Part 5

3.1K 81 2
                                    

Yung manliligaw ni Anna nasa loob ng dorm ko. Paano kung makita ni Jenn to. Yari ako.

"Patt ang tagal!" Sigaw ni jenn

Nakabihis na si marine. Hindi naman siya mukhang kinakabahan. Nakaupo pa din siya sa kama at naglalaptop.

"Pagbuksan mo na tropa mo." Mahinahon niyang sabi

"Ehhhh pano si anna?? Nililigawan mo tapos andito ka?" Patakot kong sabi.

"Sinong Anna?" Sabi naman niya

"Yung tropa kong nililigawan mo."

"Wala akong nililigawan."

"Ahhhhh ehhhh"

"Pat? Andiyan kaba????" Pasigaw ni jenn

Dali kong binuksan yung pinto.

"Ang tagal ah. May kasama ka ba?"sabi ni jenn

Sumilip si marine at sinabing "Hi!"

"Sino yan pat?"sabi ni jenn

"Ahhhh tropa ko" sabi ko

"Kailan ka pa nagkatropa na marine?"

"Matagal na kami naguusap niyan, di ko lang nakkwento hehe" pagpapaliwanag ko naman

"Ahh sige pa cr ako ahh" sabi ni jenn

Pumunta na siya sa cr at tumayo na si marine. Uuwi na din daw siya.

"Uwi na din ako. Mag bonding na kayo ng tropa mo."sabay ngiting pa cute at kurot sa pwet ko

Tumango nalang ako at wala ng sinabi.

Inaasahan ko ng di ko na naman siya makikita sa school kinabukasan kaya di na ako umasa. Masakit kaya umasa. Haha

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. 8AM, 10 pa naman pasok ko kaya natulog ako uli. Nagising na ako ng mga 9 kaya nag asikaso na ako pag pasok, paglabas ko ng pinto nakita ko si Bryan! May nilagay na box sa harap ng dorm ko.

Kaklase ko so Bryan, ka block section ko. Kagrupo namen siya sa nila jenn at anna at alvin. 5 members per group kasi kaya siya sinama namen.

Matangkad si Bryan, 5'11. Maganda din katawan. Hindi payat hindi din mataba. Malaki muscles kasi naggygym. Mestisuhin din. Maganda yung mata. Matangos. At ang ganda ng ngipin. Makinis din siya at sobrang bait.

"Awww you caught me."sabi ni Bryan saken. Ngumiti siya.

"Ikaw yung nagbibigay ng mga regalo??" Sabi ko sakanya.

"Yup. Sana okay lang sayo. Sige alis nako. Ingat ka" ngumiti uli siya at umalis na.

Tinawag ko siya pero lumingon lang siya at ngumiti. Di ko na lang hinabol.

9:50 na! Kinuha ko ung bag ko at pumasok.

chemistry ang klase namen kaya group work. Magkakasama kami nila Alvin, Jenn, Anna at Bryan. Naiilang ako kay Bryan pero parang siya wala lang sakanya yung nangyari. Hindi naman mukhang bi si Bryan kung tutuusin kaya di ko naman pagkakamalan.

Sa kalagitnaan ng experiment sa physics, may nagtext saken.

"Nasan ka?"

"Sino to?" Sabi ko

"Si Elmer Patrick."

Si marine tinext ako?!

"Pano mo nalaman number ko?"

"Tinext ko sarili ko sa phone mo kagabi nung nasa kusina ka. smile emoticon"

"Ahhhh"

Hindi na siya nagtext. Siguro dapat hinabaan ko ung reply ko para nagtext siya.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon