10.

6 0 0
                                        

Dale.

Tatlong araw nang naging consistent ang pag tatawagan namin ni Gab. At sya lagi ang tumatawag sakin. At sa mga times na yun ay na confirm ko nga sa sarili ko na nahuhulog na nga ako sakanya.

Halos nalaman ko na din ang mga bagay na tungkol sa kanya. Yung mga hilig at mga ayaw nya, kung sino sya bago ko pa sya makilala at kung ano ang mga kinakaabalahan nya recently.

Hindi ko maiwasan na humanga sakanya. Para bang alam na nya kung ano yung gagawin nya at planado lahat ng ginagawa nya. Pero hindi ko din maiwasang malungkot para sakanya. Dahil malayo pala ang loob nya sa Daddy nya. Hindi nya sinabi kung bakit pero nagsimula raw ito nung naghiwalay sila ng Mommy nya at napunta sa Daddy nya ang custody ni Gab. Hindi na masyadong inexplain pa ng malalim ni Gab, pero enough nayun para malaman ko kung ano yung napagdaanan nya bago ko pa man sya makilala.

Ako naman ay nag-share din sakanya. Sinabi ko sakanya ang mga bagay na personal para sakin. Yung tipong gusto kong sabihin sa isang bestfriend pero hindi ko masabi dati dahil wala ako non. Pero ngayon na may maituturing na akong taong sobrang special para sakin, ay naging comfortable ako na mag open up sa kanya.

Isang bagay lang ang hindi niya naibanggit sa akin at yun ang tungkol sa love-life nya. Alam kong nagkaroon sya at one point ng jowa dahil umabot ako hanggang 6 years ago kaka stalk sa account nya at nakita ko ang mga sharedposts nya noon na puro broken-hearted quotes ang laman. Nahihiya din naman ako na tanungin sya kaya hindi ko na pinilit malaman yun. Inisip ko nalang na baka masalimuot ang ala ala na yun para sa kanya kaya hindi din sya comfortable na i-share sa akin.

Napapansin ko din na mas nagiging straight-forward na si Gab sa akin. At napapadalas ang pag-bisita nya dito sa bahay. Hindi namin napag-usapan pero pareho kaming nagkusang hindi ipahalata sa kuya ko na may unti-unti nang namumuo sa aming dalawa sa tuwing nandito sya sa bahay.

Nakaka guilty man pero inisip ko kung gaano ko kagustong makasama si Gab. Lalo na nung malaman ko na bilang lang ang araw ng pagbisita nya dito sa Pilipinas. Kaya kahit nafefeel kong binebetray ko ang kuya ko, ay mas inisip ko na ayoko din i-betray ang sarili ko. Sinusulit ko lang ang mga araw na nakakasama ko pa sya.

Bumalik ako sa wisyo at naalalang nasa classroom pala ako nang may pumukpok sa teacher's table na nasa harapan ng whiteboard namin.
" Guys, need na daw ng list ng mga officers. Hindi pa tayo nag elect kaya need na natin gawin yan ngayon." anunsyo ni Brent na ngayon ay naka-tayo na sa harap. " The floor is open for Class President," aniya at tahimik naman ang lahat.

" Ikaw na, nanjan kana e," sabi ng isang member ng boys at the back. Nagtawanan naman ang mga classmate ko.

" Hindi to joke-time Steven," tinignan nya ng masama si Steven at napaturo naman si Ashley sakanya.

" Yan yan yan! Ganyan nga ang perfect maging Class President. Ikaw na yan ! Isulat mo na ang pangalan mo jan! Hands up kayo para majority na!" pangungumbinsi nito sa amin. Napangisi nalang ako sa kanya at nakisama nalang din sa mga nagtaas ng kamay. Matalino din naman kasi si Brent.

" Sige, dahil sapilitan nyo akong ginawang Class President , bibigyan nyo ako ngayon ng karapatan na mamili ng Vice. At hindi kayo pwedeng umangal." sa tono ng boses nya ay parang may binabalak syang hindi maganda. " Hands up sa mag a-agree." of course mag a-agree ang lahat, para maiwasan ang mga joyjoy sa election.

Alam nyo yun? yung ijojoy-joy nominate ka para lang magpatawa sa buong class at para ipahiya ka.

Majority ulit ang nag vote kaya napa smirk si Brent bago tumalikod at sinulat ang pangalan ng magiging Vice President.

Dale Tuason

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"T-teka parang hindi naman ata tama yan!" angal ko habang nag iingay ang mga classmates ko.

She's Just My Type (GxG)Stories to obsess over. Discover now