A/N: Naisip ko pong gawing character dito sa story ang kathniel.
Phlephora's POV:
"Hmmm." Nagmadali akong tumayo sa kama at tinignan ang nagwawalang alarm clock. Its 5 o'clock in the morning at 1st day of class ko ngayon bilang isang 2nd year college student sa Clintton University.
Ligo. Toothbrush. Bihis
"Tapos!" Nagsuot lang ako ng plain white tshirt, fit na faded jeans at vans na shoes. Bumaba na ko para magalmusal.
Pagbaba ko as usual busy si Mommy sa pagbabasa ng mga proposals para sa business namin este nila pala. Si Daddy naman merong business trip sa Europe.
Umupo na ko at nagumpisa ng kumuha ng pagkain. Merong ham, bacon, bread, hotdog and egg etc. Pinili kong kainin yung bacon at bread. Habang kumakain ako biglang tumayo si Mommy sabay tingin sa wrist watch nya.
"Oh my! It's already time. I have to go, bago pa ko malate sa meeting ko. Manang paasikaso na lang po itong bahay."
"Yes po Ma'am" sabi ni Manang Rosing na kaisa isa naming katulong at itinuring ko na ring nanay.
Umalis si Mommy ng hindi nagpapaalam sakin. Hay ano pa nga bang aasahan ko
By the way I'm Phlephora Danielle Buenavista. I'm 17 years old at ako ang kaisa isang anak nina Daniel at Phoebe Buenavista. Ang mga magulang ko ang mayari sa pinakamayamang kompanya sa bansa.
Pagkatapos kong kumain tumayo na ko at nagligpit ng pinagkainan ko. Kahit mayaman kami marunong ako sa mga household chore kasi tinuruan ako ni Nanay Rosing.
Pumunta ako sa kusina at naabutan doon si Nanay Rosing na naglilinis.
"Nanay alis na po ako." Paalam ko sabay halik sa pisngi nya.
"O sige anak. Magingat ka. Nasa labas na si Esto at hinintay ka."
Si Mang Esto ang asawa ni Nanay Rosing. Simula't sapul sila na ang mga katiwala nanmin dito sa bahay. Tinuturing ko na silang mga magulang dahil sila na rin ang nag-alaga sakin simula bata pa ko. Meron silang dalawang anak na sina Rowena at Roselle na mga naging kaibigan at kalaro ko nung bata pa ko.
Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa backseat ng kotse.
"Good Morning nak!" masiglang bati ni Mang Esto o Tatay Esto.
"Good Morning din po Tay." Pinaandar na ni Tatay Esto ang kotse papunta sa school.
Habang nasa biyahe nadaanan namin yung stall ng Zagu. Pinahinto ko muna ang sasakyan sandali.
"Ahh Tay, pahinto muna po sandali yung sasakyan dyan sa may Zagu." Ng maihinto, bumaba na ko at bumili.
Ng biglang may isang batang pulubi ang lumapit sakin.
"Ate palimos po, pambili lang po ng gatas ng kapatid ko." Sabi ng bata habang nakalahad ang kamay.
Naawa ako sa bata kaya kinuha ko ang wallet ko sa bag at kumuha ng pera.
"Heto." nakangiti kong sabi at ibinigay ko ang pera sa kanya.
"Maraming marami pong salamat ate! Malaki po ang matutulong nito samin. Pagpalain po kayo ng Diyos." Sobrang tuwang sabi nito na maluha luha pa ang mga mata.
"Walang ano man. Sandali lang bata may ibibigay pa ako sayo." Sabi ko sa kanya.
Lumapit ulit ako doon sa crew ng Zagu.
"Ah excuse me miss, pwedeng paggawang dalawa yung order ko?" tanong ko.
"Sige po ma'am." sagot naman niya.
"Thank you." sabi ko at pinuntahan ko na ulit yung bata.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ahhm. Micaella po. Kayo po?"
"Ako si Ate Phlephora. Nasan yung mga magulang mo atska yung mga kapatid mo?"
"Sina mama at papa po naghahanap ng mga kalakal tapos po yung dalawa ko pong kapatid nasa kapit bahay po namin."
"Ms. Phlephora?" tawag nung crew ng Zagu.
"Sandali lang ah." Sabi ko kay Micaella.
Pumunta na ko doon at kinuha ang mga binili ko. Pagkatapos linapitan ko ulit si Micaella at ibinigay ko sakanya yung isa.
"Thank you po!" masayang sabi nito.
"Walang ano man" sabi ko.
At ng makaalis na siya sumakay na ako sa kotse para makapunta sa school.
BINABASA MO ANG
Stay With Me ( On Going )
Roman pour AdolescentsCharacters: Phlephora Danielle Buenavista Zacchary Danielle Clintton *Any names, characters, places, and events are all product of the author's imagination and any resemblance to actual persons; living or dead are entirely coincident *Bare with th...