7.

6 0 0
                                        

Dale.

"Bessy, punta ka ah. Magtatampo talaga ako pag wala ka," narinig kong sinabi ni Ashley sa bestfriend nyang si Trina. Lunch break namin ngayon kaya anlalakas ng mga boses ng mga classmates ko.

"Syempre noh, nag order na kaya ako ng isusuot ko sa debut mo." nagtawanan silang dalawa at napa iling naman ako.

Oo nga pala. Debut season ang year nato sa batch namin. Kaya kaliwa't kanan yung naririnig kong nag iimbitahan sa mga debut nila. Never pa naman akong na invite dahil nga ay hindi ko sila masyadong mga ka close. Classmates ko ang iba since grade 10 pero hindi ko talaga sila nakahalubilo ng masyado para maging close sa kanila.

Ang importante, hindi nila ako sinasaktan at sinasabihan ng masasamang mga salita.

Napa isip tuloy ako sa darating na birthday ko. Next month na din pala. Anong plano ko? Ano kamo plano ni kuya, kasi sya naman yung gagastos. Hays. Ayokong maka gastos ng malaki si kuya. Tsaka wala din sense if magpapaparty ng bongga. Kasi una sa lahat sino naman ang iinvite ko. Hindi ako social butterfly para magkaroon ng mga friends na ganon karami. Pag tinanong ako ni kuya, sasabihin ko na kakain nalang kami sa labas.

Oh di kaya magpapalibre ako ng 18 books sakanya. Ang galing ko talaga mag isip. May alam naman akong bookstore na nag bebenta ng discounted na bundles eh.

Speaking of books, hindi ko pa pala natapos yung binasa ko kagabi. Si Gab kasi eh.

Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Bumalik na naman ang isip ko sa convo namin kagabi. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinignan yung messenger.

Active 10 hours ago.

Last online nya nung nag uusap kami.

Inopen ko yung convo namin at nag backread na naman mula sa start ng convo namin.

pa accept po

Nagpapa bebe eh. Ang cute. Hindi ko namalayang naka ngiti na pala ako habang nag s-scroll sa convo namin. Tinapik ako ni Ashley at nagulat naman ako sa kanya.
"Wuy, sa una lang yan masaya," pang-aasar nya habang tumatawa.

"H-hoy hndi ah, nagbabasa ako ng ebook." dahilan ko at halata namang hindi sya naniniwala.

Hindi ko nalang sya pinansin. Kinuha ko nalang yung earbuds ko at pinatugtog yung favorite kong playlist.

Ganito pala ang ma attract sa isang tao. Paulit ulit mong pine-play sa utak yung moments nyong dalawa. Alam kong nahuhulog na talaga ako. At delikado.

Pero, ang sarap sa feeling. Hindi ko pwedeng i let go ang feeling na to.

___________________________

"Oh my gosh ang ganda. Ang galing mo talaga," bulong ko sa libro na kakatapos ko lang basahin. Tinignan ko ang oras.

9:00pm.

Pwede pa naman siguro ako mag basa pa. Alin kaya sa mga bago kong libro ang babasahin ko.
Tumayo ako habang dala dala yung libro at nilagay ito sa section ng mga tapos ko nang mabasa. Isa isa kong tinignan ang to be read section ko at nag iisip kung saan don ang mas feel kong basahin.

Dark Romance? Teen Romance? Adult Fiction?

Maya maya ay nag ping ang cellphone ko.

Napangiti ako , hoping na si Gab yun. Hindi naman sa hinihintay ko yung chat nya, pero parang ganun na nga. Hindi ko tuloy maiwasan na mamiss sya. Kelan kaya sya ulit pupunta sa bahay?

Pag open ko ng messenger ko ay na dismaya naman ako sa nakita ko.

Ashley Jane added you to the group.

She's Just My Type (GxG)Stories to obsess over. Discover now