****| SPOOKY STORY 6 - Kolorete |****
UNANG araw pa lang ni Dhannica bilang model ng isang fashion magazine. Lahat ng atensyon ay nakapako sa kanya sa araw na iyon. Hindi naman maipagkakaila na maganda nga talaga si Dhannica at mapapansin mo talaga na mas matingkad yung ganda niya kung i-kukumpara sa ibang modelo ng fashion magazine na ito.
Hindi rin maiiwasan na maraming babaeng modelo ang kapansin-pansin ang pagkainis sa kanya. Dahil alam nila na hindi malayong malalamangan sila ni Dhannica kahit bago pa lamang ito.
At higit ring nagbigay inis sa kanila ang kapansin-pansin na pagkakagusto ng kanilang boss dito. Hindi naman ganito dati. Pantay ang trato ng boss nila sa kanilang lahat ngunit agad itong nagbago simula nung pagdating ni Dhannica.
"So Nica? I will leave you here with Trish. May pupuntahan lang ako sandali" wika ng boss nila at hinawakan muna ang kamay ni Dhannica bago umalis ng studio. Napatingin naman siya sa isang babae na naka-upo sa sofa habang busy ito sa kakakuha ng larawan ng sarili. Dahan-dahan siyang umupo sa sofang kinauupuan nito.
Agad nagsipako ang matalim na tingin ng mga babaeng modelo kay Dhannica. Hindi nalang ito pinagtuonan ng pansin ni Dhannica. Ang importante ay nagkaroon na ulit siya ng trabaho na mapagkukunan niya ng panggastos sa kanyang pamilya. Nagtitinda ng kakanin ang kanyang ina, ang kanyang itay naman ay isang driver ng diyepni, at may tatlo siyang kapatid na nag-aaral sa sekundary. Kaya hindi talaga maiiwasan na magkakaroon sila ng kakulangan lalo na sa pagtustos ng pangangailangan ng pamilya.
"Nics, ganyan lang talaga yan. Naiinggit lang sila sa ganda mo" napatingin si Dhannica sa babaeng katabi niya. Sa kanyang pagkaalala sa sinabi ng kanyang boss, Trish ang pangalan nito.
"Ahh .. hindi naman. Hindi lang siguro sila sanay na magkaroon ng bago dito. Sabi kasi ng boss niyo two years na ang nakalipas simula nung madagdagan kayo dito" wika ni Dhannica.
"Well siguro nga. Nga pala I'm Trisha Travero, and you are Dhannica, right?" inilahad ni Trish ang kanyang kamay.
"Yes .. Dhannica Lopez. Nice to meet you Trish" tinanggap niya yung kamay ni Trish.
"Of course ako rin, it's my pleasure to meet you. Nga pala gusto mo pakilala kita sa mga friends ko?" masiglang sabi ni Trish.
"Oo naman. By the way Trish, thank you pala at pinansin mo ako. Akala ko kasi walang papansin sakin dito eh"
"Nako ano ka ba! Wala yun! Haha .. hali ka na" hinila ni Trish si Dhannica papalapit doon sa mga magagandang modelo na masayang nag-uusap.
"Hey girls!" agad na bungad ni Trish doon sa tatlong babae na nakaupo sa sofa.
"Oh Trish! Look at this make-up we have ordered from a popular women's website, sobrang ganda talaga nito and the colors won't fade easily so even though we gonna burn the dance floor we can be still look more gorgeous!"
"Reyn, we can be still look gorgeous with or without that thing" sagot ni Trish at pina-upo niya si Dhannica at tinabihan ito.
BINABASA MO ANG
Spooky Stories
Horror"Sugar_Cutiewink97 Spooky Stories" ( Read and Take the RISK! ) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Ang lahat ng Spooky One-Shot Stories na nakakapaloob sa librong ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng au...