[Wendy]
Ang boring.
Lunes ngayon at masasabi kong marami ang tinatamad ngayong araw na to kagaya ko.
Wala akong kaklase na kahit na sinong kaibigan ko sa subject ko ngayon
"Oh, look who's here" napaangat ako ng tingin sa may hindi kalayuan at nakita ko ang isang grupo ng babae at sa gitna nito ay isang bruhang nagngangalang Sojin.
"Bruha" sabi ko nalang at binalik uli yung ulo ko sa pagkakahilig.
"Alam mo girl, friends na sana tayo ngayon kung sinakyan mo yung trip ko kahapon at pinakilala ako sa kuya mo."
"Di ko kailangan ng kaibigan na lamang dagat" sagot ko naman.
"What do you mean?" Tanong niya habang nakakunot na yung noo
Tinitigan ko naman siya saka nginitian bago nagsalita
"Hipon ka kase, na nalahian ng seahorse. Pwede ka ng ibenta sa palengke ng Fifteen pesos per Kilo. Ganun ka kacheap. And Im so fab" sabi ko sabay flip hair.
Nalahian na ata ako ng kasassy-han ni Junhoe. Tehee
"Bitch" sabi nya naman nung nilagpasan ako.
Asar talo e. Paker.
Ang panget naman.
Laki laki ng mata sarap tusukin. Ugh ugh
Yumuko nalang ako saka pumikit.
....
"MISS SON WENDY!" Agad akong napabangon nang nakarinig ako ng sigaw.
"ASAN ANG SUNOG?!" Sigaw ko dala ng gulat.
Narinig ko namang nagtawanan ang buong klase.
"Silence" sabi ng teacher at tumahimik naman lahat saka siya nagsalita uli. "Please answer the 5th problem Miss Wendy" pagtutuloy niya sa sasabihin niya.
Tumayo naman ako atsaka binasa yung nasa board.
Tss. Paano ba to.
"3. 10 x raise to fifteen ang sagot." Rinig kong bulong sa isang gilid.
Walang lingon lingon kong hinarap ang teacher saka sinabi yung narinig ko
"Galing ko talaga" sabi ko pa saka narinig ko na naman magtawanan mga kaklase ko
Tehee. Tama naman e.
"Uy thank you ha" sabi ko sa nagbulong nung sagot
Uy shet. Dyosa to frn.
Kung lalake lang ako niligawan ko na to
Ang ganda niya omo
Pero syempre dyosa ako ng kagandahan kaya walang makatatalo sakin
Kumbaga ako yung head ng dyosa, tapos apprentice sya. Ehehe
"Welcome" sabi nya saka nag eyesmile. "Ikaw si Wendy, right? Pagtutuloy pa niya.
"Ah oo. Kilala mo ko? Ang ganda ko talaga." Sabi ko saka biglang humangin ng malakas. Anyare?
"Kapatid mo si Hanbin diba? Yung President ng SSC. Ako ang Vice President. Minah nga pala. Bang Minah" saka niya inabot ang kamay niya
Wow. Siya yung VP? Hehe. Di ko kilala e.
Inabot ko nalang yung kamay niya saka nakipag shake hands.
