****| SPOOKY STORY 5 - Silhouette |****
--------***---------
Silhouette
noun (plural silhouettes)
- An illustrated outline filled in with a solid color(s), usually only black, and intended to represent the shape of an object without revealing any other visual details; a similar appearance produced when the object being viewed is situated in relative darkness with brighter lighting behind it; a profile portrait in black, such as a shadow appears to be.
--------***---------Napabuntong hininga ako nang hindi sinasadyang madaanan ng aking paningin ang salita at kahulugan na iyon na nakasulat sa diksyunaryong binabasa ko.
Unti-unting bumabalik sa aking memorya ang aking karanasan noong ako'y tumuntong sa taong dise-osto.
Isang karanasan na talagang nagbigay ng hindi kanaisnais na pangyayari sa aking buhay. Na hanggang ngayon ay nakakulong parin sa aking isipan ang katakot-takot na karanasan na iyon na hindi ko magawang ibaon sa limot.----------------
"Anak, kaarawan mo na bukas! Magdedebut ka narin" masayang wika ng aking mama habang dinidiligan niya ang aming mga malalagong bulaklak sa aming hardin.
"Oo nga mama, pero parang kinakabahan po ako" panghihinayang kong sagot. Sinalinan ko ulit ng tubig yung pandilig ng mga halaman. Narinig kong napatawa ng mahina ang aking ina.
"Bakit naman anak? Ang pagtungtong ng taon na iyan ang pinakamahalaga at kaabang-abang na edad ng isang babae" tumabi ako kay mama na kasalukuyang inaalis yung mga damo na nakapaligid sa lupang kinatatamnan ng aming tanim na bonsai.
"Kinakabahan ako mama, hindi parin kasi ako handa. Parang ibang mundo na yung kinabibilangan mo kapag tumuntong ka na ng dise-otso" wika ko.
"Alam mo anak, lahat tayo ay tumatanda. Hindi natin mapipigilan ang pagtakbo ng oras at araw. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil binigyan ka ng Diyos ng panibagong taon para makapagsimula uli ng panibagong kabanata ng iyong buhay. Para gawin ang mga nais mong gawin" nilagay ko sa lapag yung pandilig at kinuha yung plastik na bote na may lamang tubig at ibinigay iyon kay mama. Tinanggap naman niya iyon.
"Alam ko iyon mama, pero kinakabahan parin ako eh"
"Hahaha, hayy nako anak. Ako rin kasi dati, gaya mo rin nakaramdam rin ako ng kaba noong araw na ipinagdiwang ko na yung 18th birthday ko. Hindi naman talaga siguro maiiwasan na hindi kabahan kapag tumuntong ka na sa stage na iyon ng buhay. Tara na anak, magluluto na tayo ng ulam para pang-agahan natin" napatingin naman ako sa aking wrist watch. Mag-aala-syete na nga ng umaga. Sumunod na ako papasok ng bahay.
KINAUMAGAHAN ay maagang nabuhay ang sigla sa bahay namin. Pinilit kong matulog ulit ngunit hindi ko magawa dahil hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Napagdisesyunan kong umalis sa aking higaan at lumabas ng kwarto.
Agad ko namang natanaw sina mama at papa sa kusina, pati narin ang aking mga tita at tito na kahapon pa lang ng gabi dumating kasama ang kanyang pamilya.
Tulog parin ang iba hanggang ngayon dahil madilim parin naman sa labas. Madaling araw pa lang kaya malalim parin ang tulog ng mga pinsan at kapatid ko.
Matapos kong maghilamos sa banyo ay tumungo muna ako sa sala upang umupo muna doon. Ayaw ko munang pumunta sa kusina dahil halatang busy ang mga ito sa pag-aasekaso ng mga dapat gawin sa pagluluto ng iba't ibang putahe na ihahanda mamaya.
'Talagang pinaghandaan nga nina mama at papa ang debut ko' wika ko sa aking isipan.
Uupo na sana ako sa sofa ng aming sala ngunit agad naagaw ang aking paningin nang may maaninagan akong bulto ng tao sa labas ng aming pintuan. Gawa sa glass na may texture na parang texture ng jelousy ang itaas na bahagi ang aming pintuan kaya kung may tao man sa labas ay maaaninagan mo agad ito dahil narin sa sinag ng buwan na bumabalot sa labas.
BINABASA MO ANG
Spooky Stories
Horror"Sugar_Cutiewink97 Spooky Stories" ( Read and Take the RISK! ) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Ang lahat ng Spooky One-Shot Stories na nakakapaloob sa librong ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng au...