[Wendy's POV]
Busy people. Rushing students. The smell of a cooked dish. Laughters. Conversations.
"Hey Wendy, may problema ba? Kanina pa kita kinakausap."
I was startled when Jinhwan spoke.
"Huh?"
"Sabi ko, may problema ba? Are you sick or something?" Sabi pa nito
Oo Jinhwan putangina buntis. Gusto kong sabihin yan pero di ko magawa. Napatingin ako sa pagkain sa table, nakakawalang gana.
Umiling ako sakanya. "Ah wala. Naisip ko lang kasi yung result ng exam. Lagapak na naman kasi eh" pagpapalusot ko. Naniwala naman siya kase, totoo naman e.
"Di ka pa nasanay Wendy." Sabi naman ni Seulgi. What a very supportive friend of mine. Thank you, Seulgi.
"Okay lang yan Wendy, at least ikaw grades mo lang ang bagsak, si Donghyu-" di naituloy ni yunhyeong ang sasabihin niya dahil pinutol siya ni Donghyuk.
"Baba ko na naman" Sabi niya at pinanlisikan ng mata si Yunhyeong
"Uuuy! Inamin!" Sigaw naman ng pinakabatang si Chanwoo
"Chanwoo, choco cone!!!" Sigaw naman ng Kuya kong adik sa Cornetto na Choco Flavor. Sino pa nga ba. Yep, the big nosed jeje-pal, Kim Hanbin
"Cornetto pa more!" Sigaw ni Irene na naiirita
"Uy Wag mo namang pagselosan ang cornetto Irene. Mas masarap ka dyan babe" sabi niya at walang habas na nilantakan ang cornetto na dala ni Chanwoo.
Minsan napapaisip din ako kung papaano naging Student Council President ang kuya kong to.
"PDA shet. Kakasuka" sabi ni Donghyuk saka lumayas. Tapos sinundan siya ni Babi.
"Get a room guys." Sabi naman ni Junhoe na bahagya kong ikinainis.
Nagmalinis ka pang gago ka. Leche
"Ang tahimik mo Wendy. Di kami sanay. Hehe" pagpapakyut ni babi sabay pakita ng dalawang ipin sa harap.
Tinitigan ko lang sya.
"Sungit meron ka ba ngayon" pangungulit niya uli
Gusto kong umagree tas kumanta ng 'Its the time of the moooonnnthhhh'.
Kaso,
Tanga di nireregla ang buntis gago.
•••
Uwian na.Hinintay ko munang umalis ang lahat bago dumiretso sa parking lot. Pagkarating ko roon ay nakita ko na si Junhoe
Sumakay na sya sa motor niya nang makalapit ako kaya wala na akong ibang magawa kundi umangkas.
"Junhoe baka delikadong sumakay sa ganito kasi-"
"Wala akong paki kahit buntis ka man" Matigas ang pagkakasabi niya rito.
"Bakit ka ba ganyan?Anak naman natin to a?"
Pangungulit ko."So whut? I dont care, cut the shit out. Shut up. Wala na rin namang akong choice e" sabi niya
Napangiti ako ng mapait.
Nagsimula na syang patakbuhin ang kanyang motorsiklo.
"Hindi lang naman ikaw ang masisira ang buhay e putangina mo ba." Naiinis na sabi ko.
Bigla bigla siyang nagpreno kaya naumpog ako sa likod niya.
Nakakahilo shit.
"Can you please just shut up?!" Sigaw niya kaya tumahimik nalang ako.
Itinigil nya ang isang motor sa isang building
Nagtataka kayo?
Well unfortunately simula ngayon sa condo na niya ako titira.
His mom insisted.
She said she dont want her grandson to be growing up without a complete family, a bastard.
Lame.Hindi rin naman alam ni daddy ang tungkol rito at hindi ko rin alam kung anong palusot ang sasabihin ni Kuya.
Napabuntong hininga ako.
First day with the monster.
Galing.
"Tutunganga ka nalang ba diyan?" Sabi niya
"Ano bang gusto mong gawin ko?" Pagtataray ko din sakanya
"Hintayin mong iluwa ka palabas ng elevator tanga ka."
Narealize ko na nasa tuktok na pala kami ng building.
Sinundan ko siya at tumigil sya sa isang pinto. 347, yan ang nakalagay
Pagbukas niya neto ay tumambad sa akin ang mga maleta.
"Dinala na ng Kuya mo ang gamit mo. May bakanteng aparador sa kwarto. Ayusin mo na lahat yan. Ayoko ng kalat. At please lang, bawal maghasik ng kabobohan dito" Sabi niya at umalis din nang hindi man lang pumasok
Gaya nga ng sabi niya inayos ko na ito lahat.
Pagkatapos ay naligo na ako.
No doubt GGSS nga to. Aba dinaig pa ako sa dami ng kaekekan ng mga gamit sa banyo niya. Ako nga sabon at shampoo lang sapat na.
Humiga nalang ako makalipas ang ilang sandali at di na pinigilan pa ang antok ko.
•••
[Junhoe's POV]
Pagkaalis ko sa kwarto ay dirediretso na akong lumabas at sumakay sa motor. Mabilis ko itong pinaandar papunta sa hospital.
Pagkarating ko doon ay dumiretso na ako sa kwartong madalas kong puntahan. Pero nakasalubong ko ang isang head nurse.
"Hijo, andito ka na naman? Tsk. Naku, inaraw araw mo na talaga ang pagpunta rito ah."
Napangiti ako. "Ang himbing po ng tulog ng prinsesa ko, e."
"Siya siya, mauna na ko. Sana magising na siya."
Tinanguhan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at pumasok.
Napangiti ako
Nakita ko na naman ang napakaamo niyang mukha.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.
"Hi babe. How's your day?"sabi ko at tinitigan siya.
*sighs* Di na naman siya nagsasalita.
"Nice talking ka naman. Lagi nalang." Sabi ko ulit at napasandal sa pader.
Nanatiling walang sumagot sa mga tanong ko.
"Gumising ka na nga. Feeling mo naman ikaw si sleeping beauty."
Sabi ko uli."Yura, mahal mo naman ako diba?
Di ka naman magagalit kasi wala ako sa sarili ko nung time na yon." I said out of the blue."When you wake up, I'll make everything right"
Tumayo na ako at hinalikan siya sa noo.
"I love you"
"Wake up please" Bulong ko sa hangin at tuluyan ng lumabas.
Im so sorry Yura.
