Dale.
Mahigit isang oras na ata akong naka tayo sa harap ng salamin ko. Hindi ako maka decide kung anong susuotin ko. Gusto kong mag skirt pero alam kong hindi bagay saken. Pag nag jeans naman ako, ang sagwa tignan. Pag nag dress naman ako, mukha akong cabinet na naglalakad.
Baka maya-maya maiiyak na ako eh. Di ko na talaga alam kung ano'ng susuotin ko. Napa-upo ako sa sahig at nag simula nang maluha.
Pinagtatawanan nyo na siguro ako ngayon. Pero para kasi sa akin, nai-insecure ako kaya nahihirapan akong mamili ng susuotin. Lalo na't kasama ko pa si Gab. Baka kasi pagtawanan ako, or worse, siya..ng mga tao.
Pagkatapos kong maiyak ng tatlong minuto ay lumabas ako ng kwarto para mag hilamos. Pagbalik ko ay may napansin akong paper bag na nakalagay sa kama ko. Pag bukas ko ay may laman itong damit at sulat.
Napakunot naman ang nuo ko. Hindi ko alam kung kanino to. Kay Gab ba to?
Binasa ko yung papel, baka nandun yung pangalan ng may-ari.
Isang oras ka na namang iiyak dyan dahil nahihiya ka. Ayan binilhan na kita, bagay yan sayo. Pag yan di mo sinuot, sapak ka saken.
-kuya mong gwapo.
Napa-irap naman ako sa huli. Pero naka hinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ng maayos yung damit at napansin kong jumper pala sya na bistida. Pambata yung dating kaya hindi sya fit sa katawan. Okay na to, hindi masyadong nare-reveal yung mga kinakahiya ko.
Pumasok ako ng kwarto na may ngiti sa mukha. Kilala'ng kilala talaga ako ni kuya.
-----------------------
Kanina pa ako pinagpapawisan at kanina pa din hindi umiimik si Gab.
Kanina nung sinundo nya ako sa bahay ay ngumiti sya ng pilit at hindi na nag salita habang paalis na kami. Hindi ko alam kung bakit.
Pangit ba suot ko? Pangit ba yung buhok ko? Kailangan ba ako mag liptint? Hindi ba sapat yung pulbo? Nagsisisi ba sya na inaya nya ako dito?
Biglang sumakit ang dibdib ko nang maisip ko yun. Napa hinto ako sa paglakad at napansin naman ni Gab yun. Kumunot ang nuo nya pero napalitan ito ng pag-aalala ng makita nya ang mga mata kong naluluha.
"What's wrong?" tanong nya habang lumalapit sya sa akin. Hindi ako makapag salita dahil ayaw ko masira ang mood nya. Baka sabihing papansin ako.
Huminga sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.
" Bagay sayo, okay? Stop thinking too much." ngumiti sya sa akin at ako naman tong parang tangang napangisi din.
Totoo pala yung mga sinasabi sa libro. Parang may mga butterflies sa tiyan ko nang marinig kong sinabi nya yon. Never kong na experience i compliment ng taong gusto ko kaya parang na overwhelm ako.
" Stop smiling, halika na dito."
......
" Unable to perceive the shape of you, I find you all around me. Your presence fills my eyes with your love. It humbles my heart, for you are everywhere."
"Wow..you really do know this movie by heart." napailing nalang si Gab nang sinabayan ko ang huling linya ng pinanood naming movie.
Pagkatapos nya akong bilhan ng libro ay nag offer ako na lutuan sya ng pagkain as a way of thanks sa kanya. Kaya eto, nakahiga nalang kami sa sofa habang pinapanood yung credits sa pelikula.
"Was that really love though?" biglang tanong ni Gab at napanganga naman ako at nagkukunwaring na offend sa sinabi nya. " What? that wasn't even a person, how could you fall inlove with a scaled creature?" tinaasan nya ako ng kilay.
"Well, I don't think that romantical love can be bounded among people only. If love has no color,gender or race, it shouldn't also have species right? " tumingin ako sa kanya para mas magets nya yung point ko. "The point is, you'll know someone truly loves you when they see through you and still accept you." ngumiti ako sa kanya at tumayo para magligpit sa pinagkainan namin. Hindi sya naimik pagkatapos non kaya nag taka ako.
Maya maya ay narinig kong tumunog yung phone nya.
"Aaah shit." bulong nya sa sarili nya at nagmadali syang tumayo sa kinahihigaan nya.
"Bakit?"
" I have to head out. Thank you sa food! Paki sabi sa kuya mo thanks for letting me take you out today." nagmadali syang ligpitin mga gamit nya at nginitian ako bago lumabas ng bahay.
Magpapasalamat na sana ako kaso it's too late. Before I know it, iniistart na nya yung sasakyan nya at nag drive na paalis. Napa hinga nalang ako nang may ngiti sa labi ko. Tinignan ko ulit yung mga libro na binili ni Gab para sakin. Niyakap ko ang mga ito bago tumakbo papunta sa kwarto ko.
Hindi ko talaga mapigilang mangisi habang nilalagay sila sa unread section ng bookshelf ko. Nang matapos ko na silang ilagay ay napa hawak ako sa bookshelf. Naalala ko yung time na ginawa to ni kuya para sakin.
Birthday ko non at medyo mahirap pa ang buhay. Kaya imbis na bilhan nya ako ng mamahaling regalo, gumawa sya ng bookshelf para may mapaglagyan yung mga libro ko. That time, tatlo lang yung libro ko at pinag ipunan ko pa yun galing sa mga baon ko. Dati nagagalit pa si kuya dahil kalahati ng baon ko ay iniipon ko para pambili ng libro. Pero kalaunan naintindihan din nya at ginawan pako ng bookshelf kasi alam nyang dadami din yung mga libro ko pag naka luwag luwag na kami.
Ngayon, parang sasabog yung puso ko kasi puno na sya kasama yung mga bagong bili ni Gab para sakin.
"Del! anyare dito sa baba!" nagmadali akong bumaba nang marinig ko yung boses ng kuya ko. "Ano to ang kalat" turo nya sa mga wrappers ng pagkain namin ni Gab kanina.
"Ay sorry kuya..." dali dali kong pinagliligpit yung mga paper bag at cups na naka kalat sa coffee table. " nag movie pa kasi kami ni ate Gab. Salamat nga pala daw at pumayag kang bilhan nya ko." narinig kong huminga ng malalim si kuya kaya napa tigil ako sa pagligpit para tignan sya. "Ya?'
"Gusto mo ba sya?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni kuya.
Gusto ko ba sya??!! gusto..ko ba sya?????
"Pinagsasabi mo. Tabi, nagliligpit ako." iniwasan ko yung tanong nya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung pano yun sagutin.
Kinikilig ba ako pag binabanatan ako ni Gab? Oo.
Gusto ko na ba sya? Hindi pa ako sure.
At kung sure man ako na may gusto na ako sa kanya, papayag ba si kuya?
"May jabee sana akong dala kaso kumain kana nga pala," ayan na naman yung mapang asar nyang mukha.
"aahhh akin na yaaaaaann,"
"hala halaaaa hindeeeeee busog kana dibaaaaaaa"
"kuyaaaaaaaa!!!!!"
________________
miss mo? hahaha
xxallthelovexx
YOU ARE READING
She's Just My Type (GxG)
Ficção AdolescenteDo you still remember the first person who broke your heart? Well, si Dale, hindi'ng hindi nya yun malilimutan. The person came unexpectedly and left so suddenly too. Let's relive our first heartbreak as we go along Dale's journey to not only findi...
