Chapter 6

14 0 0
                                    

Phlephora's POV:

Kasalukuyan akong nagbabasa ng The Fault in our stars dito sa kwarto ko habang natutulog si princess sa lap ko.

Nagtaka ako ng biglang nagtumunog yung cellphone ko na nasa side table ko. Bibihira lang kasing may magtext saakin. Madalas si Hillary, Nanay Rosing at Tatay Esto lang.

Kinuha ko ito at tinignan kung kanino galing yung message.

From: 09*********
Meet me at the school gate tomorrow. 8:00 am sharp.

Sino naman to ? Magtitext walang nakalagay kung sino.

To: 09*********
Sino to ?

Sampung minuto na ang nakalipas pero wala pading reply. Baka na wrong send lang sigurokaya hindi na nagreply.

Ilalagay ko na sana sa side table ko yung cellphone ko ng biglang nagring ito. Tinignan ko yung screen ng cellphone ko pa tignan kung sino yung tumatawag.

*Incoming call*
Unknown Number

"Hello ?" sagot ko sa tawag.

"Hello." sagot naman ng nasa kabilang linya.

Kumabog bigla yung dibdib ko nung marinig ko yung boses niya. Ano yun ? Bat may ganung effect ? Nasobrahan na ata ako ng kape sa katawan. Tsk !

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako muling nagsalita.

"Uhmm. Bakit?" tanong ko.

"I was the one who texted you a while ago." sagot niya.

"Para naman saan yun?" usisa ko.

"Binabawi ko na yung sinabi ko. We will both do the activity."

Wow ! Anong masamang nakain nito at binabawi yung sinabi niya. Baka nauntog tapos nabagok yung ulo kaya natauhan.

"O sige." sagot ko.

"We will interview my parents. Since nandito sila for 2 weeks."

Yun naman pala. Buti nalang ! Baka hindi ko din mainterview sina mommy at daddy kasi busy sila.

"Ok sige."

Then the call was ended.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising dahil aalis nga ako. Naligo ako at nagsuot ng plain white tshirt, fitted jeans at pumps. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok.

Bumaba ako dala ang folder na naglalaman ng kailangan sa interview at pouch kung saan nakalagay ang wallet at cellphone ko.

Tumuloy ako sa kusina para kumain ng almusal. Nadatnan ko doon si mommy na kumakain.

Napatingin siya saakin. "It's saturday today Danielle. May lakad ka ?" tanong nito sakin.

"Opo. Gagawa po kami ng project sa house ng classmate ko. It's a by pair activity." paliwanag ko.

"Ok. Pahatid ka nalang kay Manong Esto." sabi nito at pinagpatuloy na ang pagkain.

What a nice conversation right ? Note sarcasm.

Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain kaya tumayo na ako.

"Alis na po ako mom." paalam ko sakanya and I kiss her cheek.

Medyo matraffic sa dinaan namin kaya natagalan kami. But good thing hindi ako nalate.

Bumaba ako ng sasakyan at agad nahagilap ng mata ko ang lalakeng prenteng nakasandal sa kanyang kotseng ferrari red na convertible.

Stay With Me ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon