****| SPOOKY STORY 12 - Premonition |****
"Oh? Ang aga mong uuwi ah? Ayaw mong sumama mamaya? Birthday ni Jackson ngayon kaya paniguradong may toma mamaya." napatingin ako kay Gerald nang magsalita ito. Katulad ko ay nagliligpit rin ito ng mga gamit. Katatapos lang ng klase namin at pauwi na kami.
"May importante akong pupuntahan pre, pass na muna ako. Pakisabi nalang rin kina Jackson na pass na muna ako, bawi nalang ako sa susunod." ani ko bago siya tinapik sa balikat. Naglakad na ako papuntang pintuan.
"Sige, ikaw ang bahala. Iba talaga kapag may syota, palagi nalang may importanteng lakad." napatawa ako sa sinabi ni Gerald. Lumingon ako sa kanya pagkatapos ay nagsalita.
"Ulol! Sige, una na ako." ani ko bago lumabas ng silid. Nang makarating na ako sa labas ng gusali namin ay nakasalubong ko ang isa sa mga katropa ko. Pambihira, baka matangay pa ako ng mga gunggog kapag makakasalubong ko silang lahat.
Mamayang alas-sais ang date namin ni Shaira, girlfriend ko. Napangiti ako habang nag-iisip ng magandang regalo para sa kanya.
"Oy, Niko? Uuwi ka na agad?" wika ni Owen habang nasa malayo pa mula sa akin.
"Pass na muna ako, may importante akong lakad." sagot ko sa kanya. Huminto na kami sa paglakad nang magkasalubong na kami.
"Ayy oo nga pala, alam ko kung anong lakad yan. Fourth anniversary niyo pala ni Shaira ngayon." wika nito.
"Oo, paki sabi nalang sa iba kung bakit ako absent sa gala natin." pagbibiro ko.
"Ulol, oo na. Umalis ka na, ang pangit isipin kung late ka sa date ninyo. Sinisira mo ang image nating mga lalaki." binatukan ko ito nang sabihin niya iyon.
"Tanga! Alas-sais pa nga yung date namin, alas kwatro pa nga ngayon." kumunot ang noo ko nang maka-amoy ako ng isang pamilyar na amoy.
"P*ta pre, sayo ba galing yung amoy? nababakla ka na ba?" tanong ko kay Owen. Bumahid sa mukha nito ang naweweirduhang ekspresyon.
"G*go, pakihigpitan mo nga yang turnilyo sa ulo mo. May date ka lang mamaya na baliw ka na." anito. Napatulala ako nang mapansin kong pamilyar sa akin ang pabangong na aamoy ko.
"Pre, sayo ba yang pabango?" seryoso kong tanong na siyang ikinunot ng noo nito.
"G*go! Kagagaling ko pa sa PE class ko, pinagkakatuwaan mo ba ako?" napansin ko ngang tagaktak pa ang pawis nito sa noo tsaka kapansin-pansin rin ang basa nitong damit.
"Ah, sige. Una na ako." paalam ko sa kanya bago ako naglakad.
"Hoy Niko? Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Owen. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad habang gumugulo pa rin sa isipan ko yung pabangong naamoy ko.
"Oo, puntahan mo na sina Gerald. Nandoon na ata sila sa classroom namin." sagot ko sa kanya.
'Saan ko nga ba naamoy ang pabangong iyon?' yan ang tanong na paulit-ulit na kumukulit sa isipan ko. Napatigil ako sa paglalakad nang mahanap ko na ang sagot.
"Tama, ganun yung amoy ng pabango na binigay ko kay Shaira noong first anniversary namin. Bakit ko nga ba nakalimutan yun?" napangiti ako nang makaisip ako ng magandang ideya.
'Yun ang ireregalo ko sa kanya since gustong-gusto niya ang amoy ng pabangong iyon.' wika ko sa aking isipan.
Nagpatuloy na uli ako sa paglakad at mga limang minuto ang lumipas ay nakarating narin ako sa paradahan ng diyepney. Maswerte naman ako nang makatyempo ako ng isang jeep na wala masyadong pasahero kaya hindi ako nahirapang maghanap ng masasakyan. Plano ko sanang pumunta muna ng mall upang bumili ng pabangong ireregalo ko kay Shaira.
BINABASA MO ANG
Spooky Stories
Horror"Sugar_Cutiewink97 Spooky Stories" ( Read and Take the RISK! ) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Ang lahat ng Spooky One-Shot Stories na nakakapaloob sa librong ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng au...