. Kahit pride ko man lang maisalba kapag hindi nagtagumpay ang plano ko.



" So you won't care if I get someone pregnant? As long as your pride and dignity's intact you'll be fine with it?", matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin.




Get someone pregnant.



Hindi ko siguro kakayanin kapag nagkaroon siya ng anak sa iba. Kaya kong makipag agawan sa mga babae niya pero hindi sa dugo't laman nito.



I couldn't break a child's heart for my own happiness. Tama na ang nawalan ako ng mga magulang pero hindi ko pangangaraping sapitin yun ng mga inosenteng bata. Dahil walang ipinagkaiba ang tinanggihan ng ama o ina sa namatayan ng magulang. Para sa akin pareho ang mararamdaman mo alinman sa dalawa ang mangyari.



Ngunit ayaw ko ring may kahati sa kanya. Iyon ang kinatatakutan kong mangyari, ang dumating sa puntong papipiliin ko siya sa aming dalawa dahil sa selfishness ko. Isipin palang na may anak na siya na hindi akin para na akong masisiraan ng bait.



" Y-yes", nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong makita niya ang totoong nararamdaman ko.



" You're not a good actress. Look at me and then say it all to me", hamon niya.



" Bakit? May naanakan ka na ba sa isa sa mga babae mo?", sinabayan ko pa ng tawa. Pero ang totoo natatakot ako sa isasagot niya.



Matagal kaming hindi nagkita at alam kong kabi-kabilaan ang mga naging babae nito. Magpahanggang ngayon hindi ko parin sigurado kung may iba pa siyang babae na hindi ko alam.



Paano kung may nabuntis na nga siya sa isa sa mga babae niya? Bakit nga ba hindi ko naisip itanong ang bagay na'yon sa kanya bago sumuong sa kasal na ito.



" Don't think too much", pukaw niya sa akin mula sa pag-iisip." Rest assured that I didn't impregnate anyone", doon ko lang pinakawalan ang pinipigil kong hininga. " But..... ", meron pang kasunod?



Mahihimatay na talaga ako sa kaba dahil sa pambibitin niya. Lagi nalang niya akong tinatakot.



" But I'm planning to have one in the future, maybe two or four. With you", pagpapatuloy niya na ikinasinghap ko.















My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon