Ano ba ako kay Marine? Yung tipong andiyan lang pag kailangan niya? Pag di niya ako kailangan isasantabi niya ako?
Nakakaasar. Naiinis ako. Kung si Bryan na lang sana ang binibigyan ko ng ganitong atensyon!
Back to school na at enrolment na uli.
Si Bryan pa din yung tao sa enrolan kaya di na kami pumila at enrolled na agad.
Di ko pinapansin yung ginagawa ni Bryan dahil si Marine ang gusto ko pero ngayon binabalewala naman ni Marine nararamdaman ko.
Tapos na kami mag enroll at nagkwentuhan naman kaming tatlo nila anna at jenn.
Pumunta kami sa canteen at bumili ng chichiriya.
"OMG pat seryoso? Si Bryan nililigawan ka?" Sabi ni anna na gulat na gulat.
Tumingin ako kay jenn ng masama. Bakit kailangan sabihin ni jenn.
"Wag ka magalit kay jenn. Si Bryan nagsabi saken" habol ni anna
"Nope. Niligawan. Hindi na niya ako nililigawan ngayon" sabi ko naman
"Ayyy bakit naman?sayang kayo. Ang cute niyo pa naman tignan!" Sabi ni jenn
"Hehe di ko din kasi alam"sagot ko naman.
"Siguro may iba kang gusto no?" Pangungulit ni Anna.
"Ahhhh ehhhh wala wala" namumula ako habang sinasabi yun.
"Yung totoo umamin kana!" Sabi ni jenn
"Actually meron pero wala na din yun. Umaasa lang ako sa wala" sabi ko naman
"Oh??eh sino naman yun?" Tanong ni anna.
Di ako sumagot pero kinukulit nila ako.
"Oh sige na.sige na. Sasabihin ko na" sabi ko naman
"Kilala ba namen?" Tanong ni anna
"Siguro kilala mo pero alam ko nakita na ni jenn" sabi ko
"Talaga? E sino naman?"sabi ni jenn na excited sa sasabihin ko.
"Naalala mo yung marine sa dorm ko? Siya." Sabi ko
"OMG!!!!!! totoo?gosh. Di halata sakanya ah?" Sabi ni jenn
"Wait wait OP ako, sino yun?????" Sabi ni anna
"Gwapong marine na matangkad na matangos ilong na sobrang hot kasi yung katawan pang bench model tapos talagang nakakamatay pag ngumiti" pagpapaliwanag ni jenn
"Aweeeeee talaga? Huhu gusto ko mameet pat! Pakilala mo samen!!" Sabi ni anna
"Hala, ako lang may gusto sakanya pero wala siyang gusto saken" sabi ko naman
"Ayy sad naman" sabi ni anna.
Natapos na yung convo namen pero Nagkukulitan pa kaming tatlo.
Maya maya habang nagtatawanan kami biglang may lumapit sameng tatlo. Nasa likod ko so di ko nakita.
"Pat pwede ba tayo mag usap?"
Nakatingin sila jenn at anna sa likod ko. Nakangiti. Lumingon ako at nakita ko si Elmer.
Si Marine ko nasa likod ko.
"Ahhh hi Elmer" bati ko at humarap uli ako kina jenn at anna.
"Tara na uwi na tayo" pahabol ko at tumayo ako at naglakad.
Hinabol ako ni Elmer pero nakaupo pa din sila jenn at anna.
"Sige na. Dito muna kami pat. Usap muna kayo hihi" sabi ni anna habang nagbubulungan sila ni Jenn.
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Teen FictionSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).