11.

6 0 0
                                        




Dale.

Pagkalampag ng aming gate ay dali dali naman kaming umayos ni Gab sa kinauupuan namin. Mabilis naming naiba ang topic at kunyari'y pinag uusapan namin ang video na pinapanood nya sa cellphone.

At talaga namang nagnakaw pa ng halik sa pisnge si Gab bago binalik ang atensyon sa cellphone nya.

" See , I told you. Boracay is prettier than any other island I've visited."

Sinabayan ko din ang trip nya at tumingin sa screen. Nag make face ako at kinuha ang cellphone nya. Sinearch ko sa tiktok yung dumaan sa fyp ko nung nakaraan.

" You just haven't seen this yet.. Governor Generoso." napa nga-nga sya sa mga videos na pinakita ko at kinuha ulit ang cellphone nya para mag scroll sa iba pang mga videos nito. " Ganda noh?"


" Wow..Nakapunta kana dito?!" tumawa ako sa tanong nya.


"Hindi pa noh. Ang layo kaya nyan. Sa Mindanao yan eh, dun sa Davao Oriental." inisip ko kung tama ba ang pagka-alala ko at nakita ko sa caption dun sa isang video na tama nga.

" Ano bang pinagkaka-abalahan nyo jan?" Marites na naman yan sya.

" Ry, let's go here oh.." pinakita ni Gab yung cellphone nya kay kuya at kumunot naman ang noo nya habang binabasa ang caption. " Isama natin the rest of the guys tapos yung mga partners nila."

" Sa Davao?! Pagkakalayo nyan ineng! Mag Boracay nalang tayo nyan." bumagsak naman agad ang ngiti ko sa pagiging killjoy ng kuya ko.

" Come on..tignan mo. It's a lot lot prettier than Boracay oh."

" Kuya alam mo ba parang hidden gem daw yan. Walang masyadong nagpupunta jan kaya hindi crowded. Peace with nature.." I made it sound promising para ma convince si kuya.

" Syempre wala talagang pupunta jan, pinakadulo na ng Pilipinas yan e."

" Ang OA mo talaga. Payag kana para maka punta din ako jan." nagpa cute ako sa kuya ko at tinaasan nya ako ng kilay.

" Eh yung school mo ano?" nakapamewang pa sya na para bang nanay na pinapagalitan ang anak nya.

" Edi sa bakasyon.." naka-nguso kong sagot.

" Aww come onn...I need to go there before I go back," napatingin ako kay Gab nang sinabi nya yun.

I thought we had a rule? Never mention anything about her leaving.

Hindi nya ata napapansin na tinititigan ko na sya dahil busy syang pakiusapan ang kuya ko.

" Please, Ry.." Sya naman ang nagpapa cute ngayon kay kuya. And as much as I'd like to say na sobrang cute nyang manlambing, I really am a bit annoyed sa sinabi nya.

Nang wala nang nagsalita ay dun ko pa napansin na dalawa na kami ng kuya ko ang tinititigan sya. Ayoko muna i-big deal ang inis ko at baka may mahalata ang kuya ko kaya tumikhim ako at naghanap ng pang change topic.

Sakto at naalala ko yung about sa pinag meetingan namin kanina. Kinuha ko yung papel na nasa bag ko at inabot ito kay kuya.

" Need daw ng signature ng guardian. Para daw yan sa tree-planting namin next week. Tapos kailangan daw may dala kaming family member or guardian." paliwanag ko sakanya habang binabasa nya ito. " Punta ka huh, hindi pwedeng wala akong dala. I need to set an example or else masisira yung image ko,"

" Imageeee??!!! Ano ka, class president?!" buhakhak ni kuya. Nag tinginan naman kami ni Gab at natawa din sya.

" Vice President , actually." sagot ni Gab sa kanya at proud na proud pa sya habang sinasabi ito. Natigilan si kuya at para bang nag-iintay ng explaination ko.

She's Just My Type (GxG)Stories to obsess over. Discover now