Spooky Story 11 - Workmate

134 3 0
                                    

****| SPOOKY STORY 11 - Workmate |****




**********

Tatlong taon narin ako sa aking trabaho dito sa negosyong convenience store ng tatay ng aking kaibigan noong highschool. Isang convenience store na hindi naman malaki pero sakto lang, yung tipikal na convenience store na makikita kahit saan. Dalawang taon narin akong nagtatrabaho bilang cashier sa convenience store nila. Sa dalawang taon na iyon, hindi ko maipagkakaila ang iba't ibang karanasan na talagang nag-iwan ng marka sa aking isipan.

Mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi ka pani-paniwala. Mga bagay na hindi paniniwalaan ng lahat.

Ako si Sherfil .. at aking ikukwento ang kakaibang pangyayari na aking naranasan dalawang taon na ang nakaraan.

-----------

"Okay na ba sayo ang iwan kita? Baka kailangan mo ng tulong?" tanong ng kaibigan kong si Jenny habang nakatayo sa harapan ng cashier station.

"Oo, Jenny. Okay na ako. Sige na, baka ma-late ka pa sa klase mo" wika ko sabay ngiti sa kaibigan ko. Pumuwesto na ako sa upuan upang masimulan ko na ang aking katungkulan sa convenience store ng pamilya ni Jenny, bilang isang cashier.

"O sha, alis na ako. Mag-ingat ka ha? Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako" wika niya. Tumango ako bilang sagot. Lumabas na si Jenny at naiwan ako kasama ang iba ko pang ka-workmate.

Malaking tulong sa akin ang trabahong ibinigay sakin ng pamilya ni Jenny. Dahil sa trabahong ito ay natutustusan ko ang aking pag-aaral at natutulungan ko pa ang aking pamilya. Kalahati nalang sa aking tuition fee ang iipunin ng aking mga magulang dahil sa tulong ng trabaho ko ngayon.

Napatingin ako sa storage room nang bumukas ito at doon ko nakitang lumabas ang isang babae. Workmate ko dahil may suot itong uniporme kagaya ko.

"Hi" bati ko sa kanya sabay ngiti.

"Hello" tugon niya. Lumapit ito sa harapan ng cashier station kung nasaan ako.

"Ikaw si Sherfil, diba?" tanong niya.

"Ahh, oo. Ako nga pala si Sherfil, bagong cashier" pagpapakilala ko sa aking sarili. Nakipag-shake-hands narin siya sakin.

"Hello, Sherfil. Ako nga pala si Cassy, naka-assign ako sa storage room" pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"Ahh, ang ganda ng pangalan mo" wika ko.

"Tulad ko? Hahaha" napatawa kaming dalawa dahil dun sa sinabi niya. Well, maganda naman talaga si Cassy at talagang bumagay sa kanya yung pangalan niya. May pagka-jolly siya tsaka may kagandahang taglay.

Napansin ko agad ang pagbukas ng pinto dahil sa ingay na lika ng door chimes. Ka-workmates ko rin ang pumasok. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nila pero nakikilala ko sila na mga ka-workmate ko dahil sa uniporme nilang suot. Nakalimutan akong ipakilala ni Jenny sa mga ka-workmate ko. Pero sa tingin ko alam na nila na may bagong cashier base narin duon sa tanong ni Cassy sa akin kanina.

Ngumiti yung ilan sa direksyon namin ngunit may iba naman na parang wala lang. Isa na rito ay yung lalaking parang ang seryoso ng mukha. Hindi man lang ito bumati sa amin bagkos ay nilagpasan lang kami. Agad itong tumungo sa storage room.

"May problema ba yun?" tanong ko kay Cassy.

"Ewan ko, baka puyat lang" sagot niya.

"Ilan ba tayong nagtatrabaho dito?" tanong ko sa kanya.

Spooky StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon