2

1.1K 48 16
                                    

[Wendy's POV]

Bahagya akong naalimpungatan dahil sa mabigat na bagay na nakaibabaw sa may tiyan ko.

Napamulat ako ng mata at medyo nagulat nang makita si Junhoe.

Bat ba ako nagugulat? 'Wendy, hindi ito ang unang beses na nagtabi kayo' paalala ko sa sarili ko

Napatingin ako sa orasan. 1:06 am

Napatitig ako sa kanya na mahimbing na natutulog

Ang inosente pala ng muka neto pag tulog.
Koo Jun Hoe sana lagi ka nalang tulog.

Nahihirapan man, pinilit kong tanggalin ang kamay niya nakadagan sa akin.

Napatigil ako nang bigla siyang magsalita

"Yura"  bulong niya at saka ako niyakap

"Yura, wag mo akong iiwan" sabi niya at mas hinigpitan ang  yakap.

Sino si Yura?

Sadyang malakas siya kayat di na ako nanglaban na kumalas mula sa pagkakayakap.

Hanggang sa makatulog ako.

...

Kinabukasan, pagkagising ko, wala na sa tabi ko si Junhoe. Lumabas ako ng kwarto at wala na akong nakita na kahit anong bakas ni Junhoe.


Napilitan akong mag-order nalang ng pagkain dahil di naman ako marunong magluto.

*1 message received*

Yan ang bumungad sakin nang buksan ko ang cellphone ko.

From: Jinhwan na Maliit.
Hey. Goodmorning. Dont forget to eat your breakfast okay? See you later.

Napangiti ako nang mabasa ang text ni Jinhwan. Sa in-araw araw na ganyan ang pakikitungo niya, hindi pa rin ako nasasanay.

Kaya naman, nagmadali na ako at pumasok sa school.

Pagpasok ko sa classroom ay bumungad agad saakin ang ingay ng mga taong walang mga magawa sa buhay.

Sino pa ba?

"Goodmorning Wendy. Ang sexy mo tala-- Aray!" Hindi naituloy ni Bobby ang sasabihin niya nang pabiro siyang sinikmuraan ni Kuya Hanbin

"Humanap ka ng panget." Sabi Kuya Hanbin

Nilagpasan ko nalang sila at umupo na. Ewan ko, wala ako sa mood.

"WENDY!!!" Sigaw ni Irene saka tumakbo palapit sa akin

"Ang ingay." Someone hissed. Paglingon ko. Si Junhoe

Kelan ba to titino?

"Hi, Junjun. Ang panget mo parin." Pangaasar ni Seulgi.

"Hi, Seulgi. Ang panget mo rin" Singit ni Donghyuk na siyang ikinainis ni Seulgi.

"Ikalma mo baba mo, friend" sabi  naman ni Yunyeong.

Aish. Andito na naman sila.

Napansin ko lang lagi silang nakapaligid saakin pag dumadating ako?

Tch.

'Mga pre excuse.'

"Naks naman Jinhwan, di ka namin nakita. Liit mo ah?" Pangaasar ni Babi.

[Editing] DADDY JUNHOE (iKon FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon