[A/N: Puro landian lang to ng JunWen. Mehehe. Saka hello nga po pala kay @YumikoOmalza na kausap ko habang tinatype ito. Hi unnie]
[Wendy]
Sht. Did he just kissed me? O.O
Kumalas ako kaagad saka lumingon sa ibang direksyon.
Ganun din ang naging reaction nya.
Watdapak Wendy, asan na napunta ang madadang dila mo.
First kiss ko ata yun. Ata. Hehe. Malay ko ba. E lasing ako ng gabing yun.
Aa basta.
Mabilis akong tumayo para makaiwas sa kanya.
Kaso naalala ko yung sugat sa kamay niya.
"Diyan ka lang, may kukunin ako"
Kinuha ko yung first aid kit at bumalik sa sofa.
Ganun parin posisyon niya. Nakahiga sya ng pahilig.
"Marunong ka?" Tanong niya pagkatingin sa hawak ko.
"Hinde, June. Practice lang to" pagagong sagot ko naman
"Dont call me June" sabi nya saka umiwas ng tingin.
Aba choosy ka pa.
"Ang choosy mo, akin na palad" sabi ko naman
Bat ayaw niya sa June? Ano gusto niya? Junjun? Junior? Ju-ne? Hwehwe? Ano?
Inabot nya yung palad niya kaya sinimulan ko nalang.
Naalala ko yung sinabi ni Babi.
"Dahil ba to kay Sir Betlog?" Sabi ko sabay turo sa malaking sugat sa gitna.
"Tangina mo, masakit. Wag mo hawakan"
"Arte neto." Sabi ko saka diniinan pa yung pagkakahawak sa sugat.
"Bitawan mo na nga ako. Ako ng gagamot sa sarili ko" sabi nya kaya in the end, walang akong ginawa. Kinuha ko lang yung gamot. Hehe.
"May naisip ka na bang pangalan?" Bigla niyang tanong.
Anong pangalan?
"Ha?"
"Pangalan nyang nasa tiyan mo" sabi nya ng hindi parin tumitingin sa akin
"Ano bang pwede. Kristian, Mike, John, Mark, Le-"
"Utang na loob. Magisip ka naman ng maganda. Saka bat puro pangalan ng lalake? Alam mo na ba?"
"E eksayted ka e, nagtatanong ka na agad e isang buwan palang! Saka maganda na yung mga pangalan na yan no, anong gusto mo? Maria? Pedro? Charing?"
"Jologs."
"Aish bahala ka"
"Rain" sabi nya kaya napatingin ako agad sakanya.
"I hate rain" Sabi ko agad at sya rin naman ang napatingin saakin.
"Bakit?"
"Pake mo" sabi ko saka tumayo na.
Pumasok na ako sa kwarto at nagshower na rin.
Paglabas ko ng banyo, nakita kong nakahilata na siya sa kama.
Tinuyo ko muna saglit ang buhok ko saka na rin humiga
"Uy, wag mo solohin yang kumot."
Nakatalukbong parin sya at di gumagalaw.
