12

851 45 0
                                    

[Junhoe]

I woke up with my hands wrapped around her. It made me smile. To see her angelic face every morning when I wake up, is more than enough.
Babye na ba talaga kay Yura?
Heh. Bat ko pa ba yon tinatanong.
She broke up with me even before everything happened

In a few months, magkaka-pamilya na ako. Magiging daddy na ako.

Sobra akong naeexcite.

I promise I will be a good father.

I wont let my child grow up like me, fatherless.

Natigil ako sa pagiisip at bumangon nalang.

Pero bago iyon, hinalikan ko muna sya sa noo.

I'll try everything to forget her, for the sake of my family, Pipilitin kong mahalin si Wendy.

Shet, binata na talaga ako. Hehe. Joke.

Pumunta na ako sa kusina at nagsimula ng magluto.

••••••
[Wendy]

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko.

Napalingon ako sa gilid ko pero wala si Junjun.

Asan yung damuhong yon?

Tsss.

Di ko nalang sya inisip. Agad akong pumasok sa banyo at naligo

Walang pasok ngayon, since sabado naman kaya tatambay ako dito sa loob ng condo.

Di na naman ako masisikatan ng araw. Hehe

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.

"Buti naman lumabas ka na" Nagulat ako nang bigla syang sumulpot mula sa kung saan at nagsalita.

"Pag ako namatay dahil sa gulat mumultuhin kita" diretsong sabi ko sa damulag niyang muka.

"High blood. Ganyan ba talaga pag nagdadalantao?"

"Gago."

"Ge. Minumura mo na naman ako. Tara na nga, kain tayo nagluto ako" sabi nya at bigla akong hinigit papunta sa kusina.

Hanggang ngayon naguguluhan parin talaga ako sa mga pinapakita niya. I mean, di naman sya ganito kabait sakin noon diba? Kulang nalang ipatapon nya ako papuntang pluto noon.

At hanggang ngayon, confused parin ako sa katauhan ni Yura kung sino man sya.

"Hoy ang sabi ko kain na." Nabalik naman ako sa katotohanan nung nagsalita sya

Saka ko lang narealize, magkatapat na kami sa dining table

"Kain na. Masarap yan" sabi pa nya uli.

Magsasandok sana ako ng pagkain pero naunahan na nya ako

Naglalagay na sya ng pagkain sa pinggan

"H-hoy! Junhoe, ang dami naman niyan!" Sigaw ko pero sandok parin sya ng sandok.

"Dapat kumain ka ng marami para kay Baby Rain."

"Sabi ng ayoko sa Rain e."

"Tsk. Ang kulit mo. Anong pinaglalaban mo? Pedro?"

" Tsss." Sabi ko nalang saka nagsimula ng kumain.

Ang awkward pala.

Di ko pa nakakalahati yung pagkain ko nang makadama ako ng pamilyar na pakiramdam

[Editing] DADDY JUNHOE (iKon FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon