****| SPOOKY STORY 7 - Larawan |****
MASAYANG sinalubong ni Paulo ang kanyang nobya na si Bridgette malapit sa paradahan ng jeep. Kanina pa kasi siya naghihintay at inaakala na hindi matutuloy ang kanilang celebration para sa kanilang 3rd Anniversary.
Sekreto pa itong nagdala ng isang bouquet ng bulaklak na maingat niya pang itinago sa kanyang likuran. Nakatalikod pa si Bridgette kaya naisipan ni Paulo na gulatin ito.
"Bulaga!"
"Ay jusko!" halata ang pagkagulantang sa pagmumukha ni Bridgette na siyang ikinahalagpak ng tawa ni Paulo. Likas itong magulatin kaya trip na trip naman ni Paulo ang gulatin ang nobya.
Napamura si Bridgette pagkatapos ay hinataw ang nobyo gamit ang kanyang shoulder bag.
"Walanghiya ka talaga! Ano na naman bang sumayad diyan sa kokote mo at ginawa mo yun ha?!" namumula na sa inis ang pagmumukha ni Bridgette. Hinampas nito ulit si Paulo bago nag-walk out.
"Hoy Bridge! Sorry na .. parang di ka na nasanay e" wika ni Paulo habang pinipigilan parin ang pagtawa. Sumunod ito sa kanyang nobya ngunit hindi man lang ito nag atubiling pansinin siya.
"Bebe" pangungulit ni Paulo habang sinusundot ang tagiliran ng nobya. Alam niya kasing hindi mapipigilan ng kanyang nobya na mapatawa dahil dun.
Kilalang kilala na niya ang kanyang nobya dahil mahigit tatlong taon narin silang magkarelasyon na walang humahadlang sa kanila. Opisyal ang kanilang relasyon kaya naman nabibigyan talaga nila ng atensyon ang bawat isa.
"Ano ba! Tigilan mo nga yan! Bebe mo mukha mo!" inis na sabi nito pagkatapos ay naglakad ng mabilis. Napakamot ng ulo si Paulo at agad na sumagi sa kanyang isip na mali ata ang timing ng pangungulit niya ngayon, may dalaw ata ang kanyang nobya kaya grabe ang pagka-badtrip nito.
"Bebe, sorry na" malumanay niyang wika. Nang maabutan niya na si Bridgette dahil sa hindi na ito naglakad ng mabilis ay sinulit niya ito upang ibungad ang kanyang dalang bulaklak.
"Happy 3rd Anniversary bebe ko" hindi naman nabigo si Paulo nang makita niyang ilang saglit pa ay napangiti ang kanyang nobya.
"Kainis ka kasi e!" wika nito matapos ay kinurot pa nito ang tagiliran ni Paulo kaya napadaing ito sa sakit.
"Sorry na kasi. Tara dun tayo" masayang wika ni Paulo at hinila ang nobya papunta sa isang sa loob ng mall.
MAAGA pa lang ay magkasalubong na ang kilay ni Bridgette nang makita ang nobyo sa kanilang sala.
"Ma! Ba't may aso dito?!" sigaw ni Bridgette pagkatapos ay pumunta ng kusina.
"Anak, kung ano man yang pinag-awayan ninyo pag-usapan niyo nga yan" wika ng nanay niya pagkatapos ay lumabas ito ng kusina.
Walang ganang binuksan ni Bridgette ang kanilang ref at naglabas ng pitsel na may lamang tubig. Saktong pagharap niya ng mesa ay nakita niya ang kanyang nobyo na si Paulo sa may pintuan. Inirapan lang ito ni Bridgette pagkatapos ay nagsalin ng tubig.
"Bridge? May problema ba?" tanong nito. Pumasok na ito ng tuluyan sa kusina at huminto sa harap ng mesa.
"Ba't di mo tanungin yung sarili mo kung may problema ba tayo o wala?" mataray nitong sabi. Kumuha ito ng baso at agad na nagsalin ng tubig.
"Wala naman akong naalalang ikadadahilan ng away natin e" sagot nito sabay kamot sa leeg.
"Wala? Gosh naman Pao! Buti ako alam ko yung problema natin! Tapos ikaw, wala?!" inis na sabi ni Bridgette habang nakalagay ang magkabilang palad sa ibabaw ng mesa.
BINABASA MO ANG
Spooky Stories
Horror"Sugar_Cutiewink97 Spooky Stories" ( Read and Take the RISK! ) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Ang lahat ng Spooky One-Shot Stories na nakakapaloob sa librong ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng au...