Isang linggo na nakakalipas simula nung makita kami ni Marine sa dorm ko.
Napagpasyahan naman ni Kobe na lumipat sa kabilang dorm dahil sa nangyari. Buti na lang available yun.
Okay naman kami ni Kobe pero nahihiya pa rin siya saken dahil sa nangyari. Nahihiya rin ako. Kaya okay na lang na lumipat siya sa kabila.
Pinilit kong icontact si Marine pero hindi siya sumasagot.
Kailangan ko munang mag focus sa school at malapit na mag finals.
Napansin nila Anna na ang tahimik ko.
"Pat, may gusto ka bang ikwento samen?" Tanong ni Anna at nakatingin din si Jenn at Alvin.
Hindi na sumasama samen si Bryan. Mabuti na rin yun.
"Ah wala naman" sabi ko.
"Alam mo pat sabi saken ni Brandon, halos isang linggo ng di pumapasok si Elmer. Ano ba nangyari?" Tanong ni Alvin.
Medyo naluha ako feeling ko kasalanan ko lahat eh. Alam kong mali yung ginawa ko pero mali rin ginawa niya. Pero kasalanan ko talaga. Si Marine, nakahingi siya ng sorry. Samantala ako, ni hindi ko naman nasabi sakanya na Happy Monthsarry.
"Pat, alam mo kung may problema ka, sabihin mo samen yan" sabi ni Jenn
"Hindi ayos lang ako. Magiging okay rin ako hehe"
Buti na lang dumating na yung prof at nag klase na kami.
Kadalasan, after ng klase ko, makikita ko si Marine sa labas para lang yakapin ako o kausapin. Pero pagtapos ng klase ko, wala talaga.
"Tara kain tayo pat!" Sabi ni Anna
Pero nagtext saken si Kobe.
"Pat, papunta na ako school niyo mag iinquire hehe. Kaya ko na wag mo nako samahan. Salamat!" Sabi niya sa text
"Andito yung kaibigan ko sa Bicol eh. Magiinquire, samahan ko lang ah?" Sabi ko sakanila.
"Okay sige pero sunod ka ah?" Sabi pa ni Anna.
"Oo"
"Pat!" Sigaw saken ni Brandon, magkasama sila ni Alvin.
"Ohh?"
"Ano nangyari sainyo ni Elmer?"
"Huh bakit?"
"Wala lang, nung naging kayo kasi ni Elmer eh ang sipag niya magaral, pero ngayon hindi siya pumapasok ng klase, nasa PE Center lang siya nakatambay."
Hindi ako nakasagot.
"Ganyan yung nangyari sakanya nung nabroken hearted siya dati" pahabol pa ni Brandon.
"Nasa school siya? Osige puntahan ko siya" sabi ko na lang.
At umalis na ako. Sobrang nalulungkot ako sa mga nangyayari.
Nagmadali akong pumunta ng PE Center. At nakita ko siya na nakaupo sa dulo. Siya lang mag isa dun.
Lalapitan ko siya pero napansin niya ako. Dali dali siyang nag ayos at umalis.
Ayaw niya akong kausapin.
Naiintindihan ko naman, kaya pumunta na ako ng registrar at sinamahan si Kobe.
"Kumusta kayo ng boyfriend mo?" Tanong saken ni Kobe.
"Di ko alam eh. Ayaw niya ako kausapin" sabi ko naman.
"Seryoso, kahit gusto kita Pat? Rerespetuhin kita. Alam kong mahal na mahal mo yun eh. Kaya andito ako sayo bilang kaibigan mo" at inakbayan ako ni Kobe.
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Teen FictionSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).