Natapos ang class hours ng hindi kami naguusap ng kapartner ko. Bukas na lang siguro, next week pa naman yung submission eh.
Kakadismiss lang ng last subject namin kaya tumayo nako at inayos ang gamit ko tska lumabas na ng classroom.
Naglakad na ako papunta sa parking lot ng madaan ko si Zacchary na may kotse niya na may kalandiang babae.
"Ano ba naman yan! Hindi pumili ng lugar na paglalandian. Kung saan-saan nalang. Tsk!"
Linagpasan ko nalang sila at hindi na tinignan ulit.
Pagdating ko sa harap ng kotse agad na akong pumasok sa loob.
Pagdating ko sa bahay wala pa din si mommy kaya umakyat na ako sa kwarto para magpalit ng damit.
Nang matapos ako ay kinuha ko si Princess at pumunta sa garden at umupo ako sa swing.
Few minutes passed. Natapos na akong magmuni muni at makipaglaro kay Princess. Nainip na ako kaya naisipan kong pumunta ng mall para bumili ng mga bagong libro.
Umakyat ulit ako sa kwarto at nagbihis. Nagsuot na lang ako ng white tshirt at maong shorts at doll shoes. Inipit ko ang buhok ko at ginawang messy bun. Matapos nun kinuha ko ang pouch ko at inilagay doon ang wallet at phone ko. Naglagay ako ng konting pulbos at lipgloss para hindi dry ang labi ko. Ng matapos ako ay pumunta ako sa intercom sa kwarto ko.
"Nanay?" tawag ko kay Manang Rosing.
"Oh ano yun anak? Gusto mo na bang magmiryenda?" tanong naman niya.
"Ahh. Hindi po nay. Tanong ko lang po sana kung andyan si Tatay Esto. Papahatid po kasi sana ako sa mall. Bibili lang po ako ng libro."
"Ahh. O sige tatawagin ko lang siya sandali."
"Sige po. Salamat."
Habang hinihintay si Tatay Esto, nag spray muna ako ng pabango at muling tumingin sa full-sized mirror.
Pagdating ko sa mall pumasok agad ako sa bookstore at nagtingin tingin ng mga libro.
Nang matapos ako pumunta ako sa cashier para magbayad. Worth 5 thousand ang nabili ko.
Naglalakad muna ako sa mall at nagtingin ng damit. Naka bili ako ng 2 piraso ng blouse at isang ripped jeans.
Dahil sa kakatingin at kapaguran dumaan muna ko sa fastfood chain para kumain."Good evening Ma'am. Welcome to Jollibee. May I take your order ?"
"Ahmm. Isang C1 (chicken & spaghetti) atska isang mix-ins. Tapos yung drinks Ice Tea."
"Ok po Ma'am. Isiserve na lang po. Thank you." sabay lagay ng number sa tray ko.
Naghahanap ako ng mauupuan ng biglang may tumawag ng pangalan ko. Pamilyar sakin ang boses niya. At hindi ako pwedeng magkamali dahil dahil siya lang ang tumatawag sakin ng second name ko.
"Danielle!" tawag ulit nito sa akin.
Nilingon ko siya. At hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Ang ex-boyfriend ko na si Braxton Ford.
"Uyy." bati ko sa kanya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Inaya niya ako sa pwesto nila.
Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang babaeng kasama niya.
Ang ganda naman niya. Ang kinis at ang puti ng balat niya.
Humarap yung babae sakin at ngumiti.
"Danielle, this is Thalia, girlfriend ko."
Parang may biglang tumusok sa puso ko. Hindi ko tuloy alam kung anong klaseng ngiti ang naipakita ko.
BINABASA MO ANG
Stay With Me ( On Going )
Teen FictionCharacters: Phlephora Danielle Buenavista Zacchary Danielle Clintton *Any names, characters, places, and events are all product of the author's imagination and any resemblance to actual persons; living or dead are entirely coincident *Bare with th...