Chapter 15: Another 2

1.6K 47 14
                                    

Another 2
------------------------------------------------------
Dedicated 'to sa'yo Alden. Thanks sa mga dedics mo hahaha ^__^... 3rd Person nga pala ginamit ko buong UD kaya pagpasensyagan kung ang epal na Author ang nag-nanarate heheheXD
------------------------------------------------------

Thirs Person's POV




Marami ng mga estudyante ang nagkalat sa hallway ng GU. At umagang-umaga pa lang ay mga nagchichismisan na. Hindi talaga magsisimula ang araw ng isang estudyante ng walang mapag-uusapan. So ang drama eh chika here, chika there, chika everywhere. News flash po, pati lalaki chumichika na din. -_- Papahuli ba sila? Aba! Sabi nga daw nila, nasa modern world na tayo. Kaya lahat updated, pati mga lalaki updated na din. Hindi lang yun, nag-eevolve na din -.-






"Mga bakla! Nabalitaan niyo na ba?"- shokla1 habang tumatakbo pero biglang nadapa at una ang mukha.

"Arouch!~ ang byutepul feslak ko nabawasan! Shet!"- tumayo na ulit si shokla1 na parang walang nangyari at lumapit sa mga kadugo nya.

"Musta pakikipag-face to face sa floor? At paalala bakla, wala kang beauty kaya walang mababawasan."- shokla2

"Ouchie! Ang hard mo teh!"- shokla1

"Anes ba ichichika mo?"- shokla3

"Ay si ati hindi updated! Taga-bundok ba you?---Arouch naman sistah!!"- shokla1

"Ungas kang bakla ka! I-spill mo na kasi!"- shokla3

"Oo na po *rolls eyes*, kagabi daw kasi nakitang deadbols na si Mr. Kajiwara sa loob ng kwarto nya!"- shokla1

"Anes?!! Umigas lungsss!!"- OA na sigaw ng The Shoklas. Tarush ng name noh? halatang pinag-isipan ng mabuti -.-

"Truelaloo~"- tatango-tangong sabi ni shokla1.





"Uy pre, balitang balita ngayon yung pagkamatay ni Mr. Kajiwara."- lalaki1

"Di ba isa yun sa mga kilalang business man? Pinatira ata ng isa sa mga kakompetensya sa negosyo."- lalaki2

"Matira matibay ang peg pagdating talaga sa business. Money is power eh."- lalaki3 habang poker face. Napatingin naman sa kanya ang kachismisan niya with weird look.

"WTF?! Peg?!"- lalaki1

"Takte pre! may peg-peg ka pang nalalaman. Saan mo naman natutunan yan?"- lalaki2

"Wala, naririnig ko lang *kibit balikat* pake niyo ba? Sabay din sa uso pag may time."- lalaki3 na naka-Duh face sabay irap. Lalaki pa ba dapat 'to o binabae?








"Gulls, do you know the balita about kagabi na may nangyaring killing?"- conyo1 ala Kris Aquino.

"Yeah, they said daw na the man is killed brutally. Tanggal pa nga daw yung eyes eh like Eewieee!~ Yuck!"- conyo2 with matching action pa yan.

"I heard that news too! Like me is so updated kaya sa mga happenings noh."- conyo3 na naka-make face ng 'I know everything'. Edi ikaw maraming alam -_-

"So knows mo din na kaya nakipag-break sa'yo ang ex-boyfie mo dahil may iba na siya?"- singit na mukhang singit ni conyo1.

"WHATTT?!! At sino namang bruha ang ipinalit niya sa'kin?!"- sigaw ni conyo3 na nag-ala Pokemon na. In short nag-evolve.

"Duh! You don't know ba na kami na ng ex-boyfie mo?"- conyo1 na umirap pa.

"Uh-oh! gera na itu!"- imik ni conyo2 pero wag ka, happy-happy yan sa kaloob-looban dahil makakapanood siya ng live na action. Hindi pa daw niya kasi na-eexperience kaya chance niya na 'to.

Ice Demon Gang: Demon Twins [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon