Chapter 7

2 0 0
                                    

Zacchary's POV:

Pinaandar ko na ang kotse ko para maihatid siya.

"Saan yung bahay ninyo?" tanong ko.

"Sa may Enclave pa. Pwede namang diyan mo nalang ako sa may intersection ibaba. Magcocommute nalang ako. Baka kasi may pupuntahan ka o kaya may gagawin ka."

Hindi ko pinansin yung sabi niya at tumuloy lang ako sa pagdidrive.

Malayo yung village nila mula samin. Kung magcocomute siya, aabutin siya ng mga isa't kalahating oras.

"Baba mo nalang ako diyan." aniya ng makadating kami sa intersection.

Nagpatuloy lang ako at nagkibitbalikat sa sinabi niya. Nakita kong nagulat siya nang mapasulyap ako sakanya.

"Ihahatid kita hanggang sa inyo."

Parehas na kaming hindi umimik matapos kong sabihin iyon.

Inihinto ko ang sasakyan dahil sa naka red yung stoplight. Sumulyap ako sakanya at nakasandal yung ulo niya sa salamin ng sasakyan.

The kissing scene suddenly flashback in my mind.

Nagising ako sa katinuan ng bumusina ang kasunod kong sasakayan sa likod. Naka Go signal na pala yung stoplight.

Ipinilig ko ang aking ulo at pinaandar ko na ulit ang sasakyan.

20 minutes later...

Ipinarada ko sa harap ng bahay nila ang kotse.

"Nandito na tayo." marahan kong sabi sakanya. Pero hindi diya umimik. Nakasandal padin siya sa salamin ng kotse.

"Hoy, andito na tayo! Pwede ka ng bumaba." pasigaw kong sabi sakanya.

Hindi na ako nakatiis at iniharap ko papunta sakin ang mukha niya.

Nagulat ako ng makita kong natutulog siya. Napatitig ako sa kanyang mukha.

"Maganda ka naman eh. Maingay lang yang bibig mo. "

Teka ?! Ano ba tong pinagsasabi ko? Siya maganda ?? Nahihibang na yata ako.

Ipinilig kong muli ang ulo ko para maalis ang kabaliwang naiisip ko.

Humarap aking muli sakanya para gisingin siya pero napako ang tingin ko sa labi niya. Manipis ang kanyang mga  labi. May kung anong nagudyok sa akin na hawakan ito.

Idinampi ko ang aking mga daliri sa kanyang labi. Parang itong nanghihikayat na mahalikan.

Dumako ang aking tingin sa kanyang mga mata.

Muling nanumbalik sakin yung araw na hinalikan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ko nga ba siya hinalikan nung araw na iyon. Parang katulad lamang ng nararamdaman ko ngayon na parang hinihila ng mga labi niya ang labi ko.

Hindi ko namalayang unti-unti ko na palang nailapit ang aking labi sakanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang naka dampi ang mga labi ko sakanya.

Dali akong napabalikwas at umupo ng maayos ng bigla siyang umungol.

"Hmmm." anito habang nagiinat at unti-unting idinidilat ang mata.

"Kanina pa tayo nandito." kalmado kong sabi sakanya.

"Ayy sorry. Sorry. Pasensya kana nakatulog pala ko." nahihiyang sabi nito at dali daling inayos ang kanyang sarili at mga gamit.

Ng makalabas siya ay ibinaba ko ang salamin ng kotse. Tumayo sa harap ng gate nila.

"S-salamat sa paghatid mo sakin." aniya at yumuko. Hindi nakaligtas saking mata ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Sige." Ibinaba ko na ang salamin ng kotse at pinaandar na ito.

Pumarada ako sandali tatlong bahay mula sakanila at tinignan siyang muli na papasok na ng gate nila.

Ng masigurado kong nasa loob na siya ay umalis na ulit ako.

Phlephora's POV:

Pagpasok ko ng bahay agad na sumalubong sakin si daddy. Lumapad ang ngiti ko at hinagkan siya.

"Hi Daddy!" bati ko sakanya ng makawala ako sa yakap niya.

"Hello darling. Saan ka galing? Walang pasok ngayon ah?" usisa nito.

"I went to my classmate's house po Dad. Ininterview po namin yung mga parents niya about business. And guess what Dad kung sino sila? Mr. and Mrs. Clintton who happened to be your good friends."

"Really ?! Louise is your mom' s bestfriend. It's been a month nung last ko silang makita."

"Sinabi nga po niya. Pinapakamusta nga pala nila kayo. I told them your both busy on business. Also they are inviting us on the 30th celebration of their company."

Nagring naman ang cellphone ni Daddy na nasa bulsa niya at nagpaaalam muna sakin.

Nagpasya akong umakyat muna sa kwarto para maka pagpahinga at makabihis nako.

Ibinaba ko sa study table ang bag ko at nahiga ako sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagflashback sa utak ko yung panaginip ko kanina noong nakatulog ako sa kotse ni Zacchary.

Naglalakad ako ng mabilis sa hallway ng school dahil malilate na ako sa 1st subject namin.

Hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ang aking mga libro at folders habang sa kanan naman yung notebook na nirereview ko.

Bat ngayon pa kasi ako na'late ng gising?! Kung kelan pa man din may exam.

Dahil sa pagbabasa at pagmamadali ko hindi ko na nakikita ang dinadaan ko kaya tuloy nabunggo ko ang taong kasalubong ko.

"Sorry. Sorry. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na." paghingi ko ng tawad sa nabunggo ko.

Hindi ko na siya makuhang tignan dahil pinulot ko na yung mga gamit ko na nalalaglag. Tinulungan nya din akong magpulot.

At ng matapos kami, tumingin ako sakanya para kunin na yung mga gamit ko. Pero nanlaki ang mga mata ko sa nilalang na nasa harapan ko. Hindi ako makagalaw o makakilos.

Binigay ni Zacchary sakin yung mga gamit ko.

Oo siya nga ang nakabangga ko.

Wala sa sariling kinuha ko ito. Parang nagslow motion lahat ng bagay sa paligid namin.

Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko. May kung anong kuryente akong naramdaman sa sistema ko.

Natuod ako kinatatayuan ko ng unti unting lumalapit ang mukha niya sakanya. Hindi ko alam pero parang sasabog ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Naramdaman ko nalang yung labi niya na nalapat na sa labi ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at nabalik ako sa tamang wisyo. Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa labi ko.

Bat parang totoo yung halik? Bakit parang naramdaman ko talaga yun kanina?

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

"Panaginip lang yun." pabulong kong sabi at tumayo na ako sa kama at tumuloy sa CR para makaligo at makapagbihis.

**********************************

Hello sayo ! Oo ikaw na nagbabasa :D

Thank you sa pagbabasa kahit sobrang bagal ng update ko. :*

Btw. Inedit ko po yung ibang mga chapters especially yung timeline. Namali po yung lagay ko. Hehe. Peace ✌ Lutang po kasi ako ng mga panahong pinublish ko yan :D

CONTINUE TO READ! :* 

COMMENT. VOTE AND SUGGEST.  ;)

Love,

- jhajha ♡

Stay With Me ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon