[Junhoe]
"Meet my son Junhoe, the future president of Goo Group of Companies" punyemas. Kanina pa ako pinapakilala tapos paulit ulit yung sinasabi.
Kulang na lang ipagmayabang ako at isigaw sa mundo yung pangalan ko e. Leche.
Mas okay pa kung sinabing 'Goo Junhoe, the most fab and handsome guy in the world' Kaso hindi e.
Maraming tao ang naririto at makikita mo rin sa kanilang pananamit na may mga karangyaan ang mga ito. Business world.
Narito din ang ilan sa mga kaibigan ko.
Nakita ko kanina si Donghyuk na mukhang hindi komportable kasama ang ama niya. Parang sasaksakin na nga niya ng baba niya e.
Tanaw ko rin mula dito si Hanbin, kasama ang isang pamilar na lalake mula pagkabata.
His father.
Bakla na kung bakla basta pogi ako, kaso natatakot talaga ako sa tatay niya, to think na may pananagutan pa ako sa anak niya. Speaking of her, baka andito rin siya. At hindi imposibleng makita ko siya. Leche. Ako na nga tong umiiwas e.
Dahil sa naiinis na rin ako sa presensya ng mga tao rito ay naisipan ko ng lumabas muna rito. Naglalakad ako sa hindi kalayuan nang makarinig ako ng pamilyar na sigaw.
"Ayoko manahin yang kumpanya mo gago!" Kasabay pa nito ang tunog na parang may nahagis na bagay sa tubig
"Magsusundalo ako hinayupak ka! Magiging 5 star general ako makikita mo!"
Lumalala na ang pagkaadik mo sa counter strike at K.O.S, Donghyuk.Sinundan ko pa ang pinagmumulan ng sigaw ni Donghyuk at saka ko natanaw ang ilog sa di kalayuan at nandon na siya nambabato sa tubig at nagsisisigaw ng kung ano ano
Lalapit pa sana ako ng nang makarinig ako ng sigaw pa. Sigaw ng babae.
"PAKYU DADDY!"
"Putangina mo anak mo rin ako gago ka!"
"Puro ka Hanbin at Yeri, dugo't laman mo rin ako hinayupak ka!
"Hindi ko naman kasalanan kung bat ako nabuhay e!"
Yan ang sunod sunod niyang sigaw habang nambabato parin sa ilog. At base sa boses nya niya ngayon. Alam kong naiiyak na sya.
Nakita ko namang nagpanic si Donghyuk at parang di alam ang gagawin. Tangina neto. Para magpatahan lang e.
Di ko alam pero base sa mga narinig ko kay Wendy, parang bigla akong naawa.
I want to comfort her right now
Hindi kaya--
Tss. No. Awa lang to.
Naiiling nalang ako sa sarili ko.
Aalis na sana ako pero--
"Junhoe?" May bakas na pagkagulat ang boses niya at maski ako-
Hindi ko alam kung bat nabigla ako sa pagtawag niya sa pangalan ko
Parang may kakaiba.
[Wendy]
Dulot ng sama ng loob, lumabas muna ako ng bahay saka naglibot libot sa may subdivision.Halos dulo na ng subdi ang bahay namin kaya ang makikita mo sa dulo ay bangin tapos ang baba nito ay sa ilog.
Naupo nalang muna ako sa may malaking bato saka tumingin sa ilog. Ang payapa.
Napahawak ako sa tyan ko. Hi Baby. Paglabas mo, ganito kapeaceful ang magiging buhay mo. I promise.
"Hulaan mo kung sino to." Sabi ng isang boses habang may nakatakip na kamay sa mata ko
NAKANANG. PAPATAYIN KO TO.
"Tangina mo, Donghyuk."
Agad naman niya akong binitawan nung sinabi ko ang pangalan niya.
"Ang galing mo naman!" Sabi nya na parang naamaze pa.
Malamang. Ikaw lang may ganyang boses. Gago. Baba mo pa. Natusok pa ata yung ulunan ko ng baba mo pakyu ka.
Di nalang ako nagsalita. Alam ko naman kung bakit sya nandito e.
