Chapter 3

617 14 0
                                    

The ticking of the clock in my bedside table awoke me from my slumber. Tumayo ako at nag inat.Tiningnan ko ang oras at 6a.m na pala lumapit ako sa may bintana at finold ang kurtina kaya tumagos ang liwanag sa loob 6am palang pero ang taas na ng araw pagkatapos ng ilang minutong pagninilay nilay sa baba at kalangitan pumunta ako ng bathroom para maligo.



Nakabathrobe ako ng bumaba para mag agahan mamaya nalang ako mag aayos pagkatapos kumain.Natuto na ako nang minsan aksidenteng natapunan ang damit ko habang kumakain ng almusal nagmamadali pa naman ako nung araw na'yon dahil interview ko sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon.



Nasabi ko nabang ang kompanyang pinapasukan ko ay pag aari ng asawa ko? Pwes ngayon alam niyo na.Hindi lang yon ang pinapatakbo niya kundi may mga hospitals,restaurants,hotels,resorts at kung anu ano pa.Hindi lang siya mayaman kundi bilyonaryo pa kinulang nga lang sa manners.Kung ang ibang mayaman ginagamit ang pera upang pagtakpan sa media ang tunay na pag uugali siya hindi ipinapakita niya talaga sa buong madla ang totoong siya.Mahirap man aminin pero bilib talaga ako sa kanya dahil dun.



"Manang,si Nikos po umalis naba?",nakita kong naghahanda si manang ng mga pagkain sa mesa kasama ang iba pang mga kasambahay namin.



"Nakaalis na siya,iha.Hindi kana nasanay dun laging umaalis na kape lang ang laman ng sikmura aywan ko ba sa asawa mong iyon lagi na'y parang nagmamadali sa trabaho na akala mo'y mawawala ang kompanya kung mananatili pa siya ng sampung minutos para kumain.Doon nalang daw kakain,secretarya niya daw ang bahala dun",binuksan nito ang oven at kinuha ang ulam na pinainitan."Sa kanya naman ang kompanya walang sisita kung ma-late man siya.Aba'y hindi ko pa siya nakikitang kumain dito ni minsan",patuloy na sabi nito.



Oo nga naman.



Hindi yata mabubuhay ang lalaking iyon na walang ginagawa kaya halos 24/7 itong lugmok sa trabaho kulang lang ay pakasalan nito ang trabaho.Hindi naman ito hands-on sa mga ibang ari-arian nila,sa kompanya nito at sa kompanyang namana niya mula sa mga magulang nakafocus ang atensyon nito.Nagtalaga siya ng taong mapagkakatiwalaan,mga kamag anak niya sa side ng ama at ina para mamahala sa iba pa nilang ari-arian.Sa Amerika nakabase ang mga kompanya nito pero simula ng mamatay ang mga magulang ay napilitan itong bumalik sa pilipinas at itransfer sa bansa ang mga yon upang pamahalaan ang kompanyang pinagpaguran ng kanyang ama na ipinama sa kanya.Well,he's an only child,an heir of Moretti's Multi-Company.



"Manang maglagay nalang po kayo sa baunan at nang madala ko sa kanya.Malilipasan na naman siya ng gutom dahil kahit nagpapaluto siya sa office hindi naman niya kinakain yong mga yon kaya nasasayang rin lang.Ako nalang po ang magdadala baka sakaling kainin niya",umupo narin ako sa pinakahead ng dining table nang matapos ihanda ni manang ang lahat sa mesa.



"Nasaan nga po pala ang iba?",ang tinutukoy ko ay ang mga kasambahay namin."Hindi po ba sila sasabay kumain sa atin?",umupo kasi narin si manang nang hindi tinatawag ang mga ito.Ang lahat ng kasambahay namin ay itinuturing kong kapamilya kaya kahit sa kainan sabay sabay kami.



"Nakakain na silang lahat iha.Marami daw trabaho kaya nauna na silang kumain sa atin.Kakain narin sana ako kaso alam ko naman na ayaw mong kumakain mag isa kaya hinintay na kita",sagot nito.



Bukod sa mga kamag anak ko tanging si manang ang pinakamalapit kong kamag anak para sa akin. Siya ang nagpalaki sa akin simula ng ipanganak ako at kasa-kasama ko ng mamatay ang aking mga magulang.




feel free to vote and leave a comment:-):-)

Thank you so much!!!for reading

My Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon