Dale.
" Hey, Can I talk to you?" medyo nagulat ako kasi hindi ko alam kung anong sadya ni Gab sakin. Pero tumango ako at pinapasok naman sya sa kwarto ko. Nilibot nya yung mga mata nya sa kwarto ko at napangiti nang makita nyang maayos na nakalagay sa shelf ko yung mga binili nyang libro para sakin.
" Uhmm.. ano pala yun ate Gab?" parang nawe-weirdohan ako tawagin syang ate. Pero mas matanda naman talaga sya sakin and di ko gusto maging rude sakanya.
"Well, I can't help but notice na hindi ka comfortable sakin." napalunok ako sa sinabi nya. Shemay, nahahalata nya pala. Ayoko nang maalala yung nangyari nung nalasing sya. "It's kinda my fault for randomly making a move on you when we first met."
Randomly? Randomly?!!!
Teka, bat ako nagagalit? Eh ano naman kung wala lang yun sa kanya, diba? Wala lang din naman sakin yung pag flirt-flirt nya sakin. Lasing sya non and ayoko na pag-usapan ang nangyari non.
"I'm sorry for doing that. You just made me feel young again and well you really are cute..." naririnig ko sarili kong heartbeat dahil sa sinabi nya.
Ano ba.. ano bang gustong sabihin ng babaeng to?!
"Dale, I'm not into your brother."
"Ha?" naguluhan talaga ako sa sinasabi nya. Anong pinagsasabi neto? Lasing paba to?
" I thought I should let you know that I'm.. not into guys. So, you don't have to feel uncomfortable about me hanging out with your brother. I know ayaw mo pa syang pumasok sa relationships that's why you're being weird around me. You thought I was gonna date your brother."
Of course ganon ang pumasok sa isip nya. Iba'ng iba ang pagka interpret nya sa mga actions ko. Heck, gusto'ng gusto ko na nga na magka jowa yung kuya ko. Para di na sya mag-isa sa buhay at maka feel naman sya na may nagmamahal sakanya.
Pero nung sinabi nyang she's not into guys? Naka feel ako ng mixed emotions. It's not even like I have a crush on her to feel happy nang malaman yun, diba? Or baka naman kasi nagiging crush ko na sya? Totoo na ba to? Crush ko na ba sya?
Ano bang isasagot ko? Sasabihin ko ba yung totoo or sasabayan ko nalang yung iniisip nya?
Pag sinabi ko yung totoo, baka maging distant na sya sakin. Never pa ako naka experience na kiligin sa totoong tao. Sakanya ko pa lang naramdaman to. Hahayaan ko nalang ba na mawala yun?
Before ko pa maisip ng maayos yung isasagot ko ay inunahan na ako ng bibig ko.
" You're right."
She chuckled in relief at nakahinga naman ako ng maluwag. Ang tense naman ng pag-uusap na to. Lalo akong kinakabahan at nahihiya dahil unti-unti ko narerealize na crush ko na pala ang taong to.
"You don't have to worry , okay? Ryan's like a brother to me," nag smile sya sakin at sa isip ko ay para na akong nagtatalon sa kilig na nararamdaman ko.
Jusko po. Bakit sa babae ako unang nagkakagusto? At bakit sa kaibigan pa ng kuya ko? Most of all, pano ko to sasabihin sa kuya ko. Di bale na. Mabilis lang naman mawala ang crush.
"How was your first day?" umupo sya sa higaan ko at nakatayo naman ako sa harap nya.
"Okay lang, walang friends pero wala rin namang kaaway , hahaha" pa joke kong sinabi sakanya. Nakatingin lang sya sakin.
" What do you plan to take pag nag college kana?"
Napaisip ako sa tanong nya. Ano nga ba? Gusto ko maging isang sikat na author. Pero pangarap ko ding maging nurse. Sabi naman ni kuya, bagay daw sakin ang law.
YOU ARE READING
She's Just My Type (GxG)
General FictionDo you still remember the first person who broke your heart? Well, si Dale, hindi'ng hindi nya yun malilimutan. The person came unexpectedly and left so suddenly too. Let's relive our first heartbreak as we go along Dale's journey to not only findi...
