7

851 42 8
                                    

[Junhoe]

"Hoy! Bilisan mo naman malelate na ako napakakupad mong kumilos!" Sabi ko sabay pagpag sa pintuan ng CR

Bwisit na babaeng yan. May fanmeeti- I mean business meeting pako kasama si Mama e.
Kanina kasing hapon ang haba haba ng oras, nagkukulong siya, tapos ngayong kelangan ko na maligo- andun sya, nagpapakasasa sa banyo.

"Dalian mo na! Anong ritwal ba ang ginagawa mo at ang tagal tagal mo dyan ha?!" Sigaw ko pa ulit

"Putangina mo maghintay ka!" Rinig ko namang sigaw niya mula sa loob. Bukod sa mura, ano pa bang magandang sasabihin mo ha?

Napasabunot nalang ako sa inis.
Bat pa kasi nangyari yun.
Edi sana maganda parin buhay ko ngayon.
Tahimik
Ang gagawin ko lang na paghihintay ay yung paggising niya.
Kaso putangina nangyari na e.

Nabalik naman ako sa realidad nang bumukas yung CR.

"Ayan, magpakasaya ka sa loob, wag ka ng lalabas" sabi pa neto saka ako nilampasan

Pumasok na ako kaagad at ginawa ang dapat gawin.

Binilisan ko nalang ang kumilos.

Sayang, gusto ko pa sanang
.
.
.
.
.
.
.
Gamitin yung bathtub.

Kaso kulang na sa oras pag ginawa ko yun

Dali dali din aking lumabas pagkatapos dahil narealize kong tuwalya lang pala dala ko.

Kaya ayan nakatapis ako.
O ano? Sasabihin mong wala akong abs?

Bitch, ang kagwapuhan ko ay di nangangailangan ng abs.

Pumasok na ako sa kwarto para magbihis pero sumalubong sakin ang nakakabinging tili ng isang nakakairitang babae.

Edi si Wendy sino pa ba?

"Ahhh! BOLD! SHIT PORN PORN!" Sigaw pa neto habang nakatakip ang mata sa kamay

"Ang OA mo lang. Leche lumabas ka na magbibihis ako."
Tss. Para naman akong dumaan ng walang saplot.

Ano yun hahayaan kong bosohan niya ako?
No way, Im so hot.

Naglakad na sya palayo pero di pa sya nakakalabas nang...

"Crap." Bulong ko nalang nang biglang namatay ang ilaw.

"Brownout ba? Shet lord, ayos lang po na makita ko yung panget na pangangatawan ng malaking nguso dyan, ibalik niyo po yung kuryente nagmamakaawa po ako." Rinig kong bulong niya sa hindi kalayuan.

Epal talaga neto.

"Hoy wag kang gagalaw dyan!" Sigaw ko saka nagsimulang naghanap ng flashlight.

Ayun.
Nakapa ko ito saka na ako tumayo pero natalisod ako ng isang bagay

Hindi ako nakadapa ng maayos dahil ramdam kong may bagay sa ilalim ko.

"Aray ko sht." Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

Possibly,
Magkapatong kami.

Buti nalang talaga at walang ilaw.
Sobrang awkward

"Junhoe tayo na. Ang bigat mo" sabi nya saka ko narealize na tama nga ang iniisip ko.
Magkapatong nga kami.

Gustong gusto ko ng tumayo pero naalala kong nakatapis lang ako.
Sht.

"Pikit ka." Sabi ko saka tumayo.
Mahirap na baka biglang magkaroon ng ilaw

At tama nga ang iniisip ko. Nagkaroon bigla ng ilaw pagtayo ko.

Tinulungan ko narin naman syang tumayo gamit ang kaliwang kamay ko, habang ang kanang kamay ko naman, nakahawak sa pagkakatali ng towel sa hita ko.
Mahirap na.
Baka malaglag. Teheee.

Pagkatayo niya agad siyang lumabas na parang nangangamatis ang mukha niya sa sobrang pula.