Sigurado galing din yan sa party sa bahayNakita ko naman na pumulot sya ng maliit na bato saka binato sa ilog
"Ayoko manahin yang kumpanya mo gago!" Sigaw niya pagkabato neto.
Oo nga pala, mas rebelde pa utak neto kesa sakin. Gusto kasi ng parents niya na manahin niya ang kumpanya nila. E gusto ata niyang magsundalo.
Sus. Pareparehas lang naman kami ng sitwasyon.
Gusto rin ni Dad na sa company kaming tatlo, yung dalawang kapatid ko napasunod niya, pero ako, huh. Ulol sya. Mag aartista ako. Kaso di ko lang alam kung matutupad ko pa ang pangarap ko sa gantong kalagayan ko ngayon."Magsusundalo ako hinayupak ka! Magiging 5 star general ako makikita mo!" Sabi pa nya habang bato pa to ng bato
Di ko namalayan na pumulot na pala ako ng bato saka nagsisisigaw na rin
"PAKYU DADDY!" Sigaw ko na syang kinagulat ni donghyuk
"Putangina mo anak mo rin ako gago ka!" Saka ako nambato sa ilog.
"Puro ka Hanbin at Yeri, dugo't laman mo rin ako hinayupak ka! Saka nambato uli
"Hindi ko naman kasalanan kung bat ako nabuhay e!" Saka ako nambato ng nambato hanggang wala na akong masabi.
"Huy wag ka namang umiyak leche" sabi naman ni Donghyuk na nasa tabi ko pa pala."Di ako marunong magpatahan tumigil ka naman na o." Sabi pa nya
Itinawa ko nalang.
"Ayos na ako. Hehe. Salamat." Sabi ko saka tumayo na.
Salamat uli sa pakikinig ng drama ko Donghyuk. Bespar na kita. Tehee
Tinalikuran ko na sya para bumalik na ng bahay.
"Junhoe?"
"Tsss. Andito ka pala. Kung alam ko lang edi sana di na ako nagpunta"
Wow. Parang ikaw lang nagsasawa sa mukha mo. Sawang sawa na rin ako sa nguso mo, tukmol ka.
"Oy hyung, nireregla ka na naman. Wag mo ngang pag initan si Wendy" Ay sht. Andito nga pala yang babang yan.
"Tss okay fine." Sabi pa nya at umirap. Naku.
WAG LANG MAGMAMANA ANG ANAK KO SA UGALI MO."Tara na nga" sabi nya sabay hila sa kamay ko.
"Uy. Holding hands pa more. Tehee. Lalabas na naman pagkahard core shipper ko neto. Tehee" bulong ni Donghyuk pero rinig naman namin kahit nakakalayo na kami.
Aish saan ba ako dadalhin neto.
"Oy kikidnapin mo ba ako" tanong ko pero seryoso lang siyang naglalakad.
"Oy kikidnapin mo ko no- tapos hihingi ka ng ransom- tapos rerape--"
"Walang karape rape sayo manahimik ka."sabi niya sabay hinto niya sa isang kotse. Wow nag upgrade.
Magsasalita pa sana ako pero inunahan niya nanaman ako. Takte nakanganga na ako e.
"And wag ka na magsalita pa. Sakay. I wanna go home" sabi nya kaya sumakay nalang ako.
Alangan namang magpabebe pa ako diba?Pumasok ako sa likod saka umupo ng maayos.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya nang makasakay siya sa driver's seat."Dyan ka talaga uupo?" Nagtatakang tanong niya
"Oo." Maiksing sabi ko saka tinanggal yung sandal ko at pinatong ko naman sa may taas ng harap kong upuan yung paa ko saka pumikit
Wag mo ako iistorbohin matutulog ako.
Buong akala ko di na sya magsasalita pero-
"Tss. Blue. Doraemon." Rinig kong sabi nya
Di na sana ako magsasalita pero narealize ko kung anong sinabi nya kaya agad kong binaba ang paa ko saka umayos ng upo.
"Silip pa more"
"Asa ka pa"