Spooky Story 1 - Bintana

562 12 0
                                    

****| SPOOKY STORY 1 - Bintana|****


NAKATITIG lang ako sa kisame ng aking kwarto. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinalaw ng antok.


Kinuha ko naman yung cellphone ko mula sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tabi ng aking kama. Umupo ako at pina-ilaw yung screen ng cellphone.


"Haisst! 10:54pm na ah? Ba't hindi parin ako makatulog?!" binalik ko nalang yung cellphone ko sa ibabaw ng aking mesa. Nadako naman yung tingin ko doon sa bago kong bili na cd ng korean movie na binili ko pa mula sa bangketa kanina. Tumayo ako at kinuha iyon.


"Manunood nalang ako hanggang sa dalawin ako ng antok" pinagana ko na yung dvd player at tv. Mahilig ako sa mga romantic movies lalo na kapag mga idolo kong koreano at koreana ang bida. Bumalik uli ako sa aking kama at umupo, kinuha ko ang aking unan at niyakap iyon.


Habang tumatagal ay hindi naman ako tinamaan ng antok. Nagustuhan ko naman yung daloy ng palabas kaya napagpasyahan ko na panuorin na muna hanggang episode 5, nasa episode 2 na kasi ako tsaka hanggang episode 16 ito lahat.


Nasa kalagitnaan na ako ng aking panunuod nang makarinig ako ng katok mula sa bintana na nasa aking likuran. Hindi naman sunod-sunod na katok, isang katok lang. Nasa likod kasi ng aking headboard ang bintana ng aking kwarto. Yari ang bintana sa glass kaya tumatagos dito ang sinag ng buwan tuwing gabi, at kapag may tumatamang bagay dito rinig na rinig ko.


Napatingin naman ako sa bintana ngunit wala naman akong nakitang kahit ano.


'Baka naman mga batang nantitrip lang yun' wika ko sa aking isip. Binalik ko uli ang aking paningin sa aking pinapanuod na palabas.


Ilang sigundo palang ang lumipas ay nakarinig uli ako ng katok mula parin sa aking bintana. Ilang araw narin akong nakakarinig ng katok na ito. Hindi ko na ito pina-alam sa mga magulang ko kasi alam ko naman na maraming mga batang mahilig mantrip sa labas. Marami pa kasing mga tambay sa labas kahit sa mga oras na ito.


Tiningnan ko naman ng matagal yung bintana. Nakaramdam naman ako ng pagtindig ng balahibo nang makarinig uli ako ng katok mula dito. Wala naman kasi akong nakikitang kahit ano mula sa labas ng aking bintana kaya imposibleng makakarinig ako ng katok mula dito.


Dali-dali kong pinatay yung dvd player at tv tsaka agad akong lumabas mula sa aking kwarto.


Napagpasyahan ko na tatabi nalang ako sa aking kapatid. Naka-ilang katok na ako sa kanyang pinto ngunit hindi man lang ako pinagbuksan. Marahil ay mahimbing na ang tulog nito. Pumunta naman ako sa tapat ng kwarto ng aking inay at itay ngunit ganun parin, mahimbing rin siguro ang tulog ng mga ito kaya hindi nila naririnig ang katok ko.


Ayaw ko namang maka-istorbo kaya napagdisesyunan ko nalang na sa sala ako matutulog.


-----------


KINABUKASAN, tumulong ako sa paghihiwa ng mga patatas para sa lulutuing afritada ni inay.


Naalala ko naman yung nangyari kagabi pati narin noong mga nakaraang araw.


"Ma? Magreklamo na kaya tayo sa kapitbahay natin? Panay na kasi yung pambabato ng mga bata dun sa bintana ko sa kwarto eh. Ilang gabi narin akong na-iistorbo dahil dun" wika ko habang hinihiwa yung patatas na kakabalat palang ni inay.


"Huwag na anak, may curfew na namang pinatupad ang barangay" sagot ni inay.


"Kailan pa ba pinatupad yung curfew?" tanong ko ulit.


"Mahigit tatlong araw na ang nakalipas" napatigil naman ako sa aking paghihiwa at napatingin kay inay.


"Pero may nambabato parin sa bintana ko noong mga nakaraang gabi eh, kahapon rin. Na-iingayan na ako sa mga katok na naririnig ko mula sa bintana ma, gabi-gabi nalang kasi" nagpatuloy na uli ako sa paghihiwa.

Spooky StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon