****| SPOOKY STORY 2 - Christmas Light |****
HAPON na nung maka-uwi kami ni mama galing sa paaralan. Teacher kasi ang aking mama kaya nakasanayan narin namin na umuwi tuwing hapon o minsan naman ay gabi na talaga kami nakakauwi dahil sa dami ng dapat tapusin ni mama sa school.
Paubos narin ang mga gulay sa aming refrigirator kaya napagpasyahan muna ni mama na dumaan muna ng palengke bago umuwi ng bahay.
Napupuno na ng kulay ang daan dahil narin sa papalapit na pasko. Nagsikalat na ang iba't ibang dekorasyon sa kalye at mga naglalakihang christmas tree na dinidisplay sa labas upang makaakit ng mamimili.
"Manang magkano po ang isang tali ng chinese kangkong?" napatingin naman ako kay mama nang magsalita ito. Abala naman ito sa pagkikilatis ng mga gulay upang malaman kung sariwa pa ba ang mga ito.
"Sampong piso lang ang isang tali niyan para sayo suki" sagot nung nagtitinda ng mga gulay. Palagi ko na talagang napapansin sa mga tindera na kahit hindi naman kami palaging namimili sa tindahan nila ay tinatawag parin nila si mama na suki. Mga tindera talaga, minsan maparaan.
Bumili naman si mama ng isang tali ng gulay na iyon at sinali narin yung ilang sangkap at pampalasa para sa kanyang pinagpaplanuhang lutuin mamaya.
Matapos makapaglibot ni mama sa palengke ay napagdisesyunan narin niyang umuwi na. Pasadong alas singko na kasi at baka matagalan pa siya sa pagluluto dahil malayo-layo pa yung bahay namin mula dito sa palengke.
"Ma? Sira na yung christmas light natin sa bahay. Wala ka bang planong bumili ng bago?" wika ko habang naglalakad kami papunta sa waiting shed.
"Oo nga ano? Sige hanap tayo ng magandang christmas light dito" puminta naman ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang pagsang-ayon ng aking mama.
Sakto namang pagliko namin ay nakakita kami ng matandang babae na nagtitinda ng mga dekorasyong pamasko. Agad namang naagaw ng makukulay na ilaw ang aking paningin. Lalong naagaw ang aking atensyon ng isang christmas light na sobrang ganda ng ilaw. Sobrang kislap kasi nito tsaka maganda yung sequence ng pagpapalit-palit ng ilaw.
"Ma! Ang ganda nung christmas light oh!" tinuro ko naman iyong christmas light na tinda ng matandang babae.
Nilapitan naman namin ito at tinanong naman ni mama kung magkano yung christmas light na nagustuhan ko.
"200 po iyan, maganda kasi yung pagkakagawa niyan tsaka iyan nalang yung huling stock" wika nung matandang tindera. Agad ko namang napansin ang itsura ng matandang tindera. May mataas itong maitim na buhok ngunit may puting buhok narin naman siya, at alam kong sobrang ganda nito nung kabataan niya dahil kahit kulubot na ang balat nito ay maganda parin siya.
"Ah sige, bibilhin ko po iyan lola" inabot naman ni mama ang bayad at nilagay na ng matandang tindera yung christmas light sa lalagyan nito.
"Uyy Nelda! Kumusta ka na?" napatingin naman ako sa babaeng kumausap kay mama."Ikaw pala yan Vangie! Ayy nako gumanda ka lalo ah? Eto naman okay lang yung buhay, oh ikaw kumusta na?" sagot naman ni mama. Naisip ko naman na ka-batchmate siguro ni mama yung babae sa college. Naalis naman yung tingin ko sa kanila nang magsalita si lolang nagtitinda.
"Ineng, eto na yung christmas light na binili niyo" inabot naman niya yung supot na may lamang box. Doon siguro nakalagay yung christmas light. Ngumiti naman ako sa matanda at tinanggap na yung supot na inabot niya sakin.
"Nga pala ineng .. huwag masyadong pinapatagal ang pagpapa-ilaw ha? Napapagod rin sila" napawi naman yung ngiti ko dahil sa sinabi ng matandang tindera. Bumahid naman ang pagtataka sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Spooky Stories
Horror"Sugar_Cutiewink97 Spooky Stories" ( Read and Take the RISK! ) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Ang lahat ng Spooky One-Shot Stories na nakakapaloob sa librong ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng au...