Chapter 12

0 0 0
                                    


Phlephora's POV:

Tatlong araw na ang lumipas mula nung nagkita kami ni Hillary at nung dumating yung invitation galing kela Zacchary.

Kakatapos lang ng klase ko at diretsong uwi ako ngayon dahil hinihintay nako ng kinuhang designer nila Dad para sa susuotin namin sa sunday.

Ayoko na nga sanang magpagawa pa ng damit dahil nakakahassle lang. Pero ayaw pumayag ni Dad dahil magarbong handaan daw iyon at mga bigatin ding tao kamukha nila ang dadalo. Kaya wala akong nagawa kundi umoo.

Ng makadating ako sa bahay agad na bumungad sakin ang designer at si Mom na nasa sala at sinusukatan siya.

"Finally your here. Fix yourself. After ko ikaw naman ang susukatan niya." untag ni Mom ng makita ako.

Agad akong nagpunta sa kwarto para maligo at magbihis.

Nadatnan kong nakaupo na si Mom at yung designer sa sofa at naguusap silang dalawa.

I wonder kung nasaan si Dad? Tapos na kaya siya?

Mabilis kong tinungo ang distansya nila at agad naman akong napansin ng designer at sinimulan na akong sukatin. Nagpaalam naman ni Mom na may gagawin kaya naiwan kaming dalawa dito.

Habang sinusukatan niya ako naisipan ko siyang tanungin.

"Uhmm. Miss? Tapos na po bang magpasukat si Daddy?"

"Ahh oo. Kanina ko pa siya nasukat." sagot naman niya. Tumango ako at patuloy siyang tinignan sa pagsusukat saakin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami natapos. Umupo kami sa couch para pagusapan yung gagawin niya damit sakin.

"What color do you like for your dress?" tanong niya sakin.

"Ano po yung theme ng party?" nahihiya kong tanong sakanya. Eh kasi naman ako yung aattend ng party tapos hindi ko man lang alam yung theme nila.

Napangiti siya sakin. "Sabi ng Dad mo kanina walang exact theme pero gold, white and black yung color motif nila." aniya. Buti nalang nasabi ni Dad sakanya.

"Hehe. Thanks. Gusto ko po yung gold na merong white ." sagot ko sa kanya. Pinili ko iyo dahil ayokong maging agaw pansin yung kulay ng damit ko.

"Ok sige. May gusto ka bang i suggest na design or something para mas comfortable kang suotin 'yon?"

Nagisip ako ng pwedeng maging istura ng damit ko. Pero wala akong ma'imagine.

"Uhmm. Kayo nalang po yung bahala sa design at iba pero po ayoko ko po sana na masyadong pansinin yung suot ko." tumango tango naman siya sa sinabi ko.

When everthing was settled. Nagpaalam na yung designer samin at umalis. Tumuloy ako sa kusina para makapag dinner dahil oras na rin.

Mabilis lang akong kumain at umakyat nako sa kwarto ko para magawa yung mga assignments at makapag basa basa na din ng mga lectures.

Dahil sa pagod ngayong araw hindi ko namalayang nakatuloga na pala ako. I just woke up in the middle of the night at inayos ang sarili ko.

I heard my phone vibrated kaya kahit inaantok pa ko nakuha ko pa din yung tignan.

Sino kaya yo at ganitong oras nagtext sakin?

From: 09*********
Hi. How are you? I hope to see you soon :)

I got curious kung sino to. See you soon??

To: 09*********
Sorry. Pero sino to?

Agad naman siyang nagreply kaya tinignan ko na kahit na sobrang inaantok talaga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay With Me ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon