Do you still remember the first person who broke your heart?
Well, si Dale, hindi'ng hindi nya yun malilimutan. The person came unexpectedly and left so suddenly too.
Let's relive our first heartbreak as we go along Dale's journey to not only findi...
Hindi ko inaasahan na sobrang hirap pala maging officer ng klase. Lalo na't competitive ang President nyo , yung ayaw magpatalo sa ibang section. Kesyo STEM daw kami at dapat hindi pucho-pucho ang mga output namin.
Sa ngayon ay iniintay ko yung mga kasama kong officers dito sa food court ng mall. We all agreed kasi na ngayon kami mamimili ng materials para sa tree planting namin.
Sinilip ko yung wrist watch ko at nagsisimula nang mairita sa mga kasama ko. I really hate yung mga taong walang sense of urgency. Kung hindi lang pala sa class to ay kanina pa ako umuwi.
30 minutes later ay unang dumating ay si Brent. I can't help but notice kung gaano ka laki ang difference nya outside of school. Ngayong hindi sya naka uniform ay mas nakikita ko yung build ng katawan nya. Typical lang naman sya, pero may makikita kang muscles na unti unting sumisilip sa braso nya. Maugat din pala ang kamay nya.
Sa totoo lang, bat ko ba sya tinititigan?
" Ikaw pa lang?" tanong nya habang hinuhugot yung cellphone nya sa bulsa.
" Oum, hindi rin sila nagrereply sa gc." sinilip ko din ang cellphone ko at napangisi sa lockscreen ko.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Namimiss ko na agad si Gab. Sana mabilis lang to para makauwi na ako at maka call ko sya.
Actually sya naghatid sakin dito kanina bago sya umuwi. At nafefeel ko pa din ang butterflies sa tyan ko pag naalala ko gano nya ko hinalik halikan sa pisngi.
" What the heck.." narinig ko ang buntong-hininga ni Brent. " They couldn't come. Apparently they all have emergencies." umirap sya at nakaramdam din ako ng inis sa mga kasama namin. Dahil halata namang nagpapalusot lang sila.
So pano to? Kaming dalawa nalang ang mamimili ng supplies? Hindi ata namin kaya dalahin lahat.
" Oh well. Guess it's just the two of us, Dale." ngumiti nalang sya ng pilit at ganun din ako.
Inuna na naming magpunta sa school supplies at iniisa-isa ang mga nakalagay sa listahan namin.
Hindi naman masyadong mahirap pakisamahan si Brent. May mga bagay lang talaga na nagtatalo kami dahil ayaw nya makinig sa suggestions ko.
Kung hindi sya mapili sa kulay o kaya naman quality ng materials ay gusto rin nito yung mga mamahalin, which is kinokontra ko dahil meron namang mas mura pero quality pa din.
Pagkatapos ng halos tatlong oras ay natapos din kami sa pamimili. Nang hiram nalang kami ng cart sa mall dahil sa dami ng dala namin.
" Finally. My feet are killing me. Can we rest for a while?" reklamo ni Brent at tumango nalang ako sakanya. Wala nakong energy pang natitira para mag salita.
Umupo kami sa lounge area ng mall. Tinu-twist ko ang mga ankles ko at tumabi naman si Brent sakin. Hindi ako sanay na tumayo ng ilang oras kaya nahihirapan na talaga akong maglakad.