Chapter 2

27 0 0
                                    

Pagdating namin sa Clintton University. Bumaba na ko sa kotse at nagpaalam kay Tatay Esto. Pumasok na ko sa gate at iniswipe ko muna yung ID ko dun sa machine for attendance purposes.

Oo meron na kami ng ID first day pa lang ng klase.

Pagpasok ko bumuntong hininga ako. Hayy, goodluck sa college life mo this year Phlephora Danielle.

Naglakad na ko papunta sa Business Management Department. Labag man sa loob ko pero ito ang pinasukan kong course dahil na rin sa mga magulang ko. Hinanap ko na ung classroom ko na BM-301.

Lakad dito. Hanap doon. Lakad dito. Tingin doon.

"Ayun! Nahanap ko din." Pumasok na ko at madami na din ang mga nandito

Humanap ako ng upuan sa bandang harapan para madali kong maintindihan ang sinasabi ng mga professors namin. Pagkahanap ko ay umupo na ako at tumingin sa paligid ko.

Halos lahat ng nandito ay kakilala ko at ang iba ay nakaklasi ko noong highschool. Sabagay halos lahat din kasi ng estudyante dito ay galling din sa Clintton Highschool na kung saan din ako galling. At kilala ang mga Clintton schools bilang eskwelahan ng mga mayayaman at piling estudyante.

May biglang tumabing babae sakin. Tinignan ko sya at bigla akong napangiti.

"Hi Phlephora! Meron Na bang nakaupo dito sa tabi mo?" sabay turo sa upuan sa bandang kaliwa ko.

"Hello Hillary! Ah wala pa. Sige dyan ka nalang umupo." Sabi ko.

Si Hillary Castaneda ay classmate ko simula noong 3rd year high school at sya ang matuturing kong Bestfriend. Siya kasi ang laging kong kasama dati.

Nagkamustahan at nagusap kami ni Hillary hanggang sa pagdating ng professor namin.

"Good Morning class. I'm Ms. Jessica Punta Verde and I will be your professor for your Entrepreneurship subject --."

Napahinto ang teacher namin sa pagsasalita ng may biglang pumasok sa pinto.

"Good Morning Mr. Clintton." Bati sa kanya ng teacher namin pero siya tuloy tuloy lang sa paglalakad at huminto para humanap ng upuan.

At kung minamalas ka nga naman ang natitirang vacant seat na lang ay ang upuan sa kanan ko.

Itinaas ko ang tingin ko at nakitang nakatingin sya sakin. At walang ano ano'y umupo sya sa vacant seat sa tabi ko.

"Hayy, naku naman sa lahat ba naman ng pwede kong makatabi bat siya pa ?!" Siguro na OOA'yan na kayo sakin no. Eh kasi naman kaya ganyan ako makareact kasi siya lang naman ang pinaka kinaiinisan kong lalaki dito.

Ipapakilala ko sya para sa inyo. Siya si Zacchary Danielle Clintton ang kaisa isang anak ng may-ari ng mga Clintton Schools. At sya rin ang pinaka notorious sa lahat ng estudyante dito. Kilala siya ng mga tao bilang gwapo, playboy, chic-magnet at bad boy . Pero para sakin sya ang mortal enemy ko in terms of academics.

Opo hindi po kayo nagkamali ng basa. Matalino po siya, kahit ganyan ang paguugali nya. Siya ang Valedictorian namin nung high school at ako naman ang napunta sa salutatorian.

Napatingin ako sakanya at nanlaki ang mata ko ng magakalapit ang mga mukha namin. OH MY GOSH! Napayuko ako ng makabalik ako sa katinuan at hindi na ulit siya tinignan.

Nagring na ang bell kaya oras na para maglunch. Tumayo na ko para maglunch at para ayusin ang mga gamit ko. Pero pagtayo ko nabangga ung shoulders ko. Pagtingala ko siya pala ung nabangga ko.

"Sorry." Sabi ko.

