Nakauwi na ako ng dorm. Basang basa. Sobrang sakit pa rin ng ginawa ko. Tama ba yun?
Nakita ako ni Kobe nun.
"Ano nangyari pat?" Tanong ni Kobe.
Di ako makapagsalita pero umiiyak lang ako sakanya. Walang lumalabas na salita. Iyak lang ako ng iyak.
Pumasok ako sa dorm umupo lang. Isang oras akong umiiyak hanggang sa wala na akong maiyak.
"Okay kana?" Tanong ni Kobe
Di ako sumagot.
"Sige na maligo ka ng madali tapos magpahinga ka na" sabi ni Kobe.
Inalalayan niya ako sa banyo at naligo na ako. Nakatulala pa rin ako.
Napagpasyahan kong tapusin na ang enrollment ngayon at umuwi na lang ako sa Bicol hanggang sa magsimula ang klase.
Sabay sabay kami nila Anna at Jenn.
"Pat bakit magang maga mata mo?" Bungad saken ni Jenn nung nakita niya ako.
Di ako sumagot.
"Naghiwalay ba kayo?" Tanong ni Anna.
Di pa rin ako sumagot.
Biglang dumating si Brandon at kinausap ako.
"Alam mo ba kung nasan si Elmer? Kanina pa kasi tawag ng tawag mama niya eh" tanong ni Brandon saken
Di pa rin ako nakasagot at napaiyak na ako ng todo. Niyakap ko si Anna dahil siya yung malapit.
"Walaaa na kaamiiii" iyak ko sakanila.
"Huh?!! Bakit?!!"
Nung napagod na ako umiyak, kinwento ko na yung nangyaring convo samen ng papa niya.
"Ayyu pu2&282_(! naman pala ng tatay ni Elmer" sabi ni Jenn
"Pat, bilisan mo na mag enroll. Tapos umuwi ka muna sa Bicol para makahinga ka ng maluwag. Presko pa hangin dun" paalala ni Anna.
Binilisan ko na pag enroll at nagimpake agad ako para pumuntang Bicol.
12 hrs na byahe papuntang Bicol at nagulat sila mama nung nasa bahay ako.
Magang maga yung mata ko at talagang ang sikip sa dibdib.
"Mama!!!" Yakap ko kay mama nung nakita ko siya.
Nataranta din si papa at lumapit saken at niyakap ako.
Nasa table kaming tatlo. Tahimik lang at walang nagsasalita.
"Parang nung isang araw lang anak ang saya saya mo ah. Bakit ngayon ganyan ka?" Tanong ni mama saken.
"Ma, wala bang pag asa maging masaya yung mga katulad kong nasa isang same sex relationship?"
Si papa sumagot.
"Lahat ng tao may karapatang sumaya, kahit ano ka pa. Karapatan niyo yan.""Ehhh bakit ganito nararamdaman ko???" Medyo naiiyak kong sabi.
"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ni papa
Kinwento ko yung napagusapan namen ng papa ni Elmer.
"Tangina. Sinapak ka anak?!!" Sabi ni papa
Di ako nagsalita.
"Ni ako ngang sarili mong magulang di kita nagawang saktan ng ganyan pero siya? Aba ayos ah!!"
"Pa wag ka na mainis diyan. Okay na yun. Mas inaalala ko samen ni Elmer"
Natahimik kami bigla at sumingit si papa.
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Teen FictionSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).