****| SPOOKY STORY 9 - Regalo |****
A/N: This is a real life story. I got the plot base on the experience of my friend. I added some scenes just to make it longer but maybe 90% of the story is true ( just like what my friend have shared to me ). I won't mention his/her name for privacy narin.
-----
KAGAGALING lang ng magkakaibigang Irene, Maricar, at Karen sa kanilang paaralan. May mahalagang kaganapan sa kanilang paaralan na siyang dinaluhan ng magkakaibigan. Alas singko na ng hapon bago natapos ang kasiyahan kaya naman dapit hapon narin silang nakauwi.
Napagdisesyunan nilang tahakin ang daan papunta sa isang subdibisyon dahil mas madali silang makakauwi kapag doon sila dadaan.
Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan sa kanilang mga nagustuhang nangyari kanina. Magsasalita narin sana si Irene ngunit hindi niya ito natuloy nang may makita siyang grupo ng lalake sa di kalayuan. Hindi nilubayan ng kanyang paningin ang grupo lalo na't naroon rin sa grupo ang kanyang idolo.
Matagal narin siyang may gusto rito ngunit hanggang doon lang yun kasi hindi naman sila magkakakilala tsaka tanging sa eskwelahan lamang niya ito nakikita. Napansin ng magkakaibigan ang katahimikan ni Irene kaya naman tinapik nila ito sa balikat.
"Hoy!? Anyare sayo?" wika ni Maricar habang nakatingin rin sa direksyon kung saan nakatitig si Irene kanina.
"Hindi ba't si Kurt yun?" agad na komento ni Maricar nang dumapo ang kanyang paningin sa lalaking nasa gitna. Makakasalubong nila ang grupo kaya naman naging malinaw na sa kanilang paningin na talagang si Kurt nga iyong lalakeng nasa gitna.
"Asan diyan? Wala naman ah?" sabi ni Karen habang kunot noong nakatingin narin sa grupo ng mga kalalakihan.
"Yang nasa gitna, di mo ba makita?" wika ni Irene. Nalampasan na sila ng grupo kaya tumigil sila sa paglalakad upang masundan sila ng tingin.
"Wala naman si Kurt dun ah? Hindi si Kurt yung nasa gitna!" may kasiguraduhan sa boses ni Karen habang nakatingin sa mga kaibigan.
"Pagod na siguro si Karen kaya di na makakita ng maayos" sabi ni Maricar habang tumatawa.
"Karen, nandun nga si Kurt. Kitang kita ko sa dalawang mata ko" protesta naman ni Irene. Tiningnan niya yung palayong grupo at malinaw nga sa kanyang mga mata na si Kurt yung nasa gitna. Alam niya ang tindig at itsura ni Kurt maging nakatalikod pa ito.
BINABASA MO ANG
Spooky Stories
Horror"Sugar_Cutiewink97 Spooky Stories" ( Read and Take the RISK! ) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Ang lahat ng Spooky One-Shot Stories na nakakapaloob sa librong ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng au...