"Tss." Sabi naman nya. Hindi man lang nagsorry. Kinalabit naman ako nitong katabi kong si Hillary.

"Hayaan mo na yun. Tara sabay na tayong maglunch?" Alok nya. Tumango naman ako.

"Haha. Oo sige tara sabay na tayo."

Naglakad na kami papunta sa Korean Restaurant sa harap ng school. Ng makapasok kami, humanap kami ng upuan. At nahagip ng mata ko si Zacchary na may kasamang babae. Tinangal ko na lang ako tingin ko sakanila at pumunta na sa upuan na nahanap ni Hillary.

Ng makaupo kami ay lumapit naman agad samin yung waiter at ibinigay yung menu. Makalipas ang 5 minutes ay naka order na din kami.

Habang hinihintay namin ung inorder namin nagkwentuhan muna kami ni Hillary.

"Napansin mo ba kanina doon si Zacchary?" biglang tanong niya sakin.

"Ah oo napansin ko siya." Matipid kong sagot.

"1st day na 1st day may babae na agad siya! Tsk!" sabi nya habang umiiling.

"Haha. Hindi ka pa nasanay. Eh kung sino sino na lang din ung mga kasama nyang babae sa school."

"Tama ka dyan Sis! Naku nakakainis yung mga babaeng hindi matauhan ! Ginag*go lang sila ng lalaking yan!" natawa naman ko dun sa sinabi niya.

Naputol ang paguusap namin ng biglang dumating ang waiter at ang pagkain namin. Kumain na kami at wala ng nagsalita pa ulit.

Ng matapos ang lunch ay bumalik na kami sa classroom namin. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang susunod naming professor.

Lumipas ang oras at uwian na. Kakadismiss lang ng professor namin sa last subject. Nakatayo na ko at inaayos ang gamit ko.

"Phora una na ko ah ! Nasa labas na daw kasi yung sundo ko."

"Ahh o sige sige. Ingat ka !"

"Sige bukas ulit." Sabay kaway ng kamay.

"Haha. Oo sige. Bye!" kinaway ko din ang kamay ko at ngumiti.

Umalis na siya at inayos ko na ulit ang gamit ko sa bag. Ng mapansin kong ako na lang pala at ang lalaking katabi ko ang natira sa room.

Kinuha ka ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Tatay Esto para sunduin ako.

"Hello, Tatay Esto ? Pasundo na po ako. Salamat."

"Ahh. O sige sige anak."

Inilagay ko na ang cellphone ko sa loob ng bag. Nagsimula na na kong maglakad papunta sa pintuan ng may biglang humigit sa kamay ko. Bigla tuloy akong napaharap sakanya.

"Bakit ? Anong kailangan mo ?" taas kilay kong tanong kay Zacchary.

Bigla nya kong hinapit sa bewang at hinalikan ako sa labi .. sa LABI .. SA LABI !! Dahil sa gulat nanigas ako sa kinatatayuan ko habang siya hinahalikan parin ang labi ko.

Nung tumigil siya ay doon ako nakabalik sa aking wisyo at nasampal ko siya. Hindi man lang siya natinag sa kinakatayuan nya.

"Bat mo ginawa yun ?" sigaw ko sakanya.

"Wala gusto ko lang." pacool nyang sabi.

Eh anak naman pala siya ng tipaklong !! Manghahalik siya ng wala lang ??! Ng dahil gusto nya lang ?!

Kumulo ang dugo ko sa galit at nasampal ko ulit siya. Hinawakan niya naman yung pisngi niya. Umalis na ko sa sobrang galit.

"GRRRRR ! Walang hiya siya. Bastos ! Walang modo ! Manghahalik siya kasi gusto nya ??! Kasi gusto nya lang ??! WHAT THE??!!!" inis kong sabi.

Pumunta na ko sa parking lot at hinanap ang kotse ni Mang Esto. Nang makita ko na ay agad agad na kong pumasok at umalis.

Stay With Me ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon