First day ng klase. Inaamin ko kinakabahan ako, sino ba naman hindi kakabahan sa first day ng school sa college life mo. Kinakabahan at the same time excited na din. Nagising ako ng maaga. Chineck ko ang schedule ko. 9:00 ng umaga una kong klase. Naninibago pa dn ako sa kung paano ang college life. Sa high school kasi sanay tayong isang classroom lang at yung teacher ang nag aadjust sa pagpunta sa klase pero pag dating sa kolehiyo, estudyante ang pupunta ng ibat ibang room. Nag enroll ako sa isang school dito sa Quiapo, Manila. Maganda ang engineering dito kaya dito ko nagustuhan mag aral.
Naligo ako, nagsipilyo, kumain ng marami. 7AM na ko natapos sa lahat, sakto lang ang byahe ko mula Makati hanggang school.
Umalis nako ng school pero nagpapicture muna ako sa ate ko para ipost sa facebook ko. Wala kasi akong magandang cellphone kaya kay ate ako nanghihiram. Pagkatapos nun ehh pinost ko na sa fb na may caption na "College life. Lezz do this". May pagka jeje ung post ko pero napost ko na ehh smile emoticon
Nasa school nako. Suot ko ang blue V Neck na tshirt. Slim fit na pants at converse na shoes. Yung bag ko eh kulay green na jansport. Naglalakad nako papuntang school ng biglang may kumpulan na estudyante (Marine Transpo Student ata ayon sa kanilang uniform) ang maingay na nagtatakbuhan. Nabangga pa nga ako nung isa, lumingon lang sabay takbo uli. Sa isip isip ko, wala man lang sorry. Kaya ayun tuloy ang pasok.
Nasa classroom nako. Umupo ako sa 3rd row. Lahat kami ehh nagkakahiyaan na, buti na lang may tumabi sakeng babae. Maganda siya, maputi, mga 5'5 ang height, mahaba buhok, slim, at mabango. Talagang maganda.
Siya: kuya may teacher naba?
Me: ah wala pa naman. 9:10 na nga eh siguro na late lang.
Siya: ahh akala ko late na ako eh.
Me: hehe (di ko alam pano mag open ng topic)
Buti na lang at siya na ang nagsimula
Siya: ako nga pala si Jen. Jennilyn Pangilinan.
Me: ako si Patrick. Patrick Ramos
Jen: nice meeting you
Me: sayo din.
Nagpatuloy lang ang kwentuhan namen hanggang sa dumating na yung prof.
Jen: ayan na kinakabahan nako pat.
Me: ako din.
Pumasok ang isang lalaki. Mga nasa late 20's, matangkad at mukhang strikto.
Prof: goodmorning class. Sorry i'm late, kinuha ko pa yung list of students enrolled in my course. So I'm gonna call you one by one and magpakilala kayo sa harap. Okay?
Kaming lahat: yes sir.
Napansin ko medyo madami na pala kami sa loob, lahat mukhang fresh grad, yung iba e mukhang matanda na dn.
Tinawag na ng lahat ng mga nauna saken, biglang tinawag si Jen,
Prof: Jennilyn Pangilinan?
Jen: yes sir. (Pumunta sa harap) Hi classmate, I'm Jennilyn Pangilinan, 15 yo. Kinuha ko po yung kursong Electrical Engineering kasi po eto po talaga yung gusto ko.
Natapos na si jen, ako na pala yung kasunod.
Me: Hi classmates, I'm Patrick Ramos, 16yo. Kinuha ko po yung Electrical Engineering kasi po pangarap ko pong maging engineer.
Kinakabahan ako sa mga nangyayari kaya bigla akong nagmadaling umupo. Nagpaliwanag lang si sir abt class rules, Nalaman kong pangalan niya eh Sir. Kenneth. Ayun nalang daw itawag namen. At sabi niya e dismiss na daw.
Me: kinabahan ako kay sir, uso din pala sa college yung pagpapakilala
Jen: oo nga eh. Anong sunod mong klase?
Me: ahhhh. Algebra, 12:00 pa, maaga kasi tayong pinalabas eh matagal pakong maghihintay.
Jen: parehas tayo! Patingin nga ng sched mo.
Nagkakumparahan kami ng sched at nalaman namen magkaklase kami sa lahat, Block section daw tawag dito.
Me: tara kain muna tayo sa canteen.
Jen: tara!
Naglalakad kami papuntang canteen. Konting kwentuhan. Nakita ko na naman yung mga marine na maiingay kanina. Nasa labas ng canteen, nakita ko dn yung nakabangga saken. Di ko na lang pinansin. Kumain kami ni jen hanggang sa nagkakwentuhan uli kami.
Napagpasyahan nameng pumasok na kahit 11:30 pa lang. Pag pasok namen sa room, nag cr muna ako. Pag pasok ko ng cr andun yung marine na nakabangga saken. Ngayon ko siya natitigang mabuti, gwapo pala siya, matangos ilong, maputi din, yung gupit na pang marine kaya kitang kita mo yung mukha niya. Umihi na ako at nag hilamos, andun pa din yung marine. Nakatingin ng masama saken. Sabay sabi.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo ah!" Sabay labas ng cr. Natakot ako kasi unang araw pa lang may banta na agad saken. Haha.
Pagbalik ko ng room, nagkwentuhan uli kami. May mga bago na kaming kasama, Si Anna Pastera at Alvin Navarro pagpapakilala samen. Nagkkwentuhan kami. Mukhang masaya ang college life at mababait ang mga kaklase ko. Natapos na ung klase ko at last subject na ung 2:00 ko na humanities.
Masaya ang first day ng klase ko. Sabay sabay pa kami umuwi nila jenn, anna at alvin. Sumakay kami lrt. Pero lahat sila bumaba na ng gil puyat. Bumaba ako sa edsa papuntang mrt, ng makasalubong ko na naman si marine. May kasamang bakla na matanda, di ko alam kung napansin niya din ako. Basta sumakay ako ng tren at bumaba ng guadalupe. Nakita ko din silang bumaba kaya nagmadali nakong lumabas.
Kung tutuusin, masaya ang first day ko! Mas masaya kesa sa ineexpect ko. Pero katulad ng expectation, mas marami pa palang akong di ineexpect na mangyayari saken,
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Novela JuvenilSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).