Napansin ko ring nakabihis siya at nakaformal. Baka aalis din?

Di ko nalang pinansin at nagbihis nalang.

Pagkalabas ko ng kwarto, napansin kong wala na rin si Wendy.

Ayan bahala na sya sa buhay niya. Kababaeng tao kasi di naman marunong magluto

Napatingin nalang ako sa orasan at CRAP!

Im so late.

•••

[Wendy]

Punyemas ang awkward. Leshe kasi naman, nakapatong sya tapos nakatowel lan- Ay leshe. Pavirgin.

Ge.

Umalis na ako kaagad saka pumara ng taxi.

Uuwi kasi ako ngayon dahil may acquaintance party daw sa bahay. At saka baka miss na rin ako ng mahal kong tatay. Note the sarcasm.

"Kuya, dito na po" pagpapara ko sa taxi saka bumaba.
Nakita ko naman si Hanbin na hinihintay ako sa may gate.

Actually di na nga dapat ako pupunta kung di niya ako pinilit e.

Sa hitsura niya ngayon, mukha syang kagalang galang at hindi mukang jeje swagger lang sa kanto. Hehe. Peace kuya.

"Are you done examining me lil sis?" Tanong niya nang makalapit sya.

"Oo, mukha kang ililibing" sabi ko nalang.

"Pasok na nga tayo sa loob." Sabi niya saka ako kinaladkad.
Oo, kaladkad talaga. Deputa to.

"Hanbin Kim? O god. Hijo binata ka na" sabi ng isang babae na lumapit sa amin na tantya ko e mga nasa 40s

Nagbow naman si kuya saka nagpasalamat.

Kaso kita ko yung biglang pagbabago ng muka nya nung makita ako "Son Wendy? Mr. Kim's illegitimate child? Ikaw yun diba?" Tanong nya saakin. Napayuko nalang ako saka tumango. Leche. Kasalanan ko ba? Putangina.

"Tss."
Nabadtrip ata si Kuya kase bigla nya ako hinila palayo sa matandang yun.

"Hahaha. Bismod ka na nyan?" Tanong ko sakanya habang tumatawa pa.

"Tatawa pa to. Wag ka ngang magpanggap na masaya" Dun ako natahimik. He really knows what my weakness is.

The old lady is right. I am my father's illegitimate child. Anak sa labas. Bata palang ako, lagi na akong kinukumpara sa mga kapatid ko. Hanbin and Yeri. Mas matalino si ganito, mas maganda si ganyan. Edi wow. Paano pa kaya pag may nakaalam na... buntis ako.

"Kuya, akyat muna ako." Sabi ko kaya tumango naman sya.

Kaagad akong pumasok sa bahay para matulog na sana agad pero napatigil ako nung may narinig akong naguusap.

"Richard Kim, its been a long time. How's life?" Rinig kong tanong ng isang lalaki.

"I'm doing well, George. Guess what? I've been training my kids for the company. I hope you do the same with your daughter, Hayi."

"Di mo na kailangan pang itanong kumpadre. And for the partnership of our company, I want Hanbin be engaged with Hayi sa lalong madaling panahon"

Hindi ko na narinig ang sagot ni daddy, nagsalita uli yung kausap niya. Like what? Ieengage nila si Kuya? Pano si Irene ? Tangina talaga nito. Kinokontrol mo na naman lahat tukmol ka

"Asan ang mga anak mo? I want to meet them. Lalo na si Hanbin. I've heard of him a lot, responsible?"

"I only have two kids. You can go and talk to Hanbin outside. But my daughter Yeri isnt here" tuloy tuloy niyang sabi.

Gusto ko sanang magpakita sa harapan niya ngayon at isigaw na 'DADDY TATLO ANG ANAK MO! DEPAKYU KA!' kaso nakaglue ang paa ko sa sahig.

Oo nga pala. Kasi anak ako sa labas.
Ge daddy, sanay na ako.

[Editing] DADDY JUNHOE (iKon FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon