Napagpasyahan nameng magbihis muna dahil malamig. Sinamahan niya rin ako sa CR.
"Iho okay lang ba kayo? Sigaw kayo ng sigaw diyan sa tent tapos umuuga pa" tanong ni lolo samen.
"Ahhh opo may pumasok lang na palaka hehe" paliwanag ni Marine.
Pagkatapos namen mag CR naglakad kami sa may beach. Tumatama yung tubig ng dagat sa paa namen habang naglalakad.
Dahil kami lang ang tao, magkaholding hands kami habang naglalakad. Naka sando ako at balabal at board short, siya naman naka tshirt at short.
Ineenjoy namen yung eksena at napagpasiyahan nameng umupo sa buhanginan.
"Ano na sagot mo sa tanong ko?" Tanong niya saken.
"Ganito, upo muna tayo" at umupo kaming dalawa, nakaharap sa dagat. Sumandal ako sa balikat niya.
"Dali, excited nako makilala ka pa lalo hehe" sabi niya saken.
"Alam mo naman na ako, si ate at mama at papa lang ang magkakasama. Wala naman espesyal saken nung high school maliban sa nainlove din ako, kaso sa babae yun, hindi naman naging kami so hindi big deal yun. Palainom ako nung HS kaya naman pansin mo di ako madaling malasing diba. Pero compare sa HS at College, mas masaya ako ngayong college. Simula nung college, dun nagkaron ng kulay mundo ko. Naging malaya lalo sa ginagawa. Dumating pa yung mga baliw kong kaibigan diba? Pero syempre mas gumanda pa lalo nung dumating ka hehe" at tumingin ako sakanya.
"Talaga?" Sabi niya
"Oo, nung dumating ka, exciting na eh. Lalo na yung sa library, sa cr, basta sa lahat hehe. Pag kasama kita, bilis ng tibok ng puso ko, nung nabangga mo pa lang ako nung first day, nag iba na tingin ko sayo eh. Pogi pogi mo kasi" sabi ko naman.
"Pero mas interesado ako sa kung ano ka bago mo ko nakilala" sabi niya
"Wala naman talaga, siguro si Efren na bestfriend ko nung HS pero simula nung gumraduate kami nung HS, di na kami naguusap. Sa sobrang lakas ng tugtog nung party eh dko alam kung ang sinabi niya saken nun kung "kumain kana" o "mahal kita" hahaha, after nun di na ako pinansin, di na kami nag usap"
"Baka may gusto sayo yun""Mahal, sa itsura kong to walang maiinlove saken"
"Ako nga baliw na baliw sayo eh" sabi niya at sumeryeso bigla.
"Siguro may gusto siya pero sabi ko nga sayo diba nung una mo kong niyaya sa cr nun "di ako bakla" haha, kaya di ko napapansin yung ganung feeling niya" sabi ko na lang.
"Ahhhh okaaay, wala na bang iba?"
"Wala na, tapos nung dumating ka kinilig na ako ng sobra haha."
Tumawa lang din siya at pinagmasdan namen yung ganda ng dagat sa gabi."Oh ikaw, mas maraming kang ipapaliwanag, at please sabihin mo na saken lahat? Nalaman ko naman na pinaka sikreto mo eh, sana sabihin mo na lahat" sabi ko sakanya
"Hehe sige sige"
Huminga siya ng malalim at hinalikan ako sa labi.
"Para san yun"
"Wala lang namiss ko agad labi mo eh"
Tangina nakakakilig talaga hehe.
"So eto, simula nung nalaman ko about dun kay mama at papa na may bago na sila, sobrang nagwala ako, nagrebelde. Gusto ko lang kumawala sakanila. So naglayas ako nun, seryoso di ko alam kung saan ako pupunta talaga."
Huminto siya saglit at huminga.
"Nakita ko si Paulo nun, alas tres ng madaling araw, si Paulo kasi kapitbahay ko yan non kaya kami magkakilala. Nakita niya ako naglalakad mag isa. May kasama siyang matandang bakla, mga 40yrs old na. Mataba tapos panget talaga. Nilapitan ako ni Paulo nun. Tinanong niya ako kung san ako pupunta tapos sabi ko naglayas ako."
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Teen FictionSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).