Pagpasok ko sa gate namin sinalubong ako ng aso kong si Princess. Isa siyang white bichon frise , she's just 1 year old, binuhat ko siya at sinama paakyat sa kwarto ko.Binuksan ko yung pinto at nilagay si Princess sa kama ko. Pumasok ako sa walk in closet ko at nagbihis. Pagkatapos ko ay pumunta nako sa kama ko at kinuha si princess.
Habang nilalaro ko siya biglang nag flashback sa utak ko yung nangyari kanina, at dahil doon biglang bumaik ang inis ko.
"Arghh! Walang hiyang lalaking yun! Letse siya! Makakaganti din ako sayo buwisit na lalaki ka! '' inis kong sabi.
Kinuha ko nalang yung iPad ko at nagbukas ng Facebook
*25 friend request
*50 notifications
Scroll. Scroll. Scroll
Tingin ng mga pictures tapos like
Naalala ko na naman yung lalaking yun kanina. Sinearch ko siya sa facebook.
Danielle Zacchary Clintton
''Ayun!" anas ko ng makita ko na. Tinignan ko yung profile picture niya at napatitig ako.
''Gwapo naman siya eh! Mapupungay yung mga mata, matangos yung ilong." napatitig ako sa labi niyang manipis. Sabay napahawak ako sa labi ko. Bumabalik ulit yung mga nangyari kanina. Nabalik ako sa katinuan noong tumalon si princess at naglambing.
Ahhh! Bwisit! Ano ka ba naman phlephora! Kung ano-anong iniisip mo!
Nag log-out nako at iniwan ang iPad ko sa kama. Tumayo nako at lumabas ng kwarto para mag-dinner.
Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Nanay Rossing na nagluluto.
''Oh nak! Gutom ka na ba? Ipag hahain na ba kita?'' tanong ni nanay Rosing
''Ah hindi pa naman po masyado. Pagkatapos niyo na lang po diyan'' sagot ko naman sa kanya ng nakangiti.
''Ahh oh sige. Sandali na lamang ito at matatapos na ''
''Sige po. nakauwi na po ba si mommy?'' natanong ko na lang bigla.
''Ah. Mamaya pa daw siya uuwi. Tumawag siya kanina at sinabing gagabihin daw siya dahil marami pang dapat asikasuhin.''
''Ah sige po. Punta muna po ako sa sala.'' matamlay kong sagot.
Pumunta na ko sa sala at binuksan yung t.v. pindot lang ako ng pindot sa remote para makahanap ng magandang channel. Pero wala akong nagustuhan. Kaya naisip ko na lang na manuod ng movie.
Napili kong panoorin yung "The Miracle Worker'' kasi isa ito sa mga pinaka gusto kong movie.
Mangangalahati na ng pinapanood ko noong tawagin ako ni Nanay Rosing para kumain. Habang kumakain ako biglang bumukas yung pinto at iniluwa si mommy na mukhang pagod.
''Manang Rosing, luto na po ba yung dinner?'' tanong ni mommy habang tuloy-tuloy na naglalakad papunta sa library.
''Ah opo ma'am, luto na po."sagot naman ni Nanay Rosing.
"Ah manang pahatid na lang po ako ng dinner sa library. Salamat.'' utos ni mommy sabay tuloy sa lakad.
Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan si mommy maglakad.
"Hindi man lang niya ako napansin o naisipang kumustahin'' bulong ko sa sarili ko. Nagpatuloy na ko sa pagkain kahit na parang nawalan na ko ng gana.
Kinabukasan...
Paggising ko same rituals. Ligo, bihis, kain. Nagpaalam na ko kay manang bago ako sumakay sa kotse. Habang nasa kotse. Binuksan ko ang bag ko at nag umpisang magbasa ng mga lectures namin kahapon. Baka kasi merong magbigay ng surprise quiz.
Few minutes later. Nasa parking lot na pala kami ng school nang di ko namalayan. Masyado akong na focus sa pagbabasa. Bumaba na ko sa kotse at pumasok na sa loob.
Habang naglalakad ako sa hallway napatingin ako sa paligid ko. Madami din namang estudyante dito pero puro mga sosyal. Sa kabilang banda nakita ko yung grupo ng mga babae na nagpapasosyal sa mga suot nilang bag at iba pang mga gamit. Napailing nalang ako. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Hindi ako masyadong pala-kaibigan. Kaya hindi rin ako masyadong napapansin na mga tao. hindi din ako palaayos katulad ng mga babaeng estudyante dito. Kuntento nako sa pulbos at suklay para sa mahaba at tuwid kong buhok.
Tinignan ko ang orasan ko sa kamay. 6:30 am palang. 30 minutes pa bago ang 1st subject.
Pumasok nako sa loob ng classroom namin. Nakita kong nandoon na din si Hillary sa lugar niya at nagbabasa siya ng libro. Umupo nako at ibinaba ko ang bag ko sa kabilang upuan dahil bakante pa naman. Tinignan ko ang title ng binabasang libro ni Hillary "The Little Prince"
Napangiti ako. Nice choice of book. Nabasa kona kasi yung librong iyon at napakaganda ng story at ng meaning.
Nabigla ako ng biglang napunta ang bag ko sa armrest ko. Napatingala ako at nakita ang inis niyang tingin sakin sabay turo sa upuan niya
"That's my seat and not the seat of your bag." malamig niyang sabi.
Nagulat naman ako dahil dun.
Wow lang! wow lang talaga. Para ipatong lang yung bag ko sandali galit na galit ??! may pa seat seat pa syang nalalaman?!
Inismiran ko na lang siya dahil kakapasok lang ng prof namin.
"Good Morning class. Ok I want you to get a 1 whole sheet of paper. Write numbers 1 to 3. We will have a short quiz regarding the topic yesterday." Utos ni Ms. Punta Verde.
Yes! Thanks God at nakapagbasa ako kanina.
Nang matapos ang test namin naging kampante naman ako sa mga sagot ko. Ang klaseng test namin ay 10 items na identification at 20 items na enumeration.
"Ok class, I hope marami sa inyo ang nakakuha ng mga tamang sagot. And for our next activity for next week. You will be paired into two and you just have to interview a successful business man or woman in town or even outside the country. And for pairing, the person beside you will be your partner. Is that clear class?"
"Yes Ma'am!" sagot naman namin.
Tinignan ko naman ang row namin at sa kasamaang palad ay ang bwisit na lalaking katabi ko pa ang kapartner ko. Naku naman ! pwede namang si Hillary nalang eh ! Oh kaya kahit sino nlang sa mga kaklasi ko wag lang siya.
Humarap naman sakin si Hillary sabay sabing
"Goodluck sa inyo at sa partner mo". Sabay wink ng mata.
Arrgghh! Kainis! "Thank you Hillary ah! Thank you talaga." note sarcasm here sabay ngiti ng pilit.
"Attention everyone. I'll just give you the rest of the time with your partner para pagusapan yung activity natin. So, Good day class!"
Pagkaalis ni Ma'am naging maingay na ang classroom dahil sa mga paguusap tungkol sa activity. Busy na ang mga kaklasi ko sa pagpaplano samantalang ako nakatunganga dito at iniisip kung paano ko kakausapin ang kumag na to.
BINABASA MO ANG
Stay With Me ( On Going )
Teen FictionCharacters: Phlephora Danielle Buenavista Zacchary Danielle Clintton *Any names, characters, places, and events are all product of the author's imagination and any resemblance to actual persons; living or dead are entirely coincident *Bare with th...