[Wendy]
"Oy hawakan mo kasi yan ng mahigpit habang sinasabunan mo. Dudulas na naman o" sermon ni koyang Junhoe.
Ge boss.
Tinitignan ko sya habang nagtuturo kung pano maghugas.
How to wash plates by Koo Jun Hoe
Pinanood ko nalang sya habang nagsasalita
Pogi rin pala ang isang to. Matangos. Maganda mata. Makinis. Akala ko puro nguso lang ang isang to e.
* SHCHING!* (Patawarin niyo po ako, nabasag na pinggan po yan. Hehe. Sorna di talaga ako marunong sa sound fx)
"Ang bobo mo naman takte. Napuno na yung basurahan ng nabasag mo. Isa pa talaga iiwanan na kita magisa dito" sabi nya habang nililigpit yung mga bubog.
"Kanina pa ako nabububog. Tss" rinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa kamay niya.
Dumudugo. Tapos di lang isa. Marami. Pero ang kapansin pansin ay yung pinakamalaki at mismong nasa gitna at halatang malalim.
"Anyare dyan?" Tanong ko habang tinuturo yung palad niya.
"Pake mo." Sabi nya naman at saka nagbasura na. Gago.
"O dalian mo na dyan." Sabi nya kaya nagsimula na ako.
Nagsimula naman na ako saka hinigpitan na yung hawak sa pinggan para di na mahulog.
Kinuha ko yung sponge sa lababo nang biglang hawakan niya ang kamay ko o.o
"Mahuhulog na naman yung pinggan tanga." Sabi nya saka tinanggal yung kamay nya sa pagkakahawak at kinuha rin yung hinuhugasan ko.
Akala ko naman. Tssss.
"Dun ka na nga. Ako na bahala dito. " tumalikod na ako at lalabas na sana nung magsalita uli sya
"Mauna ka ng umuwi mamaya. May pupuntahan pa ako" sabi niya na hindi man lang lumilingon at nakafocus sa hinuhugasan niya.
Lumabas nalang ako saka pumunta sa susunod na klase ko.
"Oy Wendy!"
Paglingon ko sa sumigaw, biglang may umakbay saakin.
Si Babi.
"Oy hintay!" Sigaw naman ng isa pa, at paglingon ko may umakbay pa uli sa isang balikat ko.
Chanu.
"Ano kailangan niyo?"Tanong ko agad.
"Wala kaming ibang kasama noona e."
"Asan ba mga ugok na kasama niyo?"
"Si B. I may inaasikaso, alam mo na, president e. Si Dong di pa pumapasok. Si Junhoe naman, naghuhugas ng pinggan sa canteen, nahuli ni sir betlog e. Si Yunhyeong, kasama yung mga barkada mo kaya ka nagiisa ngayon, kawawa ka naman."
Puta, Busy lahat ganun?Kinwento na rin nila sakin ang rason kung bakit naparusahan din si Junhoe
Mga gagong kaibigan to.
"E noona, si Jinhwan hyung ang di namin alam kung saan napunta. Alam mo ba? Isang linggo ng di pumapasok yun e"
One week simula yung nangyari si condo ni Junhoe. Asan na kaya siya? Di na sya nagpakita pa simula noon.
"Oy ano? Alam mo ba kung nasan siya?" Tanong pa uli ni Babi.
Isang iling nalang ang naisagot ko.
"Noona, dito na room mo o." Chanu
Nagpaalam nalang ako at pumasok na.
![](https://img.wattpad.com/cover/48676372-288-k342392.jpg)