"Ha? Ma? Hala wala to" taranta kong sagot habang kumakawala kay Kobe.
Nakatayo na ako at humarap kay mama.
"Anak, yung totoo?" Seryosong tanong ni mama.
"Mama, lasing lang yan. Nako," di ko alam kung anong sasabihin ko.
"Anak..."
"Ma, ang kulit haha. Wala lang yan, lasing kasi yan oh. Eh ako rin masakit ulo ko huhu" sabi ko na lang.
"Hayst, sige anak. Bumaba na kayo at kumain" sabi na lang ni mama.
Sobrang kinakabahan pa rin ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ngayon na ako uuwi at may pasok na bukas.
Naupo na uli ako sa kama at chineck ko phone ko, 9AM na pala.
May text na rin si Marine.
"Good Morning mahal, sorry di ako nakatext kagabi kasi umalis kami nila kuya tapos pag uwi ko nakatulog na ako agad. Kamusta diyan? Sana nag eenjoy ka. I love you mahal!"
Nawala ko yung kaba ko dahil sa kilig na text ni Marine.
"Good Morning mahal. Kakagising ko lang ang sakit kasi ng ulo ko sa inuman kagabi. Pauwi na ako maya maya mahal. Hehe I love you too" reply ko sakanya.
Maya maya nagising na si Kobe.
Nag inat siya sa higaan at kita ko yung buhok sa kili kili niya. At maganda din katawan niya kasi may V din siya sa bandang ibaba. Maganda din abs niya at bakat medyo labas yung ulo ng etits niya sa brief.
Napatingin lang ako sa inat niya at di ko namalayan matagal na ako nakatingin.
"Ayy sorry shit" sabay takip ng brief niya kasi lumabas yung ulo.
"Hehe don't worry."
"Sorry pala kung magulo ako matulog" sabi pa niya
"Nahuli nga tayo ni mama na magkapatong eh. Nakakahiya kaya" medyo inis kong sabi
"Ayyy sorry. Sorry talaga" sabi niya lang.
"Pinagkamalan pa tayo ni mama nakakaasar"
"Ay hindi ba alam ng mama na bi ka?"
"Hindi no! Nakakahiya kayang magsabi."
"Bakit ka naman mahihiya? E mama mo yun" sabi niya saken at seryoso mukha niya.
"Eh bakit sayo?? Alam bang bi ka?" Tanong ko naman.
"Wala nakong pamilya. Ako na lang mag isa. Si tatang na lang nagpapaaral saken kaso nawala na siya. Pero may pamana naman siya saken. Pero nakakalungkot lang kasi wala na siya" paliwanag niya.
"Ayyy sorry naman di ko alam" bigla akong nahiya.
"Hehe ayus lang. Sige na baba na tayo baka hinahanap na tayo." Sabi niya saken.
"Tara"
Tumayo na siya at nagbihis. Grabe ang ganda ng katawan niya. At ang ganda ng pagka mestiso niya, mapulahin.
Bumaba na kami at kumain.
12PM ako aalis para 12AM andun na rin ako sa Manila.
Hinatid ako nila mama at Kobe sa terminal.
"Anak mag ingat ka sa Maynila ah. Alam mo naman na siguro kalakaran dun. Kung may gusto kang sabihin saken, sabihin mo saken. Maiintindihan ko" sabi ni mama.
"Wala naman ma. Hehe mag ingat rin kayo dito" sabi ko.
"Anak, basta pag may boyfriend ka na sabihin mo saken ah?" Sabi ni mama
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Fiksi RemajaSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).