"Ex ko si Elmer"
"Ha? Ehhhh. Ahh. Akala ko ba straight ka?" Sagot ko.
"Ehh syempre di ko pa din tanggap na ganito ako. Akala ko naman okay si Elmer kasi mabait, sweet at maaalalahanin kaya pumayag ako sakanya noon. Pero wala eh. Wala talagang forever" sabi naman niya
"Ahhhhh" tangi kong sagot
"Alam mo iba ka. Kasi hindi naman tumatawag yun si Elmer samen ehhhh. Nung nalaman lang niya na kasama ka, ayun tawag na ng tawag" sabi pa niya
"Eh wala naman kasing namamagitan samen. Ni hindi nga niya ako kinakausap eh." Sagot ko naman.
"Ahhh hindi mo pa din ba alam?" Sagot niya
"Anong di ko alam?" Sabi ko naman.
"Hehe wala joke lang. Binibiro ka lang hehe tara na sa baba. At wag mo sasabihin sa ibang ex ko si Elmer ah? Yari ka saken hehe"sabi pa niya
"Hehe sige sige" sagot ko naman.
Bumaba na kami at nakita namen silang lahat kumakain.
"Tara na't kumain. Uuwi na tayo. Pupunta naman yung mga tropa ni kuya dito kaya sila naman gagamit ng resort"sabi ni anna
"Ahhh sige sige." Sagot ko naman.
Kami kami pa din magkakasama sa sasakyan.
Nagpaalam na kami kay Anna at nagpasalamat.
Hinatid naman ni Bryan si Jenn hanggang LRT station at kaya na daw niya dun.
At umuwi naman kami ni Bryan dahil isang kanto lang pagitan namen.
"Salamat sa masayang bakasyon!" Sabi ni Bryan
"Hehe nag enjoy nga ako" sabi ko naman
"Sige na pumasok kana. Mukhang hinahanap ka na eh" sabi niya
"Salamat sa paghatid"
"Basta ikaw" sabay kindat saken.
Bumaba na ako at pumasok ng bahay. Kinamusta lang nila mama at papa yung bakasyon ko.
May 1 week pa ako para maenjoy ang sembreak ko kaya nag isip ako ng pwedeng gawin.
PERO WALA! wala akong magawa sa bahay kaya nakatunganga ako.
Buti na lang nagtext si Bryan saken.
"Uyyy nasan ka? smile emoticon"
"Nasa bahay lang ako hehe bakit?" Sabi ko naman.
"Wala lang. Birthday kasi ng tropa ko. May handaan at inuman, sama ka??"
"Ahhh nakakahiya di ko naman kilala yan eh. Next time na lang hehe"
"Ayyy taga school lang din to. Baka kilala mo sa mukha, kilala ka daw niya ehh"
"Ah ganun ba. Sige punta ako tintamad din ako dito sa bahay eh"
"Yehey!!!! Punta ka nalang sa court ng 7PM ah? Sige see you!! smile emoticon smile emoticon smile emoticon smile emoticon" sabi naman niya saken.
Salamat!!! May gagawin na ako.
Nagpaalam ako kina mama at pumayag naman sila. Buti naman at bored na bored na ako sa bahay.
Pumunta na ako sa court. Suot ko lang e Blue na tshirt at shorts naka tsinelas lang ako dahil dito lang naman sa kanto namen yun sigurado.
Maya maya nakita ko si Bryan, may kasama siya. Familiar nga saken yung itsura.
Naka sando lang si Bryan kaya labas yung malaking braso niya at naka shorts na pang basketball. Nakangiti siya nung nakita niya ako at lumabas na naman yung maganda niyang mga ngipin.
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Teen FictionSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).