Phlephora's POV:Kinabukasan...
Nasa loob na ako ng classroom namin ngayon at hinihintay nalang naming dumating yung prof namin.
Actually she's already 5 minutes late.
"Good morning class. I'm so sorry for being late. Something happened kasi habang papunta ako dito. So anyway, I will give you this individual activity and that will serve as your homework for today. You just have to answer the questions written there." saad ni Ms. Puntaverde habang pinamimigay yung mga photocopies.
"And by the way, meron na bang gumagawa o nakagawa nung activity for next week ?" tanong niya at may mga sumagot naman sa mga kaklase ko.
Oo nga pala ! Muntik ko ng makalimutan yun. Buti nalang pinaalala ni ma'am. Kailangan ko pa palang kausapin yung magaling kong kapartner dito.
"That's good to hear. Ok, let's continue the discussion yesterday and after that we will have a short quiz."
After 30 mintues of discussion...
"Get a 1 whole sheet of paper and write numbers 1 to 50." binuksan ko kaagad yung bag ko at kumuha ng papel.
"Ok let's start. 1 to 15 will be identification, 16 to 35 will be enumeration and 3 items equivalent to 5 points will be essay."
O diba ? Short quiz palang yan. Pero madali lang naman yan kung nakinig ka at natatandaan mo yung discussion.
Naguumpisa na ang quiz ng bigang huminto si ma'am at tumingin sa banda ko.
"Mr. Clintton. Wala ka bang balak magquiz ? For your information this is a 50 points quiz." puna ni ma'am sa katabi ko.
"Ms., I forgot to bring my ballpen." prente niyang sagot.
"Why don't you borrow to your classmates ?!" nagtitimping tanong ni ma'am sakanya.
"Ms. Buenavista?" napatingala ako ng tawagin ako ni ma'am.
"Yes ma'am ?"
"Can you please spare a pen for Mr. Clintton ?"
"Yes ma'am." sagot ko at kumuha ng ballpen sa bag ko. Napatingin ako sa hawak kong ballpen. Ito yung favorite kong ballpen na may design na Batman.
Nagaalinlangan akong ipahiram sakanya ang ballpen na hawak ko dahil baka hindi na nya ito maisauli. This ballpen has a sentimental value to me.
Gayunpaman, pinahiram ko pa din siya. Ibabalik naman siguro nya yun diba ?
"Ibalik mo nalang sakin mamayang pagkatapos ng klase." bulong ko sakanya.
"Tss." dinig kong sabi niya.
Sa wakas natapos din ang quiz namin. Dinismiss na din kami para maglunch. Tumayo na ako at naisipang kausapin ko muna itong katabi ko para doon sa activity namin.
"Ahmm. Zac, pano yung sa by pair na activity natin?" tanong ko.
"Tss. Magindividual nalang tayo. Gumawa ka ng sayo at gagawa ako ng sakin." sagot naman niya.
Nahihibang na ba siya ?
"Baliw ka ba ? By pair nga tapos magiindividual tayo ?" singhal ko naman sakanya.
Nakakainis talaga tong lalakeng to. Malaki na yata sapak nito sa ulo eh ! Hundi niya ba naiintindihan yung by pair ?!!
"Di kita gustong kapartner kaya magiindividual nalang tayo."
What the ??!! Siya pa may ganang magsabi nyan ?! Akala ba niya gusto ko siyang kapartner ?! Nek nek nya !!!
"Wow ah ! Sa palagay mo ba gusto din kitang kapartner ?! In your dreams! Akala mo kung sinong magaling ! Edi magindividual ka ! Leche !" nanggagalaiti kong sagot sakanya.
BINABASA MO ANG
Stay With Me ( On Going )
Teen FictionCharacters: Phlephora Danielle Buenavista Zacchary Danielle Clintton *Any names, characters, places, and events are all product of the author's imagination and any resemblance to actual persons; living or dead are entirely coincident *Bare with th...