8.

6 0 0
                                        

Dale.

" pssstt..."

Kumunot ang noo ko habang kumakapit sa natitira kong antok. I thought part lang yun ng panaginip kaya lalo kong sinubsob ang mukha ko sa unan.

Akala ko titigil na, pero ilang segundo pa lang ang lumipas nang marinig ko ulit iyon.

"Pssstt.."

Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang dumilat. Malabo pa ang paningin ko habang inaabot ko ang cellphone na nasa kamay ko pa pala at nakaharap pasakin. Titignan ko
lang sana ang oras. Napaupo ako sa gulat nang makita ko ang mukha ni Gab sa cellphone ko.

Nakatulog pala ako habang magka call kami at hindi nya ito binaba.

"Sheeett.. sorry natulugan kita!" nahiya ako sa nangyari at natawa naman sya sakin. Her voice sounded like bagong gising lang din sya.

"Good morning," palambing niyang sinabi sakin at nanlambot naman ako sa boses nya.

" Sorry talaga, hindi ko talaga napansin na nakatulog ako. Napasarap kasi yung pakikinig ko sa kwento mo kagabi."

" Hindi, okay lang. I know you have classes pa so I just watched you sleep nalang hanggang maka tulog na din ako." ang lapit ng camera nya sa mukha nya and nakita ko up close kung gaano sya kaganda.

Ang puti ng kutis nya at ang kinis. Sobrang soft din tignan ng lips nya at kulay pink. Iba talaga siguro ang hangin sa ibang bansa. Dito kasi sa Pilipinas nakakahulas eh. Wala din akong makitang niisang pimple scar or pores sa mukha nya.

Ang perfect nya.

" Tapos kana bang titigan ako?" bigla akong nahiya dahil antagal ko na pala syang tinitigan at hindi ko narining ang sinabi nya.

" hmm?" natawa nalang sya sa reaksyon ko at inayos ayos nya ang buhok nya.

"Shit ang haggard ko."

"Ang ganda mo kaya." nanlaki ang mga mata nya sa nasabi ko. At maski ako ay nagulat din.

Since when ako naging ganito ka vocal at confident na mag complement sa isang tao?

" A-ano, paki ulit nga? Maingay dito, hindi ko marinig..?" pang-aasar nya sakin.

"Hmmpp bahala ka hindi mo na yun maririnig ulit." nagkunwari naman syang nalungkot at tinawanan ko lang sya.

" Uhmm Gab, need ko na mag prepare. Baka mag tatalak na naman yung tiger." binulong ko lang yung last part at natawa ulit sya.

"Yeah.. uhmm sure." nag pout muna sya bago nag salita ulit. " I'll let you go for now, Dale."

" Bye." sabi ko sakanya pero deep inside, ayaw ko pa talagang ibaba yung video call. Gusto ko pa syang makausap. Gusto ko pa pagmasdan yung mukha nya. Ayoko pa umalis. I want to stay like this forever.

" Bye Dale"

"Bye Gab"

Parang wala niisa sa amin ang gustong pindutin ang end call. Narinig ko yung tawa nya at napangiti lang ako sakanya. "Sige na,"

"Bye.."

I inhaled deeply bago ko pinindot ang end call.

Niyakap ko ang cellphone ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Binaon ko ang mukha ko sa unan at sumigaw dahil sa sarap ng nararamdaman ko ngayon.

Ganito pala to. Sa dami ng libro na nabasa ko..iba parin talaga pag naranasan mo na. Iba yung kilig, yung kaba, tapos yung sobrang tuwa mo pag magkausap kayo.

Nag ping ang cellphone ko at chineck ko ito.

Gabrielle Villareal sent a voice message.

Pinindot ko yung play at tinapat sa tenga ko.

She's Just My Type (GxG)Stories to obsess over. Discover now