Phlephora's POV:Walang masyadong nangyari sakin sa mga nakalipas na buwan. Hindi ko nga din namalayang 3 buwan na pala ang nakalipas dahil siguro sa naka focus ako masyado sa school.
Lumalabas din kami ni Hillary pag minsan. At sa katunayan may usapan kami ngayon na magkita tutal sabado naman.
I dialed her number para malaman kung papunta na ba siya. Madalas kasi pag tinatanong ko kung asan na siya lagi niyang sinasabi na on the way na daw pero it's either kakagising niya lang or maliligo palang siya.
Bat kaya may mga ganun no? Tapos ikaw naman na walang alam, para kang baliw na naghihintay doon sa pinagusapan niyong lugar. Ang hilig lang talagang magpaasa ng mga tao ngayon.
Naudlot ang pagdadrama ko ng sinagot na ni Hillary ang tawag ko.
"Hello? Papunta kana ba?" aniya na halata mong nagmamadali dahil may mga kung anong nahuhulog akong naririnig sa background.
"Paalis na sana ako pero mukhang matagal kapa kaya maya maya nalang. Baka maghintay ako ng matagal sayo doon."
"Haha. Sorry naman. Si kuya kasi parang baliw kaya ayan tuloy natagalan ako. Wait lang. Text nalang kita pagpunta nako. Promise."
"Ok sige." sagot ko sabay baba na ng phone ko.
Naabutan ko si daddy sa garden na parang may mga pinipirmahang papel. Napadako ang tingin niya sakin ng maramdaman ang presenya ko.
"Where are you going sweety?" tanong niya matapos sumimsim sa coffee sa table niya.
"Lalabas lang po kami ni Hillary, Dad." sagot ko naman.
Tumango lang si daddy sakin bilang sagot.
Biglang tumunog ang doorbell namin. Dad said na siya na daw ang titingin kung sino yun kaya umupo nalang ako sa swing.
When Dad came back, may dala dala siyang isang envelope but it's not the usual envelope na pang sulat. Mukha iyong invitation.
"Kanino po galing yan Dad?" tanong ko sakanya.
"It came from the Clintton. Invitation ito para sa 30th anniversary ng company nila. It will be held on Sunday. Sama ka?" aniya saakin.
Naalala ko yung araw na sinabi saakin yan ni Mr. Clintton. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi dahil parang nakakaramdam ako ng hiya. Hindi naman kasi ako madalas sumama kela Dad sa mga business celebrations na ganyan. Pero naalala ko yung sinabi ng mommy ni Zacchary na ine'expect nyang pupunta ako. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta lalo na't pupunta sina mommy at daddy.
"Uhmm. Opo Dad. Sasama po ako." sagot ko sakanya at nginitian niya ako pabalik.
Nalipat ang atensyon ko sa phone ko na nagriring. Sinagot ko naman iyon dahil si Hillary ang tumatawag.
"Papunta nako. Ikaw?"
"Paalis na din ako. Hinihintay ko lang tawag mo. Sige wait mo nalang ako." sagot ko at pinatay ko na ang tawag.
"Dad alis na po ako." paalam ko sakanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Sige. Magingat ka ha." aniya at tumango.
"Yes Dad." sagot ko atska na ako lumakad papunta sa gate dahil naghihintay na doon si Tatay Esto.
Usapan naming magkita ni Hillary sa Starbucks. Nang makapasok ako sa loob ng mall ay agad ko siya natanaw dahil malapit siya sa may glass window.
"Huy!" pangugulat ko sakanya.
"Ay! Ginabing kokey!" pasigaw niyang sabi at napatingin sakanya yung ibang tao na nandito. Tawa ako ng tawa kasi nakakatawa yung expression ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Stay With Me ( On Going )
Teen FictionCharacters: Phlephora Danielle Buenavista Zacchary Danielle Clintton *Any names, characters, places, and events are all product of the author's imagination and any resemblance to actual persons; living or dead are entirely coincident *Bare with th...